Hi mga mommies. Ask ko lang kung may kapareho ba ako dito? March 8 nanganak ako sa 2nd child ko. Naglalabor pa lang ako nakapa na nila na may malaking mass ako inside vagina. Nakapagdeliver naman ako ng maayos. Kapag kinakapa nila yung mass, di naman sya masakit pero parang numb yung pelvic area hanggang paa ko. Before ako ma discharge, ie ulit ako to check the mass. Lumiit daw. And after a week, now, nag follow up check up ako. Ie ulit. Tapos nandun pa din yung mass, di na daw lumiit. Movable daw. Tingin nila cyst. Meron bang mommy dito na same case? Natatakot kasi ako baka mamaya need ng surgery or cancerous to. #pleasehelp
Read moreYung asawa ko nag apply ng philhealth ngayong february lang at dependant nya ako. Sabi ng philhealth kasi 600 pa lang contri namin, pwede na daw magamit yun kapag nanganak ako e kaso sabi naman ng lying in ay bawal. Need ko mag bayad ng premium contri para sa manganganak. Magkano po inaabot ng premium contri para sa manganganak at saan magbabayad nito? At yung mdr ba yung dapat pakita sa lying in? Sa philhealth branch lang din ba makakakuha ng mdr? #pregnancy #advicepls #pleasehelp
Read moreHi mommies. Na ie kasi ako kanina dahil check up ko. 3cm. Pero ganito ang discharge ko ngayon. Usually kasi kapag tapos na ako ma- ie, konti lang dugo or wala after. 38 weeks and 5 days na ako ngayon. Ano po kaya ito? Nalilito kasi ako ano need ko gawin. Baka mamaya normal lang dahil na ie ako. #pregnancy #advicepls #pleasehelp
Read moreHi mga mommies 37 weeks ako sakto. Nasakit na tyan ko sobra. Saglit lang mawawala pero nabalik. Di nawawala sakit ng tyan ko. 1 cm na ako pero di pwedeng iadmit dahil need daw atleast 3cm. Ano pwedeng gawin para mas bumuka cervix? Nagawa ko na magsquat pero di kaya ng buto ko sa tuhod. #pregnancy #advicepls #pleasehelp
Read moreHi mga mommies! Ask ko lang ano ba dapat sundin ko? Kasi base sa lmp, March 15 pa duedate at 35 weeks and 2 days pa lang ako. Pero nagpa ultrasound ako nung isang araw kasi dinugo ako at naging March 11 na ang duedate tapos 35 weeks and 6 days na ako. Alin dapat kong sundin? Diko din alam kung nagfafalse labor ako pero madalas na sa balakang ang pananakit ko. #pregnancy #advicepls
Read moreHi mga mommies. 2nd child, 35 weeks and 4 days na ako at nag 1cm. Binigyan ako ng dexa at duvidilan para iwas contractions muna. Sabi ng ob, okay naman daw kahit 36 weeks kasi consider din naman na pwede na manganak nun. Binigyan ako ng dexa para sa support sa lungs ni baby. May same case ba dito? Or possible pa kaya magsara kahit nag 1cm na? #advicepls #pregnancy
Read more