HELP! Merong nanlalandi sa asawa ko, anong gagawin ko?

HELP! Merong nanlalandi sa asawa ko, anong gagawin ko? Guwapo, matangkad, at matalino ang asawa ko. Bago pa kami ikasal, marami na talagang nagkakagusto sa kaniya. Hindi naman ako selosa. In fact, never namin napag-awayan ang ibang babae dahil alam kong loyal siya sa akin. Fast forward to today. 8 years na kaming kasal. Mataas na ang posisyon ng asawa ko sa kumpaniya nila. Marami siyang tauhan. Kahit may asawa na siya, marami pa ring nagkakagusto sa kaniya. Okey lang naman sakin yun. Kaso recently, nakatanggap siya ng anonymous text. Sabi ng texter na crush daw ang asawa ko ng kaibigan niya at gusto nilang sopresahin si ate gurl ng birthday greeting galing sa mister ko. Ugh. Malalandi! Anyway, pinakita sa akin ng asawa ko ang text. Ako pa ang nag-reply dahil pilit naming inaalam kung sino ang nagpadala ng message. Iniisip ni mister na baka pinagtritripan lang siya ng mga tauhan niya. Iniisip ko na totoong may haliparot na gustong umaligid. Ayaw magpakilala ni texter, ayaw din niyang sabihin ang pangalan ni malanding ate gurl. Hindi na nag-reply si texter. Makalipas ang ilang araw, tinanong ko si mister kung ano na ang nangyari kay texter. Kung nasundan pa ba ang pag-uusap nila. Sabi niya, wala na daw. Hindi ko ugaling mag-check ng phone so kebs. Naniwala ako. Hanggang lumipas ang ilang linggo. Ewan ko ba kung bakit ko naisip na i-check ang phone niya. Kutob siguro ng misis. Nakita ko na nagtext pala ulit si texter. Binigay ang number ni ate gurl na malandi! Tinuloy pala nila ang plano na ipa-greet sa asawa ko. Ano to?!? Artista ba si mister para kailangan pang pa-greet-greet?!? Malaki ang kumpaniya nila kaya hindi kilala ni mister si ate gurl. (Well, yun ang sabi niya sa akin nung kinumpronta ko siya.) But still, ang napakagaling kong mister, tinext naman ng happy birthday si ate gurl na malandi! Medyo inosente naman ang text niya, simpleng greeting lang naman. Nagreply si ate gurl na hindi daw siya makapaniwala na tinext siya ni "sir" at tanong ng tanong kung si mister ba talaga yun o kung pinagtritripan lang siya. Maang-maangan pa. Si mister sumagot pa! Oo siya daw yun kahit ipagtanong pa sa mga ka-opisina nila. Natapos na dun ang usapan. Not. Noong birthday ni mister, nagtext si ate gurl ng happy birthday. Nagpasalamat naman si mister! Siyempre matapos kong basahin ang mga kalandian na yan, galit na galit ako. Kinausap ko ang asawa ko. Ang rason niya, dahil boss siya, ayaw niyang magmukhang suplado sa mga tauhan niya. Wow. Napakagaling. Out of the goodness of his heart. Magpalakpakan! Ang sagot ko naman, dahil sa ginawa niya, baka isipin ni ate gurl na malandi at ng kaniyang mga kaibigan na walang respeto sa sactity ng marriage na open si mister sa pakikipaglandian. Natatakot din ako na baka sa susunod, hindi lang text ang gawin. Baka mamaya pinupuntahan na siya sa opisina niya at nagpapahiwatig na ng kung ano man. Bukod pa do'n, nasaktan talaga ako dahil hindi sinabi sakin ni mister ang mga bagay na 'yan. Kung sinabi lang sana niya sa akin, nasabi ko sa kaniya na hindi okey sakin na mag-reply siya. Nakakabastos sa akin bilang asawa. Nag-sorry naman sa akin si mister. Pero nabwibwisit pa rin ako. Pakiramdam ko tuloy, nabawasan ang pagtitiwala ko sa kaniya. OA ba ako? Gusto ko talagang gumanti do'n kay ate gurl, sa totoo lang. Kabwisit. Ano ba ang puwede kong gawin? Yun lang. Gusto ko lang mag-rant. Salamat sa inyong pakikinig.

