please enlighten me, suko na ko. ???

Hi, im 25 years old now. Nag simula kami sa nagpakilala syang 18 sya and im 24 that time. Nagka inlove-an kami. Pero nadiscover ko na he's only 14 yrs old and super inlove na ko sakanya that time, he also has a girlfriend that time so i stopped. And then he pursue me, he broke up with his 3yrs ex and niligawan ako. Ginawa nya lahat ng mga bagay na mahihiling nang isang babae sa lalake, yung genuine love ganon na sobrang pinadama nya sakin na may halaga ako, since i came from a tragic past with my ex live in partner. (May baby na kami nung ex ko and yet tanggap nya pa din ako) so past forward ng konti, he became my world.. pero hindi ako tanggap ng pamilya nya. Hanggang sa tumatakas sya sakanila just to be with me, and then napilitan ang pamilya nya na tanggapin ako. And then his family sobrang sama nilegal kami pero pinaramdam sakin/samin na sobrang ayaw nila sa relasyon namin. And dahil nga sa bata sya bumalik sya sa ex nya coz yun yung convenient sakanya. And then after 2weeks binalikan nya ko ulit kase hindi nya kaya laging naghihiwalay kami kase dahil sa pamilya nya and sa hirap ng pagtakas nya and sitwasyon namin sa pamilya nya and then huling nagkablikan kami, he really fight para sa relasyon namin. Super late na like madaling araw tatakas sya makita at makasama lang ako. And then we found out na im almost 2mos preggy pero hindi nya ko iniwan sinuway nya parents nya and ginipit kami, my friend helped us pinatuloy kami sa condo like for 4mos. Nagsama kami tru meron or wala, hindi naman mahirap kase maayos sa condo. Maraming sinabe against sakin family nya like hindi nila kami matatanggap ng bata pero pinaglaban nya kami, hanggang sa hindi na kinaya mag stay sa condo. Kung saan saan kami naghanap ng matutuluyan and napunta kami sa novaliches squatter sobrang layo sa nakasanayan nya, nagkakasakit sya and ginagalis hindi sya sanay kase galing sya sa mayamang pamilya but he tried na magtagal kasama ako don meron o wala masaya kami, hanggang sa hindi na nya kinaya talaga kase halos wala na kami makain hindi ako nakakainom ng vitamins. Awang awa na sya sa sarili nya kase sobrang nakakaawa naman kami dahil garapata ipis langgam mga kasama namin sa pagtulog. Umuwi sya ng madaling araw at walang pasabi sobrang sakit. Iniwan nya ko sa sitwasyon na walang wala. Ngayon kasama na nya pamilya nya and masya sya kase nakabalik na sya sa luho nya and bigla syang naging cold. Nawala yung taong pinaglaban ako at minahal ako. Napagod din sya na ipaglban ako dahil sobrang ginigipit ako ng pamilya nya. There's this house blessing nila kase bago house nila bagong gawa and the family invited his ex and dun pa pinatulog, ginagawa nila lahat for him to regret sa mga bagay na nawala o possible na mawala. Pero he chose to stay sakin, sobrang sama ng loob ko sa pamilya nya. I know mali na mainlove ako sa mas bata sakin pero tao lang ako napamahal at nagmamahalan kami ang di ko lang matanggap bakit may mga tao na sobrang tigas ng puso. Sa ginawa nila na pang ggipit samin tuluyan na kaming naghiwalay. Sobrang sakit im 6mos preggy now. Sobrang depressed na depressed ako hindi ko alam gagawin ko, gusto ko kausapin mama nya pero i dont know where to start. Kung ano sasabihin ko at kung paano ??? sobrang sakit ??

please enlighten me, suko na ko. ???
105 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Let go and move on... mamsh ikaw ang mali dito in case na hindi ka aware... 2nd baby mo na to, dapat dun pa lang sa una natuto ka na.. bakit mo pinabayaan mabuntis ka in the first place? To think na at your age, I assume alam mo naman ang dapat gawin para hindi mag concieve. What responsibility can you expect sa isang 15years old? Do you expect na kaya ka nya buhayin? Hindi pa siya dumadaan sa pagbibinata. Eventually baka magkahiwalay din kayo kasi nahirapan siya. Let go of him if you really love him. Wish him to have a good life, good education he deserves. Then after that pag asa legal age na siya at mahal ka pa din nya edi go diba. Sa problema mo sa parents niya, wag ka na umasa na matatanggap ka nila. Kung sana naging good influence ka sa anak nila at hindi ka nabuntis... may chance siguro. Kaso nagmadali kayo. Para sa kanila isa ka hadlang sa pangarap nila sa anak nila. Sa ngayon hindi mo pa siguro na eexperience yung struggle na maipasok sa magandang school anak mo. Having high hopes na mag aaral siya ng mabuti para sa future nya. Then mababalitaan nila gnyan. For now, seek love from your family and friends. After mo manganak, mag sikap ka na ayusin ang sarili mo. Pakita mo sa kanila na kaya mo tumayo kahit wala sila, then you will gain respect sa mga tao.

Magbasa pa