pagkukumpara

Hai mga mommies. Bat ganun? Lage nilang pinagkukumpara yung anak ko sa isa pang batang andito samin. ( Ahead yung anak ko ng 2weeks )Ang masaklap nun relatives pa ng asawa ko.sa tuwing napagtatabe sila nung baby ko lage na lang niya papansinin. Tinitignan niya pataas pababa. kesho bat daw yun apo niya mataba. Yung anak ko hindi. Bat yun madaldal yung anak ko hindi. One time nagtanong siya kung breastfeed yung baby ko ( which is hindi kase ayaw ng baby ko dahil nga sa wala siyang masipsip ) kung ipagmalaki niya apo niya para bang yung apo niya ang pinakahealthy na bata dito samin. . Gusto kong maiyak kase nanay din naman ako. Sobra akong nasasaktan sa mga nasasabe nila sa baby ko. Gusto kong sumagot. Gusto kong lumaban. Ipinagpapasalamat ko na lang na hindi sakitin baby ko. Iniisip ko na lang na pag lumaki siya at nakaka'kain na eh mas magbabago na yung pangangatawan niya.

31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag mo na lang patulan..sa panganay ko ganyan din naranasan ko hinahayaan ko lang at ngayong may bagong baby aq meron na naman aqng kasabay sa kanila πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