please enlighten me, suko na ko. ???

Hi, im 25 years old now. Nag simula kami sa nagpakilala syang 18 sya and im 24 that time. Nagka inlove-an kami. Pero nadiscover ko na he's only 14 yrs old and super inlove na ko sakanya that time, he also has a girlfriend that time so i stopped. And then he pursue me, he broke up with his 3yrs ex and niligawan ako. Ginawa nya lahat ng mga bagay na mahihiling nang isang babae sa lalake, yung genuine love ganon na sobrang pinadama nya sakin na may halaga ako, since i came from a tragic past with my ex live in partner. (May baby na kami nung ex ko and yet tanggap nya pa din ako) so past forward ng konti, he became my world.. pero hindi ako tanggap ng pamilya nya. Hanggang sa tumatakas sya sakanila just to be with me, and then napilitan ang pamilya nya na tanggapin ako. And then his family sobrang sama nilegal kami pero pinaramdam sakin/samin na sobrang ayaw nila sa relasyon namin. And dahil nga sa bata sya bumalik sya sa ex nya coz yun yung convenient sakanya. And then after 2weeks binalikan nya ko ulit kase hindi nya kaya laging naghihiwalay kami kase dahil sa pamilya nya and sa hirap ng pagtakas nya and sitwasyon namin sa pamilya nya and then huling nagkablikan kami, he really fight para sa relasyon namin. Super late na like madaling araw tatakas sya makita at makasama lang ako. And then we found out na im almost 2mos preggy pero hindi nya ko iniwan sinuway nya parents nya and ginipit kami, my friend helped us pinatuloy kami sa condo like for 4mos. Nagsama kami tru meron or wala, hindi naman mahirap kase maayos sa condo. Maraming sinabe against sakin family nya like hindi nila kami matatanggap ng bata pero pinaglaban nya kami, hanggang sa hindi na kinaya mag stay sa condo. Kung saan saan kami naghanap ng matutuluyan and napunta kami sa novaliches squatter sobrang layo sa nakasanayan nya, nagkakasakit sya and ginagalis hindi sya sanay kase galing sya sa mayamang pamilya but he tried na magtagal kasama ako don meron o wala masaya kami, hanggang sa hindi na nya kinaya talaga kase halos wala na kami makain hindi ako nakakainom ng vitamins. Awang awa na sya sa sarili nya kase sobrang nakakaawa naman kami dahil garapata ipis langgam mga kasama namin sa pagtulog. Umuwi sya ng madaling araw at walang pasabi sobrang sakit. Iniwan nya ko sa sitwasyon na walang wala. Ngayon kasama na nya pamilya nya and masya sya kase nakabalik na sya sa luho nya and bigla syang naging cold. Nawala yung taong pinaglaban ako at minahal ako. Napagod din sya na ipaglban ako dahil sobrang ginigipit ako ng pamilya nya. There's this house blessing nila kase bago house nila bagong gawa and the family invited his ex and dun pa pinatulog, ginagawa nila lahat for him to regret sa mga bagay na nawala o possible na mawala. Pero he chose to stay sakin, sobrang sama ng loob ko sa pamilya nya. I know mali na mainlove ako sa mas bata sakin pero tao lang ako napamahal at nagmamahalan kami ang di ko lang matanggap bakit may mga tao na sobrang tigas ng puso. Sa ginawa nila na pang ggipit samin tuluyan na kaming naghiwalay. Sobrang sakit im 6mos preggy now. Sobrang depressed na depressed ako hindi ko alam gagawin ko, gusto ko kausapin mama nya pero i dont know where to start. Kung ano sasabihin ko at kung paano ??? sobrang sakit ??

