Depressed At 29 Weeks ftm

Graduate ako, may stable job pero nag resign because maselan ako magbuntis, Kakakasal ko lang last month civil, 25 years old and 10years kami ni boyfie bago ako nabuntis. Akala ko before magiging masaya ako kasi nga magsasama na kami, parang wala akong ibng pangarap kundi maging asawa nya sa sobrang pagmamahal ko sa knya. Ok na ok kami, ako lang sguro tong hindi. I feel losyang na losyang nako and maraming nagsasabi. Before ako mabuntis lagi akong blooming, mabili ako ng mga pampaganda sa sarilo ko, lagi bago damit ko. Lagi akong nasa mall. Then nung nag resign ako, walang wala ako. Wala akong naipon, simula nung kinasal kami barya nalang laman ng wallet ko, di ako humihingi ng pera sa asawa ko. Lahat ng bills at food namin sya lahat gumagastos as in bahay lang ako, nalosyang na sa bahay, ? Kelamgan ko pa humingi sa knya, Feeling ko wala akong pangarap sa buhay, ang tanga tanga ko lang. Sana Nagipon ako, sana nagtrabaho ako mabuti, sana di ako nagmadali. Feeling ko tuloy ngayun sobrang down ako at wala akong pakinabang ?

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis same tayo. sobrang depressed ko nung 1st trimester dahil ang selan ko tlga magbuntis. Before, ang sexy ko, ang haba ng hair ko, wala akong pimples, di ako tinatamad mag ayos, shopping and travel galore, at di rin ako maselan sa food. Pero simula ng nalaman kong buntis ako, may SCH pa, excessive vomitting, grabe nalosyang ako. Na bedrest akong 5 weeks, nahihirapan akong matulog kaya ang lalim ng eyebags ko, dami kong hairfall kaya napilitan akong magpashort hair, sobrang dami kong acne hanggang ngayon, dry skin, laki na rin ng tinaba ko, from 51 to 55kilo. Hndi magsuklay, dati kilay is life pero di ko na magawa. Sobrang depressed pa ko kasi 1st time mom, mag isa lng ako sa condo, walang makausap, madalas umiiyak na lng ako lalo kapag may nararamdaman akong di ako pamilyar dahil sa pagbubuntis. Good thing is, pde samin mag WFH kaya may work pa din ako until now. Anyway, 5 months na ko sis. Ok na ko ngayon 😊 Si BF ko naman ay very supportive ay very supportive kaya thankful din ako. The point is, ganun tlga pagbuntis sis. Wag ka na madepress at stress for Baby, after mo manganak, pwde ka ulit bumalik sa dati. Cheer up sis. Temporary lng to. List mo lahat ng gusto mong gawin, kainin, bilihin after mo manganak, ganun ginagawa ko at it helps naman. Kaya mo yan sis, tiis tiis for Baby πŸ€—

Magbasa pa

Im 23 yrs old and 3 months pregnant. Ive been in that situation din and I was so frustrated pero I tried to communicate with my boyfriend sa nafefeel ko. After that po, he completely understood me and was very supportive pero I have to stay at home parin para samin ni baby. Now Im doing my best to be a great partner to him . He let me handle his income kasi alam nyang mahiyain ako manghingi so everytime pupunta kaming mall , he'll make sure na I get to buy the things that I wanted esp. Sa watsons hahaha. Gusto rin nya kasi akong mging masaya at blooming. Napakaswerte ko lng din sa kanya. Dont worry misis, youll get the hang of it eventually pero dont pin it on your pregnancy and husband na nagiging losyang kasi unemployed. Think of it na nag babakasyon ka lng muna at pag nilait ka ng iba na lolosyang ka, dont mind them, be strong for you and your partner and be emotionally stable kahit na mahirap kasi nga sa hormones πŸ€— pero promise kaya natin to

Magbasa pa

Momshie. Una hormones yan kaya ka din mas nakakaramdam ng ganyan. Pangalawa, there's always a solusyon to everything. Sa ngaun nahihiya ka siguro humingi pero ito nalang isipin mo. Kung mas magaling siya maghawak ng pera edi at least may nakalaan para sa nutrisyon nyo ni baby at check ups to panganganak. Yung part na wala ka na pambili ng mga wants mo. That's part of it. Hehe. Even ako na may work until now, dahil ako nagbabudget I prefer to spend it sa nutrition namin as a family at sa other needs. Unlike before na kahit anong shopping mo pag uwi mo may pagkain at kuryente pa rin sa bahay. Hehe. Work with what you have. Di laging puno ang ref so I learned recipes na makaluto ng healthy food without spending much. And lastly, you can always go back ti work but for baby you have to rest at kailangan mong maging malakas para sknya. Oh and, isipin mo din that your hubby is making sacrifices as well to make things work for your family.

Magbasa pa
VIP Member

Normal lng yan n mfeel mo yan, isipin mo n lng may maganda k blessing in a few months, sabi nga ng ob ko pag nabuntis k need mo isacrifice ung work mo, s case ko nmn hindi ako nagresign pero pafull pledge s promotion as a supervisor, buti n lng natapos ko ung mga trainings n need ko iattend nung 1st trimester ko, kc nagspotting ako twice nung 3 mos ko, kya advise ng ob ko n mag stop ako s work until mkapanganak ako, 8 mos n tummy ko ngaun and nsurvive ko nmn, wala sahod for almost 4 mos, hindi nag aayos kc nasa loob lng ng bahay, nkadepend kay hubby s financial, magkakalaman lng wallet ko pag mag nkuha s bulsa ni hubby😁 tpos hindi ko mabili ung mga gusto ko kc nahihiya dn ako s asawa ko pero hindi n ko masyado nag paapekto, isip ko n lng paglabas ni baby makakakilos n ko ulit and mkakagawa ng additional income pra s family ko, ung work hindi ko n dn masyado isip kc mas gusto ko kumita d2 s bahay with my kids😊❀

