pagkukumpara

Hai mga mommies. Bat ganun? Lage nilang pinagkukumpara yung anak ko sa isa pang batang andito samin. ( Ahead yung anak ko ng 2weeks )Ang masaklap nun relatives pa ng asawa ko.sa tuwing napagtatabe sila nung baby ko lage na lang niya papansinin. Tinitignan niya pataas pababa. kesho bat daw yun apo niya mataba. Yung anak ko hindi. Bat yun madaldal yung anak ko hindi. One time nagtanong siya kung breastfeed yung baby ko ( which is hindi kase ayaw ng baby ko dahil nga sa wala siyang masipsip ) kung ipagmalaki niya apo niya para bang yung apo niya ang pinakahealthy na bata dito samin. . Gusto kong maiyak kase nanay din naman ako. Sobra akong nasasaktan sa mga nasasabe nila sa baby ko. Gusto kong sumagot. Gusto kong lumaban. Ipinagpapasalamat ko na lang na hindi sakitin baby ko. Iniisip ko na lang na pag lumaki siya at nakaka'kain na eh mas magbabago na yung pangangatawan niya.

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Cheer up, mommy. Hindi naman sa taba nasusukat ang health ng baby. Talagang may mga foul-mouthed lang na tao at di nila alam na nakakaoffend sila. I suggest for your peace of mind, layo ka nalang sa mga ganyang klaseng tao since hindi mabuti ang dulot niya sayo. Remember, walang kahit sino ang dapat magparamdam sayo na wala kang kwentang nanay dahil iba iba tayo ng mga pinagdadaanan. Stay away from negative people para hindi ka po naapektuhan. ☺️

Magbasa pa
6y ago

Thank you po sa advice . ❤