Jamnhiel B. Cabonegro profile icon
GoldGold

Jamnhiel B. Cabonegro, Philippines

Contributor

About Jamnhiel B. Cabonegro

Excited to become a parent ?

My Orders
Posts(14)
Replies(174)
Articles(0)

Hormones

Hi mga mamsh... Share ko lang po yung hinanakit ko tonight .. Napapaiyak po talaga kasi ako at pag pinigilan ko naninikip po yung dibdib ko.. Ganito po kasi yung nangyari.. Nagluluto po kasi ng dinner yung lip ko which is veggies po and nakisuyo lng nmn po ako na pwede may pares na tuyo, masarap nmn po yung gulay kaso gusto ko din po may konting alat yung kinakain ko .. Medyo pihikan po kasi ako now sa pagkain and nasusuka pa rin po ako like nakakaramdam pa rin po ako ng morning sickness, marami nga po akong pinaglilihian na hindi ko nakakain kasi nga po mas iniintindi ko yung pagba-budget ng lip ko.. Kahit minsan po gustong-gusto ko talaga pero tinatago ko nlng. Pero binibilhan nmn po talaga ako ng lip ko pag alam kong nakakaluwag2 kami... After ko po kasi sabihin na wala bang tuyo love or ibang pares yung gulay? Sinagot nya po kasi ako ng halong may inis "edeh magluto ka" , sa totoo lng po kasi siya po gumagawa ng gawain sa bahay like magluto ng ulam, kasi may fracture po ako sa kaliwang kamay nabali po kasi and wala po akung magagawa if mahihirapan po akung kumilos, yung feeling po na sana nakakakilos ako ng maayus.. Naiintindihan ko nmn po yung lip ko baka sa pagod nya from work and umuulan pa pero feel ko din po kasi hindi nya din maintindihan na hindi ganun kadali ang magbuntis :'( Ilang beses ko na din pong napagpasyahan na umuwi na muna samin baka gumaan-gaan po yung pakiramdam ko.. Kasi lalo pong tumatagal parang hindi nya po aku naiintindihan kung bakit ako nagkakaganito.. Pag nag-aaway po kami sinasabi ko sa kanya pag natanggap ko na yung lastpay ko sa work ko before ,bahala na siya mag-isa sa bahay namin at uuwi ako sa amin, kahit mahirap po ang buhay namin dun baka mas maintindihan nila ako kasi marami akung kapatid and baka mas gumaan yung feelings ko.. Lip ko din po kasi yung pinaglilihian ko kaya ganito ako ka emotional ,konting galit lang nya agad2 akong napapaiyak at napapaisip na hindi nya na ako mahal :'( Hindi din po siya kumain now kasi baka daw isipin ko na siya mas iniisip nya sarili nya kesa sakin at pinagsabihan pa ako na magpopost na naman daw po ako sa fb at sisiraan na naman siya, kaya dito na po ako nagsheshare kasi maraming chismosa at pakialamera sa fb eh.. Hahay.. Gumaan yung pakiramdam ko ng mailabas ko dito yung saloobin ko kahit ayaw pa tumigil ng luha ko at least naibsan yung kirot sa puso ko :'( Ps. Desidido na po ako umuwi muna samin pag nareceive ko na lastpay ko, mahirap po kasi tubig samin kaya gagawan ko nalang ng paraan para hindi kami mahirapan sa tubig.. Sa comments ko nalang din po ilalagay X-ray ng nabali kung braso para may idea po kayu kung bakit nahihirapan akung kumilos.. Pero Thanks God at nafifeel kong unti2 na akung nakakarecover :)

Read more
 profile icon
Write a reply

Hormones / 13weeks preggy

Hi mga mamsh.. Gusto ko lang pong ilabas yung sama ng loob ko sa lip ko this morning... I was just asking if ano yung napag-usapan nilang magkapatid thru call kahapon.. And napag-alaman kung pinagdidiskitahan na pala yung ref naming hindi pa nagagamit kasi nga hindi ko pa po ginagamit balak ko po kasing sa December nalang gamitin.. And nalaman ko pong hihiramin nila kasi ibebenta daw yung ref nila.. Bakit hindi nalang hintayin matapos celebration sa Christmas and New Year bago ibenta bakit pa yung ref namin na hindi din sila nag-iisip baka gamitin ko din :'( Nadisappoint lang ako kasi tinanong ko sa lip ko oh ano naman isinagot mo, sabi nya edeh pag hindi nabenta yung ref nila ang gagamitin pero pag nabenta na pahiram nalang natin.. Tapos nashock ako sabi ko sa kanya Ediwow, hindi mo man lang ba kukunin yung decision ko hindi mo man lang ba ako icoconsult if pumapayag ako? Hanggang sa humaba yung diskusyon namin na umabot na sa point na pinagmumura ko siya at naiyak ako sa sobrang galit.. I'm still crying right now kasi parang nafeel kong wala akong kakampi and super disappointed po talaga ako sa lip ko.. I am 13weeks preggy po yung nafifeel ko right now na nakokonsensya ako sa mga nasabi ko sa kanya at the same time nagtatampo ako sa mga sinabi nya about sakin na if willing magpahiram wala ng daming satsat or pasikot2 pa, pwede ko naman silang tanggihan if talagang ayaw mo eh kasi hindi naman talaga sakin yan. Baka gusto mo lang na ipahiram sa family mo kasi alam ko namang pag sa side ko ayaw na ayaw mo sa kanila.. Para pong pinapalabas nyang madamot ako sa gamit.. :'( .. Honestly po i don't like his siblings kasi po dati pa nung mag gf/bf pa kami hanggang sa nagdecide na naming maglive-in lage po kasi nila akung sinisiraan at binabackstab.. Kaya hindi ko po talaga maiiwasang hindi maalala yung mga paninira at mga ugali nilang hindi ka-aya2 ,ansasama po ng mga ugali :'( I'm sorry if sobrang haba napo.. Dito ko nalang po inilabas yung mga hinanakit ko kasi feeling ko ngayun walang nakakaintindi sakin :'( Sobrang iyakin ko pa naman.. At hindi naman ako madamot.. Kahit nga minsan wala nang natitira sakin dahil sobra2 ako kung tumulong :'( Sadyang hindi pa po ako nkakamove-on sa mga paninira nila sakin kaya may trust issues ako sa kanila.. Maybe my lip was just neutral ayaw lng din nya sigurong masabihan kami ng madamot pero super tampo ko pa sa kanya now.. Thanks po sa mga makakaintindi sakin and sa mga hindi din po I'll respect your opinions kasi kanya2 nmn po tayu ng mindset and gumaan feelings ko now na nailabas ko yung sama ng loob ko thru this app ?

Read more
 profile icon
Write a reply