Magbasa pa

Dapat sis nag ipon ka nung mga panahon may work ka para makita mo dn pinaghirapan mo at kung sakali magipit ka e may madudukot ka.. ako dn pinagresign ni partner kase lagi nasakit puson ko all around ung work ko, may konting ipon naman pero nung nagresign ako di na gaano madagdagan ipon namin kase sya lang nagwowork at magastos dn po check up, mga gamot at utz pero buti nlng d sya namroroblema sa ganun bagay wag ko daw isipin sya daw bahala.. saka atm nya kahit bago palang kami magjowa nun pinahawak na tlga nya skn ako taga budget se magastos sya e pero nung nabuntis ako mas tipid na sya saken. down dn ako sis pero ayoko magpakstress para sa anak ko, magpray kalang palagi kase ipoprovide naman ni lord ang kelangan ntn magpray lang tayo.. wag mawalan pag asa pwd naman tayo magwork pag medyo malaki na c baby. Ang luho ntn saka na, pangangailangan muna ni baby. God Bless.

Magbasa pa

Its fine mamsh πŸ˜€ Ganyan din ako Before pa travelled lang vlogger Kung saan san pumupunta ang Pera sa akin parang tubig lang Working as a F.A pero nabuntis din ako na wala sa plano ? Nag Resigned rin ako dahil sa masilan ako, dati ang sexy ko pero 1st trim kona sa pag buntis, nag losyang na ako dahil sa pag susuka dumating din sa point na pinag kukuripotan na ako ng partner ko ng pera at nambabae pa, which is di ako sanay kasi sanay ako sa marming pera Kada flight ko may sahod na ako, Naku mamsh! Okay lang maging Losiyang bawi ka lang pag-panganak At balik ka rin sa work pag malaki na Baby mo, sabi nga nila mamsh paano mo malalaman ang tama sa mali kung dimo susubukan? Pag subok iyan Mamsh na walang wala ka, babalik rin naman sa work di habang buhay iyan, cool lang mamsh kung wla kang ipon may panahon pa para Bumawi ka 😁

Magbasa pa

For me normal lang na mafeel mo yan kasi you used to be so independente especially sa finances mo. Mejo nakakarelate ako in a way kasi bed rest ako and dependent talaga ko kay hubby. The only thing that should concern you now is kung paano kayo magiging healthy parehas ni baby mo, that's your purpose and mission ngayon since maselan ka magbuntis. Hindi po talaga biro ang magbuntis, kung tutuusin mas madali pa magwork nalang kasi atleast di ka nagwoworry palagi if ok lang ba si baby etc etc. Kapag lumabas na si baby mo then dun ka magstart ulit to gain your own independence. Necessity naten yang mga independent and strong mommies ❀ And for sure affected ka ng preggy hormones mo kaya siguro naaamplify yung self pity and frustrations mo. Try to be the best partner and mother nalang muna for now. Paglabas ni baby balik alindog program na ulit ❀

Magbasa pa

Ganun din ako momshie nun indi pa aq buntis carreer talga nasa isip ko trabaho nun nabuntis ako nagresign din dati marame din ako pera bili doon bili dito wala din ako naipon ngyon walang wala na ako losyang na losyang na din panget na ... Noon naranasan natin magkamali sa pagdating ng sahod d tayao nakaipon .. But d pa huli ang lahat sabe nila kapag may baby ka na magbabago ang lahat kc mas priority muna ang baby mu ngayon makakaisip ka na mag ipon at magbili ng mga gamit niya ... Kung d pa nmn huli ang lahat bawi na lang kapag nanganak na tayo ... Atleast may magmaaantay na satin pag uuwe tayo galing work at hihingi ng pasalaubong at yayakap at magkkis sayo ang baby mu ..paguwe mu sa bahay

Magbasa pa

Ganyan din ako b4 sis, nung mga 6mons a lang tiyan ko ganyan na iniisip ko, 8yrs kami ng bf ko bago ako nabuntis at 4mons tyan ko nung nagpakasal kami,5mons tiyan ko tumigil ako sa work kasi graveyard shift ang work ko, at palagi ako pagod kasi 4am na nakakauwi, b4 nung may work pa ako, nakakabili ako kahit ano gusto ko, pero yun nga lang nung tumigil ako i have no savings talaga, kaya ngayon walang wala ako, pure nasa bahay lang.. iniisip ko kung hindi ako tumigil ganito sana ako ngayon nakakain ng gusto at nakakabili ng gusto ko, palagi ako umiiyak, pero mawawala rin yan sis, nasa hormones sguro natin yan sobrang emotional.. Ngayon nasa 8mons na ako, hindi ko naman na nafifeel yun..

Magbasa pa

Wag ka ma depressed, ako nga d maselan magbuntus kaya still working at 32 weeks. wala paring ipon..minsan naiisip ko d kuna nbbili mga gusto ko like damit kasi nillaaan ko nalang yun pambili ng vitamins pampa check up at gatas para samin ni baby.minsan nakapanghina..kasi isipin mo paglumabas na si baby mas maraming gastusin ..tapos yung tatay niya naman d nagkukusa magbigay .aayoko naman mag demand..its up to him.kung magbbigaay siya or hindi.sa mga bayarin sa bahay hati din kami..kaya wala rin.inaasahan ko nga lang yung matbenefits na makkuha ko bago manganak.kaya laban lang. ftm,at 25πŸ™‚

Magbasa pa