Share a ghost story...

May ghost stories or experiences ka ba? Comment here. Yung shinare ko here is really true and happened sa dating theAsianparent office!

Share a ghost story...
18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Story#3: I was working sa old hotel inside Intramuros, yung ambiance ng hotel is para kang nasa year early 1900, sinadya talaga yun ng may ari para mapreserve yung mga panahon na spanish era. Ni-renovate lang ng konti pero pag pumasok ka ramdam mo na para kang bumalik sa dating panahon. Front Desk Officer/Receptionist ako doon (first job year 2014), hindi na bago mga naririnig ko sa co workers ko na mga horror or ghost stories kasi ang dami na tlaga akong narinig, latest is from my supervisor na may tumawag sa phone from an empty room. So eto nangyari sakin, weekdays that time hindi gaanong busy may isang family nag visit sa hotel for Show room, I gave them the third floor kasi may vacant room doon na Suite room. Ang family is consist of Lola around 50s, Mommy around 30s and isang around 8 yr old boy, nung bumaba sila, lumapit si lola sakin pinakita nya ang phone nya (flip phone at mejo pixalated pa ang cam nun). Sobrang gulat ko kasi sa picture may isang babaeng anino na nkasuot ng puting pilipiñana at may hawak na pamaypay. Sabi ni lola sakin "natuwa ako sa ganda ng hotel kaya sabi ko sa apo ko picturan ko sya sa hallway, nung nakita ko meron babaeng nakasama". Seryoso walang biro clear na clear yung kaluluwa na nakuhanan ng picture , napakalapit sa camera, bale dumaan sya sa harap ng cam habang pinipicturan ni lola ang apo nya, napakaganda pa nung babae sa picture at halatang mayaman dahil marami syang suot na mga perlas. So si lola relax lng sya at nag smile lang sakin, buti at calm lng din si mommy nung bata. Pinakita yung pic sa lahat ng staff ng hotel at yung iba hindi na nagulat sa nakita nila.

Magbasa pa

that was christmas season, actually misa de gallo n.. choir member ako nun.. mdaling araw ang sched nmin sa misa.. madaling araw, nagising n ko pra mligo sana kso naubusan n pla ko ng shampoo so need kong lumabas.. pagsilip ko sa labas sobrang dilim p, npaatras ako bigla akong ngdalawang isip bumili ng shampoo.. so, ni-check ko ulit kung may mpi2ga p kong shampoo sa sachet.. wala n tlga.. tumatakbo oras, male-late n kmi ng kpatid ko.. so, pinilit kong lumabas, dasal dasal ako at pinilit kong mag relax habang nagla2kad.. nung pabalik n ko, nkita ko kptid ko sa eskinita nmin lumabas dn pla sya.. so natuwa ako n may mka2sabay n ko pblik ng bhay.. alam kong sya un kc preho ng damit n suot.. tinatawag ko p sya then, hindi sya lumilingon cguro hindi nya ko nari2nig.. then, umikot sya sa kbilang eskinita tumatakbo pa.. salubungin ko sna sya kya pumunta ko sa kabilang dulo ng eskinita.. hintay ako nang hintay sa knya hindi sya lumalabas sa pinasukan nya eh tumakbo nman sya.. so balik ako sa eskinita nmin wala dn sya.. naisip ko dun ko nlng sya hintayin sa dulo ng eskinita tutal tanaw ko nman ung kabila incase.. then, 2-3mins ko syang hinintay wala tlga so umuwi n ko ksi kako bka umuwi dn agad.. eto n, pag uwi ko tulog p pla kpatid ko.. so ginising ko sya then tinanong ko kung lumabas b sya, sabi nya sakin, " kagi2sing ko lang, pano ko la2bas?" so ayun! bigla akong kinilabutan.. simula nun hindi ko n pinabayaang maubusan ng shampoo sa madaling araw.. hahaha..

Magbasa pa
4y ago

katakot hahaha. shemas🤣

Super Mum

Talagang nagpakita sayo Sir Alex, kaloka may naglalaro pa na bata 🙀. I will share mine naman. Story#1: College ako first time kong naranasan na may nagparamdam sakin, ang school namin nung college is over 100 years na, catholic school sya na pinapalakad ng mga madre, doon din nag aral ang lola ko, titas and so on.. Noong nagstart ang school na to meron itong mga dormitories at all girls lang sya noong unang panahon, pero nung time ko mah boys na rin at yung mga dormitories naconvert na sya sa mga classrooms. Ang dami na tlagang stories ng mga teachers at yung mga janitors na may mga nagparamdam na sa kanila, kumbaga normal na lang na mkarinig ka ng horror story sa school namin. One time, tapos na ang event sa gymnasium, nag cr ako mag isa, yung friend ko nasa labas lang ng cr, then habang nkaupo ako sa bowl may kumakatok sa pinto, I thought friend ko lang sabi ko "oo sandali". Tapos panay katok pa rin as in nkakainis na katok yung malakas na mabilis, ang gnawa ko hindi nako sumagot, after kong umihi bigla kong bnuksan ang pintuan sa inis ko habang may kumakatok pa, pagbukas ko nanlaki mga mata ko kasi wala talagang tao as in ako lng tlaga. Takbo agad ako palabas, kinwento ko sa friend ko at sabi niya wala naman daw syang narinig na kumakatok, meaning ako lng nkakarinig at napakalakas parang masisira na ang door. After that, hindi na ako nagccr mag isa.

Magbasa pa
3y ago

Parang same tayo ng school dear saan ka nag cr niyan malapit sa gym? ako never nag c-cr mag isa creepy kasi takot talaga ako. May experience din ako icomment ko sa baba.

