Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Excited to become a mum
Naglilihi ulit? At 28weeks
May nakakaranas ba ng kagaya saken. Now ko lang to naranasan compared sa 1st pregnancy ko. Halos 3rd tri na ako pero bumalik yung naduduwal, nababahuan sa isda saka bloated o sinisikmura na pakiramdam. Although mas less kumpara sa 1st tri, balik din ulit sa nawawalan ng gana kumain
At the hospital
Kwento ko lang yung nangyari sakin sa hospital kanina. May sched ako ng congenital anomaly scan. Last week pa ako inschedule ng obygyne ko. Last week dapat gagawin kaso wala na daw bakante so ngayong araw napunta. Sabe sakin balik ako ng umaga para gawin yung test. At yun na nga nagpunta ako kanina. Mga 10-11 am siguro ako nakarating nun sa ospital. Tagal makasakay e kase tanghali na din nagising. Binigay ko agad yung request form sa lab after bayaran, alam ko mabilis lang din naman sila magtest saka yung result mabilis lang din. Around mag11 ata yun ng ibigay ko yung form at sabi saken nung nurse antay lang ako sandali may ginagawa lang daw yung doctor. Ako alam ko sandali lang talaga kase nakapag ultrasound na den ako dun nung 8weeks ko at mabilis lang nga. Sa pagaantay ko na yung may ibang mga buntis den na dumating at napansin ko una pa sila tinatawag para itest kaysa sakin. Nakadalwang balik ako sa nurse station at tinatanong kung kelan ako tatawagin. Wala nakalista kung sino yung nakapila sa kanila. First come first serve usually sa lab. Ang nangyari mag12pm na d pa ako natatawag e yung mga dumating na after ko pa, tapos na agad. So nagtanong na ako, kase mga sabi sakin sadali lang daw e. Aba bigla ba naman sinabi na inuuna daw kase yung mga regular ultrasound kase special daw yung akin kaya panghuli ako. So ako naman sabe ko ano oras pa po ako makakapagtest, sabe 1pm daw. Edi nagantay na naman ako. Di muna kami umalis kase pagaalis at kakain tapos babalik madodoble pa gastos. So antay nalang kase 1hr lang naman. Ako nalang naiwan na buntis nagaantay sa labas ng lab. At nung 1 pm na tinanong ko kun makakapgtest na ako, wala pa daw yun doctor. So antay na naman. Hanggang sa mag 2pm na di pa den ako natatawag. Nakailang tanong na ako lagi sinasabi saken na sandali nalang daw e mag 2pm na d pa kami nakain. Nung after lunch na yun may 3buntis na panibaging dumating at sila na naman unang tinawag. Hangang sa d na ako nakatiis nagtanong na ako, hanggat meron bang nadating na regular test ako yung ipapanghuli kahit sinasabi na sandali nalang. Ganon daw kase talaga. So bumalik ako sa upuan ang sama ng loob ko. Ang sakit na kase ng likod ko, ng pwet ko at ang tugas ng upuan 3hrs na ako nagaantay d pa ako natatawag. Yung huling dumating nauna pa sila. Umiyak na ako habang nakaupo. Yung aswa ko nagalit na siya na nagfollow up sa nurses nagpapaexplain bakit pinagaantay ako at anun yung special na ako yung ipinanghuhuli. D daw sila makasagit at makapagexplain. After ko kumalma, sabe ko sa asawa ko kukunin ko na yung labrequest ko at paparefund ko nalang. Kase halfday lang din hiningi ko sa work na leave e. D ko talaga inexpect na papatagalin nila. Pinagtitinginan ako nung mga nurse nung kinukuha ko yung form. Luhaan pa ko nun. Tapos bigla nalang sinabi saken na ako na daw yung itetest. Yun naman pala pwede ako na kanina pa ako nagaantay kung di pa nagalit asawa ko at d ko pa babawiin yung form d pa nila ako uunahin. May isang buntis pa na nagaantay ng regular test nun. Kung di ako nagreklamo uunahin pa yun bago ako. Sobrang sama ng loob ko e. Ang sakit na ng katawan ko kakaantay. Nung nasa loob na ako para sscan after matapos dun lang ako nakaexperience na basta lang nilagyan ng tissue yung tyan ko tapos umalis yung nagtest na tatawagin nalang ako sa result. Para bang nagmamadali na d mo maintindihan. Usually aantayin muna nila makatayo yung tao bago umalis yung nagtest at pupunasan mabuti yung gel sa tyan. Pero grabe. Sobrang bilis lang ng ginawa saken wala pa nga yun 15mins tapos pinagantay pa ako ng matagal. Di ko alam anong trip nila ng araw na yun bat nagkaron sila ng porket special yung test na gagawin e ipanghuhuli.
