βœ•

HELP! Merong nanlalandi sa asawa ko, anong gagawin ko?

HELP! Merong nanlalandi sa asawa ko, anong gagawin ko? Guwapo, matangkad, at matalino ang asawa ko. Bago pa kami ikasal, marami na talagang nagkakagusto sa kaniya. Hindi naman ako selosa. In fact, never namin napag-awayan ang ibang babae dahil alam kong loyal siya sa akin. Fast forward to today. 8 years na kaming kasal. Mataas na ang posisyon ng asawa ko sa kumpaniya nila. Marami siyang tauhan. Kahit may asawa na siya, marami pa ring nagkakagusto sa kaniya. Okey lang naman sakin yun. Kaso recently, nakatanggap siya ng anonymous text. Sabi ng texter na crush daw ang asawa ko ng kaibigan niya at gusto nilang sopresahin si ate gurl ng birthday greeting galing sa mister ko. Ugh. Malalandi! Anyway, pinakita sa akin ng asawa ko ang text. Ako pa ang nag-reply dahil pilit naming inaalam kung sino ang nagpadala ng message. Iniisip ni mister na baka pinagtritripan lang siya ng mga tauhan niya. Iniisip ko na totoong may haliparot na gustong umaligid. Ayaw magpakilala ni texter, ayaw din niyang sabihin ang pangalan ni malanding ate gurl. Hindi na nag-reply si texter. Makalipas ang ilang araw, tinanong ko si mister kung ano na ang nangyari kay texter. Kung nasundan pa ba ang pag-uusap nila. Sabi niya, wala na daw. Hindi ko ugaling mag-check ng phone so kebs. Naniwala ako. Hanggang lumipas ang ilang linggo. Ewan ko ba kung bakit ko naisip na i-check ang phone niya. Kutob siguro ng misis. Nakita ko na nagtext pala ulit si texter. Binigay ang number ni ate gurl na malandi! Tinuloy pala nila ang plano na ipa-greet sa asawa ko. Ano to?!? Artista ba si mister para kailangan pang pa-greet-greet?!? Malaki ang kumpaniya nila kaya hindi kilala ni mister si ate gurl. (Well, yun ang sabi niya sa akin nung kinumpronta ko siya.) But still, ang napakagaling kong mister, tinext naman ng happy birthday si ate gurl na malandi! Medyo inosente naman ang text niya, simpleng greeting lang naman. Nagreply si ate gurl na hindi daw siya makapaniwala na tinext siya ni "sir" at tanong ng tanong kung si mister ba talaga yun o kung pinagtritripan lang siya. Maang-maangan pa. Si mister sumagot pa! Oo siya daw yun kahit ipagtanong pa sa mga ka-opisina nila. Natapos na dun ang usapan. Not. Noong birthday ni mister, nagtext si ate gurl ng happy birthday. Nagpasalamat naman si mister! Siyempre matapos kong basahin ang mga kalandian na yan, galit na galit ako. Kinausap ko ang asawa ko. Ang rason niya, dahil boss siya, ayaw niyang magmukhang suplado sa mga tauhan niya. Wow. Napakagaling. Out of the goodness of his heart. Magpalakpakan! Ang sagot ko naman, dahil sa ginawa niya, baka isipin ni ate gurl na malandi at ng kaniyang mga kaibigan na walang respeto sa sactity ng marriage na open si mister sa pakikipaglandian. Natatakot din ako na baka sa susunod, hindi lang text ang gawin. Baka mamaya pinupuntahan na siya sa opisina niya at nagpapahiwatig na ng kung ano man. Bukod pa do'n, nasaktan talaga ako dahil hindi sinabi sakin ni mister ang mga bagay na 'yan. Kung sinabi lang sana niya sa akin, nasabi ko sa kaniya na hindi okey sakin na mag-reply siya. Nakakabastos sa akin bilang asawa. Nag-sorry naman sa akin si mister. Pero nabwibwisit pa rin ako. Pakiramdam ko tuloy, nabawasan ang pagtitiwala ko sa kaniya. OA ba ako? Gusto ko talagang gumanti do'n kay ate gurl, sa totoo lang. Kabwisit. Ano ba ang puwede kong gawin? Yun lang. Gusto ko lang mag-rant. Salamat sa inyong pakikinig.

89 Replies

Dyan nagsisimula ang lahat. Bago pa lumala putulin na agad. And talk to your husband about sa nafefeel mo dahil sa nangyari. It's not OA, normal makaramdam ng disappointment and insecurity dahil unang una nasa work nya ang babaeng nalandi sa kanya at to think na di naman nya subordinate yung girl (kase di nga nya kilala in-person date) walang masama if di nya batiin yon or kausapin kase once and for all, magkaiba ang trabaho sa personal na buhay. Kase ako bilang nagwwork, kinakausap ko mga kawork at operators ko kung nasa trabaho, pero paglabas na ng work, hindi ako nag eentertain ng mga kaechosan lalo na ng mga lalaki, depende if kaclose ko yung tao.

alam mo sis maswerte ka sa asawa mo at sinasabi nya sayo yun.yung iba jan naku po. siguru d nlng nya sinabi yung last conversation kasi ayaw na nya ikaw mag.alala pa. ikaw na din nagsabi, mataas position nya.tingin ko namn,d sya gagawa ng bagay na ikasisira nya sa trabaho nya. maliit na bagay lang yan sis kumpara sa iba. dont lose your trust kasi pag natuloy tuloy yan, maaaring mas lumala.as long as, umuuwi sya sa inyo, ramdam mong mahal ka nya, d ka nya pinapabayaan, stay inlove with him.wg mo hayaang masira yon dahil lang sa selos. pls be more understanding and loving. mas lalo pray lang lagi sis para ibless lalo ni God ang marriage niyo. Godbless.

