Breastfeeding

#1stimemom Naiinis ako. Sa tuwing gusto kong ibreastfeed ang baby ko, lagi na lang nilang sasabihin sa akin na 'wag na lang daw kasi wala naman din daw madedede yung bata sa akin, dahil maliit daw dibdib ko. Wala daw sustansya gatas ko. Mas magandang ipaformula milk na lang daw. Nakakahurt lang na parang nadidiscourage na lang ako. :( Kaya humina tuloy milk supply ko. Dahil medyo tinigil ko na lang din mag breastfeed, thinking na baka tama nga sila. :(

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wag kang basta basta panghihinaan ng loob mamsh, nako sobrang laki ng matitipid mo sa pagbbf at mas sigurado ka pang safe at healthy para kay baby at mamsh sinasabi ko sayo nakakatamad maghugas ng mga bote hahahahaha. pinagsisisihan ko talagang hindi tinuloy ang pagbbf ko nun sa panganay ko dahil lang sa nagkasakit ako, pinanghinaan agad ako ng loob nung hindi na siya nabubusog sa gatas ko tapos hindi rin kasi supportive yung mga nasa paligid ko nun kaya ayun sakitin panganay ko nun kaya balak ko now sa 2nd ko kahit ano mangyari magebf talaga ko. wala rin akong dibdib mamsh pero sobrang lakas ng gatas ko nun kahit now na buntis pa lang ako ulit may nalabas na talaga, as in sumisirit at basa talaga damit ko always. more on sabaw lang mamsh, nakakalakas din daw ng gatas ang milo. wala sa laki ng dibdib ang labanan sa pagpapadede mamsh kaya go lang 😊

Magbasa pa
VIP Member

Aawwww so sorry to hear this! 😔 Sometimes other people think they're right. But you have to trust your own decisions when it comes to raising your child. Madami talagang makikialam pero wag mo sila pakinggan especially if you don't feel it's right. Better to ask experts like your baby's pedia if you're confused or unsure. As of the size of breast, walang kinalaman yung size sa milk production! Breastmilk is still best for babies and formula is expensive. So kung makakapag breastfeed ka gawin mo. Iba yung nutrients na nakukuha sa breastmilk. I hope you feel better soon and hope you can tune out yung mga unsolicited advice and negative comments on how to parent your baby. ❤

Magbasa pa

ganyan dn sabi sakin before ng mama ko sis pero syempre mas gusto tlaga natin na maBF si baby kaya push lang po ang pagpapadede.. unli latch lang po and more water saka sabaw and wag po nega para di komonti yung milk.. always think positive lng po.. ako po 8mos. na ebf may 2teeth na si baby mejo masakit na pero go pdn.. ayaw nya dumede sa bote po eh..

Magbasa pa

ako po momshie maliit din dede at mahina hina pa gatas 1 1/2 month na si baby. Lahat ng pde mgpalakas ng gatas ko ginagawa ko. Kc mas gusto ko pure bf katulad sa panganay ko 3 years old ng stop. Sabi ng ob ko mas ok breastmilk kc libre lng at masustansya pa kesa sa formula pde pa magkaroon ng allergy si baby at ndi mahiyang at masakit pa sa bulsa.

Magbasa pa

aray! sa mga flat🤣 hanggat may Dede . magpadede 🤣 pake nila kung maliit para sa baby Naman Yun and hindi basehan ung size . may gatas nman yan dibdib mo momshie pagatasin mo lng si baby . at healthy ka Naman so maganda nmn ilalabas na gatas ng breast nio po☺️

wag kau paapekto. yung sister ko 4 na anak nya (3 lalaki, 1 babae) lahat nag bfeeding sa kanya. wala sa liit o laki yan sis. sa sustansya daw wala? basta kumain ka ng massutansyang pagkain din walang problema, ako 2 anak ko mallusog pareho bfeeding

Post reply image
VIP Member

Hi mommy wag kng makinig kasi ikaw mismo ang nakakaalam kung anong makakabuti kay baby, stay strong at ipakita mo sa knila na mali sila, d purkit maliit ang suso,walang gatas at d masustansya, mali sila dun. Continue mo lang ang breastfeed. 😊

mas maliit na dede mas maraming fat na nilalabas😊 at kahit gano pa kaliit dede mo BREASTMILK ang pinaka mahal na gatas na magkakaroon ka ng libre. kaya ibigay mo sa anak mo😊 Keep on breastfeeding lang mama. sobrang healthy si baby💕

mother knows best! hindi nakadepende ang sustansya at dami ng gatas sa kung gaano kalaki ang boobs ng isang ina. huwag mo silang pansinin. alam naman naten na walang katumbas na sustansya ang ating LIQUID GOLD. Proven and tested na po yan.

i think wla po sa liit ng dede yan,,,may kilala ako kasing laki ng ppaya wla nmang gatas ung nanay,,,kain lang po kau ng pampgats na mga food para dumami po..mas healthy po kc pag breast feeding tas d sakit sa bulsa..