please enlighten me, suko na ko. ???
105 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Isa lang ang naiisip ko. Immature pa yang bata. Natural na hindi pa yan magseseryoso sa buhay dahil bata pa siya. Sa edad niya, hindi pa niya kaya umako ng malaking responsibilidad. Nung nalaman mo na minor siya, sana ikaw nalang lumayo kasi lahat ng magiging desisyon niya, for sure unstable. Mayaman sila. Maganda buhay nya sa kanila. Malamang naiisip niya yun kaya madali para sa kanya na iwan kayo kahit buntis ka. Gaya nga ng una kong sinabi, immature. Di nya pa narerealize repercussions ng mga actions na ginagawa niya. May dahilan kung bakit pwede magsampa ng demanda ang magulang ng minor kapag nakipagrelasyon ito sa mas nakakatanda. Yan yung time na napakadali nilang maimpluwensyahan. Not that I am saying na inimpluwensyahan mo siya ha. The problem is yan ang makikita ng lahat ng tao sa sitwasyon nyo. You took advantage of him kahit alam mo sa sarili mo na aware siya sa ginagawa nya. That's the sad truth. Mommy, the best way you can do is to stay away for now kasi hindi natin masasabi ano mangyayari sa future niyo. Kung magmamature siya sa future, good for the two of you. Pero as of now, kahit saang anggulo, wala kang laban dyan lalo na against ang parents niya. Tandaan mo, if gugustuhin nila, pwedeng batas ang pairalin nila. Uwi ka sa family mo. Find a job. Kausapin mo si bagets kung willing ba siya magsuporta. Kung hindi, pabayaan mo na. Try your best to support your baby. Again, kung mangyayari man, time will come na makakapag isip din ng maayos yang boyfriend mo kung anong magiging balak niya sa buhay niya pero as of now, mukhang puro stress lang ang maidudulot niya sayo so better stay away to focus on your baby. Pray ka na time will come magmature siya. Pero kung hindi, atleast you are mature enough para suportahan ang baby mo. :)

Magbasa pa

Let go and move on... mamsh ikaw ang mali dito in case na hindi ka aware... 2nd baby mo na to, dapat dun pa lang sa una natuto ka na.. bakit mo pinabayaan mabuntis ka in the first place? To think na at your age, I assume alam mo naman ang dapat gawin para hindi mag concieve. What responsibility can you expect sa isang 15years old? Do you expect na kaya ka nya buhayin? Hindi pa siya dumadaan sa pagbibinata. Eventually baka magkahiwalay din kayo kasi nahirapan siya. Let go of him if you really love him. Wish him to have a good life, good education he deserves. Then after that pag asa legal age na siya at mahal ka pa din nya edi go diba. Sa problema mo sa parents niya, wag ka na umasa na matatanggap ka nila. Kung sana naging good influence ka sa anak nila at hindi ka nabuntis... may chance siguro. Kaso nagmadali kayo. Para sa kanila isa ka hadlang sa pangarap nila sa anak nila. Sa ngayon hindi mo pa siguro na eexperience yung struggle na maipasok sa magandang school anak mo. Having high hopes na mag aaral siya ng mabuti para sa future nya. Then mababalitaan nila gnyan. For now, seek love from your family and friends. After mo manganak, mag sikap ka na ayusin ang sarili mo. Pakita mo sa kanila na kaya mo tumayo kahit wala sila, then you will gain respect sa mga tao.

Magbasa pa

Nakakaloka momsh! Naalala ko ex ko, I'm 28 and he's 18 years old that time. So 10 years gap. Okay lang sa family nya, close kami ng mommy nya at mabait din daddy nya sakin. Pero umayaw ako, kasi immature pa sya, at ayoko mag alaga ng batang isip kagaya nya kahit pinaparamdam nya na mahal na mahal nya ko. May times parin sya ng pagiging isip bata, mahal na mahal ko din sya pero tiniis ko yun para narin sakanya. Ano pa bang aasahan ko diba? Bata pa eh. Lalo na kaya kung 14 years old? Omg para kang kumuha ng bato na ipupukpok sa ulo mo. Ngayon, 21 na sya at married na kami pareho. Ka age nya partner nya at ka age ko partner ko. Walang problema walang sakit sa ulo at walang stress. Time will come makakahanap ka din ng para sayo and please be wise enough on choosing your partner, sa panahon ngayon mas importante na ang facemask at paghuhugas ng kamay kesa sa pagiging martir at sasabihin na tao lang ako nagmamahal lang, jusko day kailangan mautak ka para hindi ka maisahan. Palakihin mo nalang ang anak mo and Im sure nasa puso at isip naman ng tatay nyan ang anak mo, hindi nga lang nya kayang panindigan sa ngayon. Give him time and space to grow. Kung kayo, kayo talaga. Give yourself a break momsh, wag ka magpaka lugmok sa ganyang sitwasyon. Cheer up para kay baby ❀️ LAVARN!!! πŸ’ͺ

