Nakakadepress magkaroon ng partner walang kadiskarte

Gusto ko lang ilabas mga sis nararamdaman ko ngayon. 10 weeks pregnant na ako, and kakavisit lang sa Obgyne for checkup. Alam ko mali to pinasok namin because I am still studying. Although tapos na mag aral bf ko sa college, ojt nalang hinihintay niya, pero wala pa siyang work. Nakakainis lang na sabi ko dapat always kaming share sa bills pag mag papacheck up kami ng baby. Nahihirapan na akong intindihin siya, hindi naman sila ganong kahirap and kami yung medyo nakakaangat. Ang kinakainis ko lang is magkaka-baby na kami, mindset niya napakaimmature. Puro bike at laro nasa isip niya, pero di ko man lang nakita sa sarili niyang inisip kung paano niya kami masusuportahan ni baby. We’ve been together for almost 2yrs, but sa lahat ng date namin ako sumasagot. Never niya akong ginastusan, which I understand naman. Pero ibang usapan na yung magkakababy na kami, pero siya wala man lang inaambag kahit piso. I’d even paid for our lunch, pag dating namin sa clinic. I was asking for his share and he pretended like nawala daw yung 500 pesos niya. Ayoko na ng ganito, parang gusto ko nalang humiwalay sa kanya. Mas kakayanin ko pa buhayin tong baby, kesa magkaroon ng partner na batugan

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Do what you think would give you and your baby a better life. Ang lumalabas parang dalawa pa inaalagaan, iniintindi, at pagkakagastusan mo ngayon 🙃 Alam nyang may baby na parating, dapat sinusuportahan ka nya.

VIP Member

Red flag na yang pinapakita at pinaparamdam niya sayo. It's time to prioritize you and your baby's health and wellbeing rather than wait for your partner to man up. Sana magtino siya para sa ikabubuti niyong lahat.

4y ago

Hirap kasi mag judge mamsh na porke wala siya nabibigay iiwan ko na. Ako pa mag mukhang mali 😞 sobrang lungkot lang na every time na iiyak ako, siya may dahilan. Kaya minsan kahit nasa tyan palang si baby naaawa na ako.

Waaa kakapost ko lang din ng rant ko about sa jowa kong walang kwenta at sobrang tamad tapos nabasa ko to juskolord ano ba nangyayari sa mga lalaki ngayon, babae na ngayon ang provider 🤦🤦🤦

4y ago

Oo sis bakit kaya ganon jusko. Wala ng bayag mga lalaki ngayon puro iyot at sarap lang alam. Pag responsibilidad na di na maasahan 🤦🤦

maging single mom nalang po kayo kasi kung ang lalaki walang iniisip para sa future ng baby nyo walang mangyayari magiging toxic ang pag sasama nyo

choose wisely kasi