BIYENAN 101

FTM Hindi ko alam kung ako lang ba nakakaramdam ng ganito. Naiinis ako na nagagalit madalas sa mga biyenan ko. Kasi ayokong ipahawak yung anak ko sa kahit sino lalo na sa Nanay ng asawa ko. Minsan kasi pag umiiyak yung baby ko at hawak ng asawa ko, kukunin niya tapos sasabihin niyang wag muna daw magdede yung anak ko. Kahit iyak na nang iyak yung bata. Minsan din kahit antok na antok na yung anak ko, sasabihin niyang wag daw matutulog at maglaro daw yung bata. Eh ang alam lang naman ng newborn eh matulog tsaka kumain. Tapos kinukumpara niya yung anak ko sa isa pang apo niya. Na kesyo mas matangos ang ilong, mas mahaba nung pinanganak, mas mahaba pilik mata at mas mabigat. Inuulit ulit niya yun, tapos ako di na ko umiimik. Kaya kahit minsang gutom ako at gusto kong kumain pag nandito siya, di ako kumakain kasi ayokong hawakan or pabantayan sa kanya yung anak ko. Tapos yung Tatay naman ng asawa ko, patulog na nga yung anak ko, lalapit pa sa anak ko tapos kakausapin. Jusko po!!! Nakakainis yung ganto. Hirap magpigil. Naiiyak na lang ako minsan dahil sa galit at inis. #theasianparentph

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Bumukod kayo.

4y ago

Kaya iniiyak ko na lang po minsan.