Magbasa pa
VIP Member

May mga tao talagang buisit sa buhay. Nagpapasalamat ako at may magulang akong nakasuporta sakin kahit ganyan ang magulang ng boyfriend ko. Magiging magulang ka din at isipin mo na hinding hindi mo gagawin yan sa magiging pamilya ng anak mo. Sobrang sarap sa feeling na kahit may kaya sa buhay ang pamilya namin, nagpapakahirap pa rin akong magsikap at magpagod para sa ikabubuhay namin ng magiging pamilya namin. 5months pregnant na ko and hindi na umaasa pa sa suporta ng family ko financially. Dahil ginusto namin to. Pasalamat ako kahit wala ring kwenta boyfriend ko financially, nagagawa kong mapunan ang pangangailangan namin ng baby ko sa tummy ko kahit ang luho ko dahil di ako umaasa sa kahit na sino. Di mo kailangang magpakalubog mommy. Stay strong. Isipin mo buisit lang sila. kung di nila kayo kayang tanggapin, ikaw ang tumanggap sa sarili mo at sa magiging baby mo. Isipin mo na kailangan mong bumangon. At walang kwenta yung boyfriend mo at pamilya ng boyfriend mo. Makikita mo pag dating ng araw, aasenso ka rin. Basta mag tyaga ka langm

Magbasa pa

Sis. Masyado pa pong bata yung lalaki at alam mo naman yun. Ikaw mas may edad na and you know better than him kung anu ang tama at mali. Tama ang magmahal, lahat tayo may karapatan magmahal pero mali ang sumugal sa isang bagay na alam mong hindi ka mananalo. Una, minor de edad pa ang lalaki, responsibilitypa rin ng mga magulang nya ang mga acts nya, kaya nga ganun na lang siguro ang pananalita nila sayo at sa anak nila dahil alam nila na mali at saka nasira mga pangarap nila sa anak nila. Saka sis, Anung ipapakain sayo ng lalaki na nakabuntis sayo? Malamang magaaral pa yan kaya paanu makakapagtrabaho? Anung pang suporta nya sayo? Hihingi sya sa magulang nya? Diba sis? Pero andyan na yan e. Ang akin lang wag mong pabayaan ang magiging baby mo. Ibuhos mo lahat ng pagmamahal sa kanya, yun ang pinakatamang gagawin mo. Ang maging responsable sa buhay mo at sa magiging anak mo. Sa kanya ka bumawi. May God bless you and your baby.

Magbasa pa

Mukang nagpadala ka sa emosyon at d mo den naisip magiging consequence o naisip mo nga pero binaliwala mo lang kase mahal mo at mahal ka. Kaso bata pa talaga sya e. Saka nagaaral pa. Kahit sang anggulo mo tignan hindi ka pa kaya buhayin nan, kung yun ngang nasa tamang age na hirap maghanap nan work yan pa kayang 14 palang. Kung mahal nyo naman talaga ang isat isa pwede naman antayin mo na makatapos sya at sya naman magtapos para sa future e kayang kaya ka na nya talaga buhayin at ipaglaban sa magulang nya. Kaso nanyare nabuntis ka pa, sobrang wala den talaga sa tamang panahon yung sa inyong dalawa. Di mo den maaasahan na itolerate ng magulang nan lalake kahit pa nabuntis ka kase menor de edad pa anak nila e. Sa mga desisyon non asa pa den sa magulang. Financial pa nga lang e nakaasa pa. Itama mo nalang yun mali mo ngayom at WAG NA ULIT UULET. Pangalawang anak mo na yan. Wag ka na ulet papadala sa emosyon na MAHAL. Napapahamak ka.

