Pa vent out lang mga mii

May baby ba talagang “ampik” since birth? Maaayos pa kaya yung ulo ng anak ko? Yung mil ko kase tuwing makikita apo niya pinapansin palagi na ampik daw ang ulo, kinukumpara sa mga naging anak niya na bilugan ang ulo. Hindi naman ampik na sobra ulo ng anak ko. Medyo pahaba lang ng kaunti, hindi kasi siya bilog na bilog. Normal naman din daw to. Nasasaktan lang ako sa tuwing sinasabihan niya ng ganun yung anak ko, tapos halos ayaw niya namang bitawan anak ko.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kapag yung shape ng ulo ni baby is medyo deformed sa mga 1-3 days niya, kusa po yon babalik,baka naipit lang habang iniire mo,baka nahirapan lang si baby palabas. Pero kapag 1 month na siya at may unsual shape parin,hindi na po yun bibilog. Bawat araw po kasi na lumilipas tumitigas pakonti konti ang ulo ni baby.

Magbasa pa

kusa naman po naayos ang ulo ng baby himashimasin mo lg tuwing umaga babalik din yan ganyan din ang baby ko dati syaka importante mi malusog si baby sa ngaun wag nyo pasinin ang ibang tao mii

Sabihin mo sa MIL mo wala sa hugis ng ulo yan, nasa laman yan. Perfect nga shape ng ulo, bano naman, parang anak nya ba 😂 Kung kasama dun asawa mo eh bahala sya 😂😂😂

Maayos pa yan mii. Medyo ganyan din po panganay ko noon bumili lang po ako nung unan na para sa ganyan..

Nakuu ganyan tlga mga matatanda,walang ginawa kundi mag-kumpara. Pabayaan mo nalang.

Wag mo nlng pansinin mi. inhale, exhale ka nlng. Hehe