Depressed At 29 Weeks ftm

Graduate ako, may stable job pero nag resign because maselan ako magbuntis, Kakakasal ko lang last month civil, 25 years old and 10years kami ni boyfie bago ako nabuntis. Akala ko before magiging masaya ako kasi nga magsasama na kami, parang wala akong ibng pangarap kundi maging asawa nya sa sobrang pagmamahal ko sa knya. Ok na ok kami, ako lang sguro tong hindi. I feel losyang na losyang nako and maraming nagsasabi. Before ako mabuntis lagi akong blooming, mabili ako ng mga pampaganda sa sarilo ko, lagi bago damit ko. Lagi akong nasa mall. Then nung nag resign ako, walang wala ako. Wala akong naipon, simula nung kinasal kami barya nalang laman ng wallet ko, di ako humihingi ng pera sa asawa ko. Lahat ng bills at food namin sya lahat gumagastos as in bahay lang ako, nalosyang na sa bahay, ? Kelamgan ko pa humingi sa knya, Feeling ko wala akong pangarap sa buhay, ang tanga tanga ko lang. Sana Nagipon ako, sana nagtrabaho ako mabuti, sana di ako nagmadali. Feeling ko tuloy ngayun sobrang down ako at wala akong pakinabang ?

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

For me normal lang na mafeel mo yan kasi you used to be so independente especially sa finances mo. Mejo nakakarelate ako in a way kasi bed rest ako and dependent talaga ko kay hubby. The only thing that should concern you now is kung paano kayo magiging healthy parehas ni baby mo, that's your purpose and mission ngayon since maselan ka magbuntis. Hindi po talaga biro ang magbuntis, kung tutuusin mas madali pa magwork nalang kasi atleast di ka nagwoworry palagi if ok lang ba si baby etc etc. Kapag lumabas na si baby mo then dun ka magstart ulit to gain your own independence. Necessity naten yang mga independent and strong mommies ❤ And for sure affected ka ng preggy hormones mo kaya siguro naaamplify yung self pity and frustrations mo. Try to be the best partner and mother nalang muna for now. Paglabas ni baby balik alindog program na ulit ❤

Magbasa pa