Nakakadepress magkaroon ng partner walang kadiskarte
Gusto ko lang ilabas mga sis nararamdaman ko ngayon. 10 weeks pregnant na ako, and kakavisit lang sa Obgyne for checkup. Alam ko mali to pinasok namin because I am still studying. Although tapos na mag aral bf ko sa college, ojt nalang hinihintay niya, pero wala pa siyang work. Nakakainis lang na sabi ko dapat always kaming share sa bills pag mag papacheck up kami ng baby. Nahihirapan na akong intindihin siya, hindi naman sila ganong kahirap and kami yung medyo nakakaangat. Ang kinakainis ko lang is magkaka-baby na kami, mindset niya napakaimmature. Puro bike at laro nasa isip niya, pero di ko man lang nakita sa sarili niyang inisip kung paano niya kami masusuportahan ni baby. We’ve been together for almost 2yrs, but sa lahat ng date namin ako sumasagot. Never niya akong ginastusan, which I understand naman. Pero ibang usapan na yung magkakababy na kami, pero siya wala man lang inaambag kahit piso. I’d even paid for our lunch, pag dating namin sa clinic. I was asking for his share and he pretended like nawala daw yung 500 pesos niya. Ayoko na ng ganito, parang gusto ko nalang humiwalay sa kanya. Mas kakayanin ko pa buhayin tong baby, kesa magkaroon ng partner na batugan