Three Months Pospartum
I'm currently suffering from cracked nipples. Ang sakit. Tinitiis ko lang talaga para kay baby. Kapag tingin ko namamayat sya kase di ko sya mapadede ng maayos dahil masakit pakiramdam ko, I failed as a mother. Nung ipanganak sya, first few weeks lagi hindi maganda nasa isip ko. Emergency CS ako. Masakit yung tahi, nanghihina, masakit den magpadede. Di ko pa mabuhat yung anak ko kase di ko pa kaya. Tapos pag iyak pa sya ng iyak na hindi ko mapatahan sobrang napufrustrate ako. Naiisip ko dahil sa kanya kaya nahihirapan ako. Na hindi ako nakapagwork dahil sa kanya, naubos ipon ko, nagkautang utang kame, na hindi ako makatulog ng maayos dahil puyat sa kanya.. basta puro negative. Sa isip ko pa gusto ko na syang takpan ng unan. Postpartum depression kung ito man nga yon. Naiisip ko pa, dalwa nman kami ng partner ko na bumuo sa kanya bat ako lang yung nakakaramdan ng sobrang sakit at hirap. Kanina pa nagpapadede ako, sugat pa rin, isang buwan na mahigit, katabi ko partner ko nag MML mura pa ng mura kase lag daw. Pinagbigyan ko na nga sya na sya lang gumamit ng wifi kase di pwede dalawa e nahihirapan na nga ako magpadede kase masakit tas may mamarinig ka pa sa tabi mo na mura ng mura. Nainis ako. Nakakastress kase lalo kung ganon. Nasabe ko pa tuloy sa baby ko, pinanganak ka ba para parusahan ako?. Sa totoo lang mahal na mahal ko naman anak ko, pero pag nahihirapan at nasasaktan ako di ko alam bakit napagbubuntunan ko sya. Nakokonsensya ako kapag ganon. Hindi naman kase ako ganon dapat. Before magkaanak, mahilig talaga ako sa bata at sa baby. Pero ngayong may anak na ako, nagiging ganito naman ako. ?? Naaawa ako sa anak ko kapag di ko agad sya mapadede dahil masakit nga. Kelangan ayusin ko muna yung latch nya. Lagi ko inaalis pag masakit. Kapag hinde. At titiisin ko lang lalong nalala yung sugat. Ano bang point ko dito? Sensya na kung mahaba. Gusto ko lang magventout. ?
ang cuteee
??? For baby
vaccine
Pano po ba pwede gawin namamaga kase yung pinagturukan kay baby. Tinurukan sya kanina lang ng Penta saka PCV. Iyak ng iyak tas nasasaktan talaga sya.
Baby
Umaga palang pagod na ako ? D mo maiwan kahit sandali lang para maligo kase naiyak. Ghad.
26days Baby Boy. Growth spurt?
Ebf. Mayat maya nadede, pag ibaba gising agad tas iyak na naman. Kahit nadede naiinis na sipa ng sipa na nanununtok pa. Ayaw den sa duyan gusto karga. Pag side lying na pagdedr naiirita den. Pag nakahiga lang saken na nadede saka lang nakakatulog ng matagal at d naiirita. Ngayon naman gantong position ok den pala masarap tulog nya.
Head
Pano po ba maayos yung ulo ni baby? 24 days old baby boy po sya.
CS WOUND
Pano po ba maglinis ng CS wound. Sabe lang kase ng OB ko betadine e. Pero yung process? Padampi dampi lang ba o pede ipahid yung betadine? Tapos pwede ba langgasin or yung sa pinakuluang dahon ng bayabas para mabilis magheal? Sana may makasagot. Pano po ba ginagaw nyo? 11 days na mula ng manganak ako
help pleaseeeee! sana may sumagot agadddd
Baka may same case po dito kagaya nan baby ko. 5days old palang sya. May result po nan labtest sa baba tas pic ni baby naninilaw. Pati po sa mata Ano po ginawa nyo? Paaraw lan po ba o confine na?