pagkukumpara

Hai mga mommies. Bat ganun? Lage nilang pinagkukumpara yung anak ko sa isa pang batang andito samin. ( Ahead yung anak ko ng 2weeks )Ang masaklap nun relatives pa ng asawa ko.sa tuwing napagtatabe sila nung baby ko lage na lang niya papansinin. Tinitignan niya pataas pababa. kesho bat daw yun apo niya mataba. Yung anak ko hindi. Bat yun madaldal yung anak ko hindi. One time nagtanong siya kung breastfeed yung baby ko ( which is hindi kase ayaw ng baby ko dahil nga sa wala siyang masipsip ) kung ipagmalaki niya apo niya para bang yung apo niya ang pinakahealthy na bata dito samin. . Gusto kong maiyak kase nanay din naman ako. Sobra akong nasasaktan sa mga nasasabe nila sa baby ko. Gusto kong sumagot. Gusto kong lumaban. Ipinagpapasalamat ko na lang na hindi sakitin baby ko. Iniisip ko na lang na pag lumaki siya at nakaka'kain na eh mas magbabago na yung pangangatawan niya.

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pag ganyan sis magsalita, ako nagsasalita ako ganun din yung pinsan ng anak ko laging pinagkukumpara na keso bakit daw ang payat ng anak ko tapos maliit, sabi ko siyempre yung pinsan niya kasi malakas dumede tsaka malaking bata talaga yun dahil malalaking tao naman mga magulang non, pero pagdating sa katalinuhan dun bidang bidang ang anak ko, lalo pa yung father in law ko is laging pinagmamalaki yung anak ko.

Magbasa pa