pagkukumpara

Hai mga mommies. Bat ganun? Lage nilang pinagkukumpara yung anak ko sa isa pang batang andito samin. ( Ahead yung anak ko ng 2weeks )Ang masaklap nun relatives pa ng asawa ko.sa tuwing napagtatabe sila nung baby ko lage na lang niya papansinin. Tinitignan niya pataas pababa. kesho bat daw yun apo niya mataba. Yung anak ko hindi. Bat yun madaldal yung anak ko hindi. One time nagtanong siya kung breastfeed yung baby ko ( which is hindi kase ayaw ng baby ko dahil nga sa wala siyang masipsip ) kung ipagmalaki niya apo niya para bang yung apo niya ang pinakahealthy na bata dito samin. . Gusto kong maiyak kase nanay din naman ako. Sobra akong nasasaktan sa mga nasasabe nila sa baby ko. Gusto kong sumagot. Gusto kong lumaban. Ipinagpapasalamat ko na lang na hindi sakitin baby ko. Iniisip ko na lang na pag lumaki siya at nakaka'kain na eh mas magbabago na yung pangangatawan niya.

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sabihin mo mommy ng very very subtle "Ay talaga po ba? Sabi po kasi ng pediatrician ng baby ko tama lang po yung health and body ni baby ko. Ganitong baby daw po yung hindi sakitin and gumagwapo/gumaganda talaga pag laki. Sabi naman po ng psychologist kong friend na pagtahimik daw po amg bata, observant and curious daw po ito sa environment. Mas mataas daw po ang IQ compared sa ibang mga bata na madaldal kaya gingaya lang mga sinsabi ng ibang tao. Pero ang cute nga po ng apo niyo nay." Then pakita mo innocent smile. Kagigil nga pag kinocompare esp if sarili mo nang baby.

Magbasa pa
5y ago

True mommy! Ganyan din yun nangyari sa nephew ko noon, to the point na sinabihan pa siya na mute ba daw bat di sya nagsasalita 🤣 then nung nagsalita english speaking pa and kinder palang siya now sobrang active and matalino. Ung mga batang cinocompare skanya noon na maaga kuno nagsalita compare sknya yun problema ng mga nanay nila kase ayaw pumasok ng school. Hahahaha! Kaya never under estimate a child. Dahil madalas kung sino pa ung hindi tabain e sila pa ung malusog. Kung sino pa ung tahimik e sila pa ung matalino paglaki.😊

Cheer up, mommy. Hindi naman sa taba nasusukat ang health ng baby. Talagang may mga foul-mouthed lang na tao at di nila alam na nakakaoffend sila. I suggest for your peace of mind, layo ka nalang sa mga ganyang klaseng tao since hindi mabuti ang dulot niya sayo. Remember, walang kahit sino ang dapat magparamdam sayo na wala kang kwentang nanay dahil iba iba tayo ng mga pinagdadaanan. Stay away from negative people para hindi ka po naapektuhan. ☺️

Magbasa pa
5y ago

Thank you po sa advice . ❤

VIP Member

Pag ganyan sis magsalita, ako nagsasalita ako ganun din yung pinsan ng anak ko laging pinagkukumpara na keso bakit daw ang payat ng anak ko tapos maliit, sabi ko siyempre yung pinsan niya kasi malakas dumede tsaka malaking bata talaga yun dahil malalaking tao naman mga magulang non, pero pagdating sa katalinuhan dun bidang bidang ang anak ko, lalo pa yung father in law ko is laging pinagmamalaki yung anak ko.

Magbasa pa

may ganyan tlga,,, dito nga samin todo kung ipagmalaki mga anak nila wla nman akong imik d pa nman lumalabas baby ko. meron pang kakilala ko 7 months palang baby nia pero akala mo 2 years old na kasi sobrang taba nilalait nia ung ibang baby na payat pero d nman mganda ung sobrang tabang baby, meron din dito may 2 years old na pero late bloomer nman kasi sobrang binebaby ng lola laging nasa carrier.

Magbasa pa
VIP Member

Naku mamsh. Iba iba talaga mga babies. Syempre depende sa genes niya rin yun. May iba talagang baby na malusog at may ibang hindi malusog tingnan. Hayaan mo siya mag comment ng mag comment. Pero kung ako yan pabiro kong sasabihin na di ko kailangan opinyon niya. Hahahahahaha.

Nako wag mo sila masyado pansinin. Madaming ganyan. Isipin mo nalang wala silang pinag aralan. Wala silang manners. Ignorant sila. Iba iba ang Bata. Hayaan mo nalang sila pray for them. Baka Yun kelangan Nila.

Sagutin mo po mamsh. Wala nmn cgurong masama if sasagutin mo lng ng naaayon din sa tanong niya.. Sabihin mo nlng din. Ok na hindi mataba baby ko atleast hindi sakitin. Yun ang pinakaimportante...

Sagutin mo minsan mommy. Iba iba mga babies kamo. Hindi naman ibig sabihin ganito kaya gawin ng isa eh ganun na rin dapat yung isa. Sabay sabi mo na "bat ang dami mo nasasabi, yung ibang tao wala?" 🤐

5y ago

Pag puro kasi dedma ginawa mo, laging ganyan yan. Para matauhan ng very light. Sabihin mo "healthy naman si baby ko sabi ng pedia so wala naman po siguro prob dun noh?" 😊

Hayaan mo na lang po. Importante healthy si baby. Ke mataba o payat. Wala naman sa build ng pangangatawan yan. Basta alam mo kung ano makakabuti para kay baby. 💕

Wag mo na lang patulan..sa panganay ko ganyan din naranasan ko hinahayaan ko lang at ngayong may bagong baby aq meron na naman aqng kasabay sa kanila 😂😂😂