Inis sa magulang

Kasi naiinis lang ako sa mga magulang ko. Kasi pilit nila ipa mixed feeding si baby ko na 5 months palang kasi daw hindi daw na sasatisfied si baby sa milk ko kasi kada minuto, hanap ng hanap ng dede. Naiinis ako kasi sobrang dami ng milk ko to the point na nag sisirit na. Sabi nila wala na daw sustansya milk ko need na daw ng formula kasi parang di mabusog daw. Baby ko ang lusog lusog, hindi sakitin kaso parang ang pale daw ng kulay niya kaya nasasabi nila na walang sustansya milk ko. Ngayon ngayon lang siya nag vitamins like celine and tiki tiki para daw maging masigla skin niya. Ewan ko ba gusto ko mag bf hanggat meron pa akong milk pero kontra sila. Naiinis ako.

Inis sa magulang
41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naku! Nakakainis talaga pagganun. Ako dati yung inlaws ko naman kung ano ano. Ganito ganyan gawin ko, ginawa ko oo lang ako ng oo pero hindi ko ginagawa. Hanggang sila rin sumuko, ako nanay kaya ako masusunod. Ipapahamak ko ba naman ang anak ko.

5y ago

Ganun din inlaws ko. Balak n anga bilhan ng mga feeding bottle nung 1month palan siya. Nainis ako dun sinabihan ko wag ma at ipupush ko ang bf kasi di man ako aalis ng bahay. Ganun din sitwasyon sa mama ko. Di daw satisfied si baby sa milk ko. Tumigil kakakulit sakin na bilhan ng bottle nung nakita niya na nasirit gatas ko🀣