Inis sa magulang

Kasi naiinis lang ako sa mga magulang ko. Kasi pilit nila ipa mixed feeding si baby ko na 5 months palang kasi daw hindi daw na sasatisfied si baby sa milk ko kasi kada minuto, hanap ng hanap ng dede. Naiinis ako kasi sobrang dami ng milk ko to the point na nag sisirit na. Sabi nila wala na daw sustansya milk ko need na daw ng formula kasi parang di mabusog daw. Baby ko ang lusog lusog, hindi sakitin kaso parang ang pale daw ng kulay niya kaya nasasabi nila na walang sustansya milk ko. Ngayon ngayon lang siya nag vitamins like celine and tiki tiki para daw maging masigla skin niya. Ewan ko ba gusto ko mag bf hanggat meron pa akong milk pero kontra sila. Naiinis ako.

Inis sa magulang
41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Lahat ng sustansya nasa breastmilk mamsh. Kaya laging parang gutom si baby kase mabilis na ddigest ng katawan nya ung sustansya from breastmilk. Kaya wala din overfeeding pag EBF ka dahil the milk itself compose of all nutrients na kailangan ng katawan ni baby and once na nainom nya na gumagana na un sa lahat ng parts ng katawan nya, kaya madali syang magutom.

Magbasa pa
5y ago

Opo nga. Tapos kita naman sa output po ni baby na sapat nakukuha ni baby ko kasi dami niya po mag wiwi. At tama ka po. Inaabosrb po niya lahat ng nutrients kaya madali magutom. Na basa ko sa breastfeeding pinays