88 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Before everything else i want to give you my experience Sis. I do experienced that on my husband. Mine is a foreigner working as a Manager in a restaurant. So this thing happen, Last year i was in Indonesia traveling for a competition. The first day of my competition was really rough and you know what happen i failed that day. When i go back to the hotel, my husband was crying and telling me he met another filipina girl on some online chat app then she started to flirt with him. I was so devastated and i really want to go home that time. But time comes i ask for God Sign. Then it shows me, If he truly loves you he will not gonna make a way to hurt you. No matter how long you are in relationship with him. Because when my husband realize everything i've done for him he stopped it and he give all his words and he earned back my trust. He shows it to me through his Actions. So just a simple advice Sis. If you trust him through all your privacy i hope he trusted you too on his privacy so you going to have a Happy Married Life. And for the girl that is trying to flirt your husband don't mind her and deal with your husband. Because it's his choice if he is going to cheat on you or tell you the truth about it. But if the girl is not stopping on flirting your husband,there is another way try to look on to it and see what does she want. Be happy Sis Have a Great Day

Magbasa pa

Mali ang ginawa ng mister mo. Kinilig siguro siya nung malaman niyang may nagkakagusto sa kanya, normal naman yun pero mali na inentertain niya pa yung ganun. Mali ang rason niya na baka isipin ng empleyado niya na suplado siya or something. Mali. Kung boss ka, keep it professional. Mali na itinago niya ito sayo. Tanong mo sa mister mo, kung ikaw ang gagawa nung ginawa niya matutuwa ba siya? Okay na sana yung umpisa, nung ipinabasa niya sayo at ipinaalam na may ganon sa opisina niya. Nagkamali na siya nung pumatol siya sa kalandian ni ate girl. Sis, wag na wag kang magpapakita dun sa babae na affected ka, hindi mo kayang kontrolin ang kalandian nila. Ang pwede mo lang paalalahanan ay ang mister mo, na mag-ingat, dahil ang isang maliit na pagkakamali ay makakaapekto sa "buo" niyo sanang pamilya. Choice niya yan, kung makikinig siya sayo o magpapadala siya sa tukso. At ikaw, maging handa ka sa laban πŸ˜‹, este maging handa ka sa kung ano man ang mga mangyayari pa sa future. For sure marami pang aali-aligid sa mister mo, na walang delikadesa.

Magbasa pa

May mga ganyang babae talaga. Di ko lubos maisip, bakit kailangan umabot sila sa ganong kadesperadahan. Sana alam nila yung sakitang respeto, kahit di nang sa kapwa nila babae, kahit sa sarili man lang nila. Sayang mga pinagaralan nila, para lang lumandi mg ganon. Dapat ding yang si mister mo, alam niya limitations niya. Sabi mo nga, mataas na siya sa kumpanya, dapat alam niya respetado siya. Di naman masamang humindi, e ano kung maging suplado siya sa muka ng mga katrabaho niya. Dapat feelings mo muna yung uunahin niya kung magiging komportable kaba sa gagawin niyang yun. Saka isa pa, malamang sa malamang alam ng asawa mo na may gusto si Ate girl dun sakanya. Wag kamo siya painosente. Pero tinuloy pa din niya, tapos di mo pa alam. Nako, gera talaga yun. Tama lang yung naging reactions mo sis. Para alam din ng mister mo kung ano yung ayaw at di komportable sayo. PS. Kung reresbakan mo si Ate Girl, sama ako. Pasabunot hanggang matanggal ang anit. Kahit sakanya man lang makaganti para sa mga katulad niyang higad.

Magbasa pa

In my opinion, sorry sis ah, mejo OA ka nga hehe. If I were you, siguro I'll talk to him how i feel about it and how it affects me. I'll also thank him for letting me know na may humihingi sa kanya ng greeting. And the reason probably hindi na nagsabi si mister nung may text pa ulit is because he knows you are going to overreact again. I'll subtly joke about how artistahin siya kasi na lang, and how lucky I am to be his wife. Just to lighten up the situation. I'll ask him na deadmahin na lang sila, for my own peace of mind, and that as my husband I expect him to honor what I am feeling. I won't waste a single second on those girls haha not so worth my energy and time. Now that he know it makes me uncomfortable, I'll simply ask him to block their numbers and delete their messages. Keep your composure, don't let situations like this get the best of you sis. :) ^

Magbasa pa

I don't think you're overreacting. If I were you, ganyan din iisipin at mararamdaman ko. There should be a fine line between professional and personal relationships. Bakit hindi nya batiin sa office, isang casual na "uy happy birthday" kung part ng team nya? Kung hindi, why does it matter na isiping suplado sya? Isa pa, hindi lang nya basta tinago sayo, nag sinungaling pa sya kasi sabi nya di na nasundan yun usapan diba? Bakit sya mag sisinungaling kung totoong wala namang malisya yun batian nila? Nagtatago lang tayo pag alam natin na mali yun ginawa natin kasi nakakahiya. Diba? Isa pa, dapat mas mahalaga sakanya yun mararamdaman mo kesa sa sasabihin ng mga katrabaho nya. Dalhan mo ng lunch sa workplace nya, kung pwede ka mag stay dun, kumaen kayo ng sabay. Sumama ka sa Christmas party, hayaan mo mainggit yun malalandi. 😹

