Depressed At 29 Weeks ftm

Graduate ako, may stable job pero nag resign because maselan ako magbuntis, Kakakasal ko lang last month civil, 25 years old and 10years kami ni boyfie bago ako nabuntis. Akala ko before magiging masaya ako kasi nga magsasama na kami, parang wala akong ibng pangarap kundi maging asawa nya sa sobrang pagmamahal ko sa knya. Ok na ok kami, ako lang sguro tong hindi. I feel losyang na losyang nako and maraming nagsasabi. Before ako mabuntis lagi akong blooming, mabili ako ng mga pampaganda sa sarilo ko, lagi bago damit ko. Lagi akong nasa mall. Then nung nag resign ako, walang wala ako. Wala akong naipon, simula nung kinasal kami barya nalang laman ng wallet ko, di ako humihingi ng pera sa asawa ko. Lahat ng bills at food namin sya lahat gumagastos as in bahay lang ako, nalosyang na sa bahay, ? Kelamgan ko pa humingi sa knya, Feeling ko wala akong pangarap sa buhay, ang tanga tanga ko lang. Sana Nagipon ako, sana nagtrabaho ako mabuti, sana di ako nagmadali. Feeling ko tuloy ngayun sobrang down ako at wala akong pakinabang ?

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momshie. Una hormones yan kaya ka din mas nakakaramdam ng ganyan. Pangalawa, there's always a solusyon to everything. Sa ngaun nahihiya ka siguro humingi pero ito nalang isipin mo. Kung mas magaling siya maghawak ng pera edi at least may nakalaan para sa nutrisyon nyo ni baby at check ups to panganganak. Yung part na wala ka na pambili ng mga wants mo. That's part of it. Hehe. Even ako na may work until now, dahil ako nagbabudget I prefer to spend it sa nutrition namin as a family at sa other needs. Unlike before na kahit anong shopping mo pag uwi mo may pagkain at kuryente pa rin sa bahay. Hehe. Work with what you have. Di laging puno ang ref so I learned recipes na makaluto ng healthy food without spending much. And lastly, you can always go back ti work but for baby you have to rest at kailangan mong maging malakas para sknya. Oh and, isipin mo din that your hubby is making sacrifices as well to make things work for your family.

Magbasa pa