Depressed At 29 Weeks ftm

Graduate ako, may stable job pero nag resign because maselan ako magbuntis, Kakakasal ko lang last month civil, 25 years old and 10years kami ni boyfie bago ako nabuntis. Akala ko before magiging masaya ako kasi nga magsasama na kami, parang wala akong ibng pangarap kundi maging asawa nya sa sobrang pagmamahal ko sa knya. Ok na ok kami, ako lang sguro tong hindi. I feel losyang na losyang nako and maraming nagsasabi. Before ako mabuntis lagi akong blooming, mabili ako ng mga pampaganda sa sarilo ko, lagi bago damit ko. Lagi akong nasa mall. Then nung nag resign ako, walang wala ako. Wala akong naipon, simula nung kinasal kami barya nalang laman ng wallet ko, di ako humihingi ng pera sa asawa ko. Lahat ng bills at food namin sya lahat gumagastos as in bahay lang ako, nalosyang na sa bahay, ? Kelamgan ko pa humingi sa knya, Feeling ko wala akong pangarap sa buhay, ang tanga tanga ko lang. Sana Nagipon ako, sana nagtrabaho ako mabuti, sana di ako nagmadali. Feeling ko tuloy ngayun sobrang down ako at wala akong pakinabang ?

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ako b4 sis, nung mga 6mons a lang tiyan ko ganyan na iniisip ko, 8yrs kami ng bf ko bago ako nabuntis at 4mons tyan ko nung nagpakasal kami,5mons tiyan ko tumigil ako sa work kasi graveyard shift ang work ko, at palagi ako pagod kasi 4am na nakakauwi, b4 nung may work pa ako, nakakabili ako kahit ano gusto ko, pero yun nga lang nung tumigil ako i have no savings talaga, kaya ngayon walang wala ako, pure nasa bahay lang.. iniisip ko kung hindi ako tumigil ganito sana ako ngayon nakakain ng gusto at nakakabili ng gusto ko, palagi ako umiiyak, pero mawawala rin yan sis, nasa hormones sguro natin yan sobrang emotional.. Ngayon nasa 8mons na ako, hindi ko naman na nafifeel yun..

Magbasa pa