Magbasa pa
2y ago

Isa pa alam naman na may asawa yung tao, bakit parang napaka insensitive nung may babaeng may gusto sa mister nya

Sis, i've been there. Hirap magkaroon ng gwapo at successful na asawa πŸ˜‚ but you must always hold on to your husband's loyalty to you, trust your husband. You are lucky kasi yung mga ganung bagay sinasabi nya sayo, to my opinion it means nothing, he will never bother to inform you about that anonymous texter if he is interested. But if your instinct tells you something, then go and check your husband's office for yourself. As a wife, you are entitled to visit him in his workplace, or better speak to your husband about it. You can always sort things out without being paranoid or yung tipong lumalabas na wala kang tiwala sa asawa mo. He will feel great kung alam nya na may tiwala ka sa kanya, hindi magpapalandi ang isang lalake kung mahal nya pamilya nya.

Magbasa pa

para mahinto po yugn ganyan try mo po pumunta sa opisina nila para alam nila na present ka. baka kasi sila ate girl kala nila as in nasa bahay ka lang..:) magingat nalang din po at may mga babae talaga na gagawin ang lahat mapansin lang.. ika nga nabubulag sa love hindi na gumagamit ng utak.:) kaya nga may pumapayag maging kabit.:) so hanggat maaga putulan ng sungay sila ate gurl.:) naalala ko kasi sa opisina din namin yung boss naming gwapo na taga new zealan (dahil expat) at ang asawa jiya ay asian maraming umalaigid at nagpapansin talaga sa boss namin na iyon pero ang misis niya di papakabog..:) pumupunta talaga sa opisina at sa cubicle mismo ni boss para hatidan ng baon..:) so yung mga tao sa opisina aware na nageexist at hindi basta basta si misis..:)

Magbasa pa

Share ko lang nung nagwowork ako sa isang company na karamihan lalaki ang empleyado natanong ko sila bkt pa cla nangangaliwa.. ang sagot nila (though ang babaw at mali) kse minsan masarap din ang feeling na may nagkakagusto pa sa knila bukod sa asawa nila. Yung iba naman ang sagot para kseng balewla cla sa asawa nla nde daw cla pinupuri na gwapo or macho or nde na cla napapansin nakafocus na daw kse sa kids.. maybe tigil mo na pangaaway at ifocus mo sarili mo na lambingin sya (ang hirap nunπŸ˜‚lalo galit ka) at i appreciate mo kagwapuhan nya in short kailangan din minsan nila ng pangbobolaπŸ˜‚ kse physical sila masyado plus alagaan mo sarili mo paganda ka lalo πŸ˜‚ wag ka pa stress nakakapangit yan.. good luck at kayang kaya mo yan! πŸ˜„

Magbasa pa

nangyare na sa akin yan sis... 3 times ako niloko ng asawa ko... sa 3rd time suko na talaga ako at sabi ko sa asawa ko kaya kita pinapatawad kasi para sa mga anak natin at ayoko ng broken family... pero dahil tatlong beses na, gusto ko ng sukuan... umamin sya at nagsorry... pero napagod na ako... alam mo di ko sya iniimik... siya gumawa ng way para bumalik ako sa kanya... tipong nanligaw ulit... ayun after ilang buwan, wala na ako nakikita at nahuhuli sa kaniya... alam ko na fb at password, open lang cp nya at hatid-sundo ako sa work.. I mean mawawala ang tiwala kasi masakit kapag niloko ka... pero nasa partner mo din if gusto nya magbago para sa pamilya... di na mawawala pagdududa pero it takes time talaga. 😊😊😊

Magbasa pa

Gusto kita kampihan, kasi your feelings are valid dahil ikaw ang asawa at may karapatan ka magalit sa mga taong di marunong rumespeto sa iyo bilang asawa. OA man pakinggan pero ganun dapat. Mabait lang talaga siguro ang asawa mo at may point siya na marunong lang siya makisama. Pero not na mag lihim siya sayo, at the end of the day ikaw ang katuwang nya at pinakasalan. Dapat sabihin niya lalo na alam nya na naiinis ka. Tell him na its not fair for you to please his workmates and hurt you in the process. Irrelevant naman yung pabati na yan. Protect your marriage, be the better woman, never nag but assert your right. Many women will disguise themselves as harmless co-workers only to flirt your husband.

Magbasa pa