true. good advice

hindi OA kasi ganyan din mararamdaman ko... dapat sinasabi nila yung mga ganyang sitwasyon lalo na may babae na pinag uusapan... ang hindi nya pag sasabi ay pagtatago... pero isipin mo parin na kailangan natin magtimpi kung minsan... nagsorry naman pero wag mo itiwala na dun nalang yun matatapos kasi pwede naman di patulan yung pag greet e... di nya naman obligasyon na batiin si girl... kahit tao nya pa yun pwede naman hindi maging suplado e... kasi asawa ko pag may mga babae na nakuha ng number nya...selosa asawa ko...kaya magpakilala kayo... at nag kkwento sya lahat about sa work nya... mas magaan ang pagsasama pag wlang lihim lihim sa isat isa

Asawa ko din habulin... Ewan ko ba. Sige, sabihin na nateng gwapo talaga si mister at sobrang bait nya sa ibang tao. Nakakainis lang na baka namimis interpret ng mga babae yung pagkamagalang/marespeto nya sa mga tao... Madalas naming pag awayan yan noon kasi daming nagtetext/tawag/chat sa kanyang mga kakilala nyang babae. Kaya kinikompronta ko talaga si hubby sa ganyan kasi inis na inis ako Kaya pag may tumatawag o nagchachat dati kay Hubby na ibang babae, block agad. Hahaha char. Well, buti ngayon okay na. Dahil ayaw na namin pag awayan, ngayon kusa nang binablock ni Hubby pag ganyan or di nya na nirereplayan/sinasagot.

For me.. It is just my opinion. No to bash! Kung ganyan po ung nararamdaman niyo ibig sabihin lang po niyan mababa ang tingin niyo sa sarili nyo. Why? Kasi pinakasalan ka ng asawa among the others, ibig sabihin lang niyan mataas ang pagtingin niya sayo, malaki ang tiwala niya sayo. And also wala kayong tiwala sa mga asawa niyo kasi kung may tiwala kayo sa asawa niyo hayaan niyo silang igreet niyan, at the end of the day ikaw at ikaw pa rin ang mahal niyan. Yun lang po sana ang iapply naten sa relasyon. Tiwala sa asawa at tiwala sa sarili, pagkakaroon ng bilib sa sarili. Un lang po. Again, NO TO BASHERS!

Selosa din ako. Super selosa. The pros of being a fulltime SAHM. Nagiging insecure at paranoid haha. I always tell my husband na may tiwala ako sa kanya pero sa mga tao na nakapaligid sa kanya eh wala. Lalo sa mga babae. Kasi ung iba dyan alam na nga pamilyado na lalandiin pa. Kung kako gagaguhin nya ko eh goodluck sa kanya dahil wala na cyang mahahanap na katulad ko haha (dapat ganern ang banat🀣). Limitahan kako ang pagiging masyadong mabait and know the boundaries sa pagiging colleagues. Pagawayan na kako namin lahat wag lang third party, pera and physical abuse.

VIP Member

No need to make ganti momsh, but yeah you can talk to ate girl. Call her using other prepaid number so you still have your privacy with your personal number also para hindi ka ibother after. Just talk to her, be civil, decent and straight to the point. Let her know that you and your husband are open to each other and you're aware of their convo and just to set her expectations, your hubby is just trying to be nice. And you're not stupid to not notice how she's trying to flirt with your husband. Ganern! πŸ˜‰ Ganda ka ghorl?! Lol (at the back of your mind) πŸ˜‚πŸ˜…

If that happens a couple of times talk to the woman calmly and in civilized manner(pero sa totoo lng sarap sabunutan hnd ba?πŸ˜…πŸ€£ and say to her makati ka!!!) Kasi minsan kpg nanahimik ka she will rely on it n wala kang gagawin. (hnd nya alam gusto mo syang abangan sa kanto galing work!πŸ˜‚) But get rid of the bad feelings towards her before you talk to her like bakit nya nga ba ginagawa un?para makausap mo ng maayos at kalmado(aside from the fact n makati sya at walang respeto).i feel u sis (oh no i wish i could the same if that happens to me)πŸ˜…

Valid namn po yung feelings ninyu madam,kung ako nasa kalagayan mo ay naku,baka masuntok ko asawa ko..aw..joke po..well ganito po kasi yun,dpt yung asawa mo na amg nag hahandle ng ganyan,emotionally your being cheated,nung sinabi nya na wla ng communication pero continue pa pala.kung sa akin mangyari yun baka katakot takot na sermon at away ang mangyayari. Hindi nmn kasi mag pupursue ang babae kung deadma si mister. So dpt maging honest sya sayu at open talaga sanlahat ng nangyayari sa kanya sa opisina.

Hindi ka OA...some women will try to seduce your man especially when you said he’s good looking,tall and me katungkulan na mataas sa company nila even when his married (for this women,its an exciting challenge kung maaakit nila yung lalake).Pray your guy knows his priorities....You,your family and his career.My husband is a General manager in the retail industry...marami syang tauhan (yung iba mas maganda pa sa akin)but he knows his limits and boundaries,he’s professional when he deals with his colleagues.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles