Advise please 😪
First of all, wag niyo po sana ko ijudge, I am 21yrs old and currently 5 months pregnant. Since nalaman ng family ko na I am pregnant with my first baby, pinag live-in na kami ng partner ko. May work siy and I am still studying. Between us ako yung may pera or I should say may savings for our baby. Di man siya ganon kalaki pero yung pera ko na yun, tinatabi ko to buy needs and essentials for baby pag lalabas na siya. Magkano lang din sahod ng partner ko and wala pa siyang bank account. So meaning, sa bank account ko nakatago pera niya. We were supposed to open bank account for him, kaso yung pera niya na nakatago sakin laging nababawasan which is not enough for the maintaining balance of a bank account. Everytime na mag uusap sila ng mama niya via videocall, laging sinasabi ng mama niya “bakit wala ka pang bank account, dapat may sarili ka”. Feeling ko tuloy, iniisip nila na masyado kong ginigipit anak nila when it comes to his money. I know we’re still young, he’s 20 years old and I want him to learn how to spend and save his money knowing na magkaka-baby na kami. Peeo wala, gastos dito gastos don 😪 Mag iipon nalang ng savings for our baby ang gagawin niya, since wala naman siya ginagastos dito sa house namin ni piso. Pero almost 2 months na kaming nagsasama, wala pa siyang ipon para sa magiging baby namin 😪 and ganto pa na feeling ko ang sama sama ng tingin saken ng family niya kasi ako humahawak ng pera niya. I don’t know if I should lend him money to open his own bank account, sobrang dami ko na din gastos sa kanya kahit pera ni baby na nakatabi sa bank account ko nagagastos ko na dahil sa kanya 😪