Depressed At 29 Weeks ftm

Graduate ako, may stable job pero nag resign because maselan ako magbuntis, Kakakasal ko lang last month civil, 25 years old and 10years kami ni boyfie bago ako nabuntis. Akala ko before magiging masaya ako kasi nga magsasama na kami, parang wala akong ibng pangarap kundi maging asawa nya sa sobrang pagmamahal ko sa knya. Ok na ok kami, ako lang sguro tong hindi. I feel losyang na losyang nako and maraming nagsasabi. Before ako mabuntis lagi akong blooming, mabili ako ng mga pampaganda sa sarilo ko, lagi bago damit ko. Lagi akong nasa mall. Then nung nag resign ako, walang wala ako. Wala akong naipon, simula nung kinasal kami barya nalang laman ng wallet ko, di ako humihingi ng pera sa asawa ko. Lahat ng bills at food namin sya lahat gumagastos as in bahay lang ako, nalosyang na sa bahay, ? Kelamgan ko pa humingi sa knya, Feeling ko wala akong pangarap sa buhay, ang tanga tanga ko lang. Sana Nagipon ako, sana nagtrabaho ako mabuti, sana di ako nagmadali. Feeling ko tuloy ngayun sobrang down ako at wala akong pakinabang ?

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis same tayo. sobrang depressed ko nung 1st trimester dahil ang selan ko tlga magbuntis. Before, ang sexy ko, ang haba ng hair ko, wala akong pimples, di ako tinatamad mag ayos, shopping and travel galore, at di rin ako maselan sa food. Pero simula ng nalaman kong buntis ako, may SCH pa, excessive vomitting, grabe nalosyang ako. Na bedrest akong 5 weeks, nahihirapan akong matulog kaya ang lalim ng eyebags ko, dami kong hairfall kaya napilitan akong magpashort hair, sobrang dami kong acne hanggang ngayon, dry skin, laki na rin ng tinaba ko, from 51 to 55kilo. Hndi magsuklay, dati kilay is life pero di ko na magawa. Sobrang depressed pa ko kasi 1st time mom, mag isa lng ako sa condo, walang makausap, madalas umiiyak na lng ako lalo kapag may nararamdaman akong di ako pamilyar dahil sa pagbubuntis. Good thing is, pde samin mag WFH kaya may work pa din ako until now. Anyway, 5 months na ko sis. Ok na ko ngayon 😊 Si BF ko naman ay very supportive ay very supportive kaya thankful din ako. The point is, ganun tlga pagbuntis sis. Wag ka na madepress at stress for Baby, after mo manganak, pwde ka ulit bumalik sa dati. Cheer up sis. Temporary lng to. List mo lahat ng gusto mong gawin, kainin, bilihin after mo manganak, ganun ginagawa ko at it helps naman. Kaya mo yan sis, tiis tiis for Baby πŸ€—

Magbasa pa