Magbasa pa

Ate, sobrang bata nya pa... Hindi nya ma eenjoy ung mga ibang bagay na dapat ay para sa edad nya.. Sa sobrang aga at bata nya pa na mag kakaanak, mararanasan ung buhay may pamilya in the long run mag sasawa din sya... Napaka daming may sitwasyon na ganyan, nagloloko or na babarkada dahil na tali ng maaga and take note nag aaral pa sya.. Jusko po.. Di mo masisi ung magulang na magalit sayo dahil sa tingin nila sinira mo kinabukasan ng anak nila, inagaw mo anak nila imbes na nag eenjoy sa pagiging bata.. Wag ka mag expect na matatangap ka nila agad.. It takes time... Parang ang lumalabas sa parents nung bata selfish ka... May edad kna, kakayanin mo buhayin ung baby mo, may pamilya ka naman cguro, lumapit ka sa knila.. Wag mo itali ung bf mo na 14years old.. Makakasuhan ka pa nyan dahol menor de edad yung bf mo... Please dont be seflish, i know mahirap mag buntis pero kaya ka nga may pamilya, Kaibigan para lapitan...

Magbasa pa
VIP Member

For me, don't talk to them ever. Alm mo kng bkt? Kse magsasayang klng ng effort pati laway mo mssyang lng bka mastress kpa at kng ano pa mangyari syo or worst pati sa bata. Ang mga taong ayw syo wag pilitin kse kng gnun katigas mind set nun di magbabago un kht my apo kng tlga dimunyo attitude nla. At sa jowa mo na bata, admit it nagmahal ka ng bata hnd mo nman snsadya accept nten yan pero kng sinukuan ka ng tatay nyang anak mo ngaun nagpapatunay lng na hnd nya kaya kht para nlng sana sa anak nya. Don't ask them for help, alm kong kaya mong mag isa yn. Ipakita at ipamukha mong kaya mo hnd para sa srli mo para sa anak mo nlng dn. Nanay kna so kapakanan nlng ng bata dpt icpn, one day drting dn na mkkta nla ung anak mo at un ung pagsisisihan nla buong buhay nla kng sakali. Just stay strong, you can do it for your child.πŸ’ͺπŸ’ͺπŸ’ͺπŸ˜‡πŸ‘Š

Magbasa pa

Sis move on ka na lang... Magfocus ka sa mga anak mo... I hope you learned your lesson and know in your heart that you are at fault on this. You have to face the consequences of your actions. Masarap mag mahal ang teenager o bata dahil puro feelings o puso lang sila... Saka mahahalina talaga sayo yan. Nasa puberty stage sya and nagooffer ka ng intimacy which is new to him. Unfortunately, when you are building a family it takes more than that. If you really care about him, let him go. Hayaan mo na sya sa family nya para di masira ang buhay nya... If you were his mom, I am sure that you wouldn't want your underage son to be in that situation and to be with you.. Sorry for being blunt but that is the reality. Maging thankful ka na lang at di ka kinasuhan ng statutory rape or corruption of minor ng family nya.

Magbasa pa

Ahmm.. nung HS kmi ng bf ko 18 ako at sya is 16. hindi kami nagsex until makagraduate ng college why?kasi since mas matanda ako sknya although 2yrs lang naman inisip ko na dpt mas responsible akong mag-isip kaysa sknya,baka mamaya makasuhan pa ako ng child abuse eh. Dream nya kasing mging Marine Engr.kaya sabi ko hnd kami pwd maging marupok. Right now,tinutupad na nya ang dreams nya at gnun din ako. Lahat ng bagay nasa Right time. Ngayon more than 8yrs na kmi. Siguro hayaan mo muna sya,bata pa sya eh. May point din ang parents nya,ngayon ang gawin mo is makipagusap na lang pra sa sustento ng anak nyo. Kapag lumabas ang baby baka malay mo sya ang magbago ng sitwasyon,lumambot ang puso ng pamilya nya at matanggap nila ang sitwasyon nyo.

Magbasa pa