Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Soon to be a mommy
water
Mga mommies, pwede ba painumin ng water c baby? Naka formula kasi sya. Tapos kada tapos ng burp, at maya2 ihihiga na, mag lumalabas talaga na milk sa bibig nya.
my baby is out!
Finaallly! 41 weeks and 1day sched for induce na ako kasi wala talaga ako nararamdaman na signs of labor, start ng 8pm ng gabi, pag ie sa akin 2cm pa lang ako, may lumabas na tubig sa akin kulay green na, sabi ng ob ko nakapoop na si baby sa loob, inorasab nya ako hanggang 6am lang, kung walang progress ang cm ko ay emergency cs na ako para safe kami dalawa ni baby, nag ie ulit si ob ko ng 12am 3cm pa lang ako, tapos ie ulit sya ng 4am ganun parin, pero constant monitoring sila sa heartbeat ng baby ko, at bumababa talaga sya, kaya nag decide na ang ob ko na e cs na ako, parang di ko talaga lubos maisip ang gagawin kasi takot ako, pagpasok ko sa operating room parang gusto kong tumakbo sa kaba na parang ewan, pero nilakasan ko nalang ang loob ko para kay baby, then finaly at 5:41am my baby girl is out. Super duper thankful ako sa ob ko na napakabaet talaga sa akin, she is a God-sent. Thank you to my hubby na umiyak pala habang papunta ako sa operating room dahil sa kaba nya. Worth it kahit almost 140k ang nabayaran namin sa hospital. EDD Nov.28,2019 DOB Dec.6,2019 2.9kg Via emergency cs
what to do.
Im 40 weeks 2days na po, but still di parin po ako nanganganak, 3cm napo ako.. May konting pain, pero nawawala naman po siya di po siya tumatagal, hindi pa naman sinabi ni ob na magpapa admit na ako. Sino po dito katulad ko na lagpas na sa due date?
is it normal?
Normal lang po ba sumasakit ang puson at baywang pero nawawala rin naman po.. Kahapon sumakit sya tapos ngayon pagkatapos ko maligo, ganito nararamdaman ko kapag nreregla ako noon.. Btw, im 35weeks preggy.
baby wash
Ok lang po ba ang johnsons top to toe baby bath for newborn?
kung ano2x ang naiisip
Hindi po ba nakikita sa ultrasound if ever may abnormalites si baby.. Mahal po kasi masyado magpa CAS, tas para akong praning kung ano2x naiisip ko kay baby..
always emotional
Kahit konting bagay lang, naiiyak na ako. Lalo na palagi lang ako mag isa sa bahay.. Kahit pinipigilan ko umiyak para sa baby ko sa tummy ko, naiiyak parin ako.. Walang nakaka intindi sa kin ?
is it safe?
Safe ba magpabunot ng ngipin ang buntis? Di ko na kasi kaya ang sakit.. Pati ulo ko sumasakit.