Inis sa magulang

Kasi naiinis lang ako sa mga magulang ko. Kasi pilit nila ipa mixed feeding si baby ko na 5 months palang kasi daw hindi daw na sasatisfied si baby sa milk ko kasi kada minuto, hanap ng hanap ng dede. Naiinis ako kasi sobrang dami ng milk ko to the point na nag sisirit na. Sabi nila wala na daw sustansya milk ko need na daw ng formula kasi parang di mabusog daw. Baby ko ang lusog lusog, hindi sakitin kaso parang ang pale daw ng kulay niya kaya nasasabi nila na walang sustansya milk ko. Ngayon ngayon lang siya nag vitamins like celine and tiki tiki para daw maging masigla skin niya. Ewan ko ba gusto ko mag bf hanggat meron pa akong milk pero kontra sila. Naiinis ako.

Inis sa magulang
41 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

maganda jan,isama mo magulang mo sa next check up ni baby sa pedia. para pedia mismo mag explain sa kanila na it doesnt work that way. mas masustansya ang gatas ng ina kesa sa formula milk. ang formula milk,may sugar. kaya mas mabilis tumaba ang baby. pero pag mataba,doesnt necesarilly mean na healthy ang bata. ang breastmilk,maganda sa immune system ng baby. kaya mas ok kesa formula.

Magbasa pa

kung stay at home ka naman continue lang sa breast milk. baby ko din madalas ang pag dede sakin to the point na inaabot kami ng 1 and half hour pagpapadedehan, then after an hour dede ulit. ignore mo lang parents mo mas better naman ang breast milk than formula.hindi lang siguro nila na hahawakan ng matagal baby mo sa dalas dumede sayo kaya iniissue nila yan hehe.

Magbasa pa
4y ago

Tama sis. Kaya siguro gusto nila i fm kais para mahawakan nila ng matagal. Hays. Ganun din si lo. Umaabot din ng hour ang pag dede kahit 5 mos na

just continue breastfeeding..wala po sa taba or laki yan..nasa resistensya ng bata yan..lalo n ebf ka..wag mo sila pkinggan..may nbsa nga ako kung ebf ka no need n ng vitamins kase dami preservatives ..sa ebf eh dami n vitamins n nkukuha/antibodies..saka laki tipid mo n dn kung mag formula ka di mgksya 6k mo sa mga needs and essentials ng baby mo araw araw..danas ko kase..

Magbasa pa
4y ago

Thank you pooo🤗🤗 sinunod ko lang si mama na i vit kahit ayaw ko kahit yun nalang isunod ko sakanya wag lang mag formula si lo

Lahat ng sustansya nasa breastmilk mamsh. Kaya laging parang gutom si baby kase mabilis na ddigest ng katawan nya ung sustansya from breastmilk. Kaya wala din overfeeding pag EBF ka dahil the milk itself compose of all nutrients na kailangan ng katawan ni baby and once na nainom nya na gumagana na un sa lahat ng parts ng katawan nya, kaya madali syang magutom.

Magbasa pa
4y ago

Opo nga. Tapos kita naman sa output po ni baby na sapat nakukuha ni baby ko kasi dami niya po mag wiwi. At tama ka po. Inaabosrb po niya lahat ng nutrients kaya madali magutom. Na basa ko sa breastfeeding pinays

Mas mgnda nga po ang gatas ng ina wla po tatlo dyan ang bata tlga mhilig mg gatas yan lalo pag baby mo. Lalake nku sobra takaw huwag mo sya muna I mix ksi kpag nalasahan nyan iba gatas aaywan na nya gatas mo at higit sa lahat mgnda ang breast feeding dhil masustansya na mkakatipid kpa iwas kapa sa puyat pra magtimpla

Magbasa pa

OMG! Same case Tayo sis. 4months Naman Yung baby ko. at alaga siya NG pedia niya since birth. then gusto din nila na iformula milk. like May gaaahd. Wala Naman silang nabibili para sa anak ko, diaper/wipes although Hindi Naman ako hinihingi sa side NG asawa ko. tapos mag rerequest pa sila NG formula milk. haaay!

Magbasa pa
4y ago

true sis. hahahaha. like kelan pa Hindi naging masustansya Yung breast milk? Basta ba bigay nila pambili. sige. bet ako diyan 😜😜😜

VIP Member

mommy, ikaw pa din ang may control sa baby mo kung paano mo siya papa kainin. explain mo lang ng maayos sa parents mo ang benefits ng breastfeeding. ganyan din mommy and tita ko dati dahil old school, formula milk talaga ang nakasanayan nila. pero politely explain na hindi naman sakitin si baby ang yun ang mahalaga

Magbasa pa
4y ago

Thank youu. 🤗🤗 Opo i explain ko nalang talaga sakanila ng maayos😞

ako mix mula nung pagkapanganak, mag 1mo. si baby ko sa 21. Mix kasi, kulang nya ung ung gatas ko. Dedede skin tapos iiyak titimplahan ko konti tapos ok na, or titimplahan ko tapos dedede skin pag kulang. Kumbaga, support lng ung bfeed skin. Kht gusto kong ipure bfeed prang imposibleng mangyari.

Magbasa pa

i explain mo po na mas masustansya ang breastmilk kesa formula. try pumping din po para makita nila output ng milk na nadede ni baby. honestly nainis din ako sa magulang mo 😅 pinapaarawan nyo pa din ba si lo every morning? baka kaya ganun color nya kasi di sya naarawan?

4y ago

Yun nga po hays. Pero continue pa din ako sa breastfeeding. Kasi alam ko naman po mas masustansya to kesa sa fm. At tamad tamad po kaya ako mag hugas ng bote hehehe

Naku! Nakakainis talaga pagganun. Ako dati yung inlaws ko naman kung ano ano. Ganito ganyan gawin ko, ginawa ko oo lang ako ng oo pero hindi ko ginagawa. Hanggang sila rin sumuko, ako nanay kaya ako masusunod. Ipapahamak ko ba naman ang anak ko.

4y ago

Ganun din inlaws ko. Balak n anga bilhan ng mga feeding bottle nung 1month palan siya. Nainis ako dun sinabihan ko wag ma at ipupush ko ang bf kasi di man ako aalis ng bahay. Ganun din sitwasyon sa mama ko. Di daw satisfied si baby sa milk ko. Tumigil kakakulit sakin na bilhan ng bottle nung nakita niya na nasirit gatas ko🤣