Super Mum

Story#4: Same workplace, mag isa lang akong duty non sa front desk kasi kapag weekdays hindi gaanong busy. Meron kameng guest na VIP that day, pag VIP before sila mag check in chinecheck lahat ng supervisors ang room especially aircon, bed, water sa mga faucet, flush etc. One big family yung VIP lolo, lola, anak na babae, son in law at dalawang apo na bata. Yung family except sa lolo at lola went out for a tour so ang naiwan sa room is si lolo and lola lang, pag VIP dapat aware ka kung sino ang lumabas pasok sa room nila. Okay eto na, I got a call from their room, nag aappear sa phone yung number ng room kaya alam ko na agad. Pagsagot ko gulat ako kasi ang bata ng boses parang dalaga at mahinhin, bungad sakin "ahh helo.... sa room ___ ito..." sabi nya paki tignan daw ang aircon nila dahil mukhang sira at tnanong nya pa ako kung alam ko ba daw anong room galing ang call at ang sagot ko naman is Opo maam galing po sa room ____, sagot saakin "salamat" at binaba na agad. Edi nataranta agad ang supervisor ko na agad pinadalhan ng tao sa taas, panay tanong pa sakin kung sigurado ba daw ako na tama ang room number na tumawag kasi bago pa ang aircon na yun. Eto na, pagbaba ng technician sabi sakin, "sigurado ka ba talaga?? eh hindi naman daw sila tumawag, nanonood ng tv yung mga matanda". So ayun nagtinginan na lang kame ng supervisor ko.

Magbasa pa

Ghost stories b, ito recent lng nangyari sa amin, while in my labour sa clinic. Yung lying in na papanganakan ko is 35 years in service na,so here is the story. Admitted ako around 2 am habang naglalabour ako, ang ingay sa second floor, nagtatakbuhan mga Bata, naisip ko, hala bakit nagdala sila NG mga Bata dito ang ingay, expect ko anak ng midwives. So dedma n lng s akin Yun., Mya2 di n nka tiis c nanay, nag reklamo n rin s akin n bkt ang ingay ng takbuhan ng mga Bata s Taas. 5:45am dinala n ko s delivery room, wala n kalabog dun. 9:50 am labas na c baby. 1 hour p rin ako ako delivery room Para s tahi ko dahil bleeding ako. OK skip n tayo. 9 pm, dami dumating n mga manganganak, almost 6 katao. Kulang ang bed. Me and nanay pinalipat sa second floor. Nagtaka ako bat kmi palilipatin eh me tahi ako saka dami nmn NG normal n nanganak n pwd palipatin s taas.so dedma n lng kmi, no choice eh. Ito na, pag pasok namin ng second floor, walang katao Katao, walang Bata. Maraming vacant room, air-conditioned nmn. Taas balahibo ko, 10 pm may nag ie sa skin, ramdam ko Yung kamay, gulat ako wala nmn Tao. Pray ako, ayun mejo gumaan paki ramdam ko. Bandang 2 am, na gicing c nanay sa tawanan ng mga Bata pero Ala syang mkita. Kinaumagahan, bagsak ako s antok. D nmn kmi natakot kc we know n angel sila.

Magbasa pa

naexperience ko before nung naconfined ako dahil sa na gastro ako. nakahiga lang ako nun sa semi private na room at hinihintay ko tita ko. sa semi private,may dalawa pa akong katabi na kama pero may harang na kurtina. inaantok ako nun. naisip ko matulog muna kasi nakita ko sa awang nung kurtina sa katabi na kama na may tao dun. nakaupo nakatalikod sa akin. dahil nilolock ung pinto,naisip ko na kung sakaling papasok tita ko,sya magbubukas. hanggang nagising nalang ako sa malakas na katok. hinintay ko pagbuksan ng katabi ko pero di binubuksan. dahil patuloy parin pagkatok,binuksan ko. galit na galit tita ko. tinatanung bakit di ko binuksan. sabi ko kasi nakita ko yung katabing kama may tao. e napaidlip ako. kala ko sya magbubukas. nagtalo pa kami kung may tao o wala. pag tanung namin sa nurse,sabi ng nurse na wala kami kasama sa kwarto.kami lang ang tao dun simula naadmit ako.

Magbasa pa

Bata pa ako neto , Pero dko mkakalimutan . Pang 40 Days nun . ng Daddy ko , Mdaling araw nagising ako . tpos sobrang dilim knakapa ko yung switch ng ilaw ksi naiihi ako . Pag tngin ko sa hagdan nmin nkita ko Daddy ko . ang liwanag nya . tapos soot nya yung dmit na pang burol nya . nkalutang sya sa hagdan habang humahkabang . sobrang takot ko nahiga ako ulit . nanlalamig talaga buong katawan ko . Yung higaan ksi nmin katabe aparador may salamin . nung time na yun gising pala ate ko . Nkita nman nya sa slamin niyayakap ako ng Daddy ko pati yung kpatid ko . Di ko pa knu kwento yung nangyare skin . tapos knabukasan sbe nya . Nkita ko si Daddy niyayakap ka ska daw yung isa kong kapatid . 9 yrs old lng po ksi ako non . kaya takot po ako at dko alam gagawin ko . tpos yun iisipin kona sana na di totoo kso nkita din pala ng ate ko . kaya takot na takot ako . Sorry Daddy 🥺

Magbasa pa
Super Mum

Meron. College days puro hotel and restaurant tour kasi kami that time and madalas na sya for graduating students (2010). Then naka check in kami sa isang hotel and resort para syang sanctuary tapos malawak yung area na puro halaman, flowers, statues etc. Gabi na that time mga 9 pm and tapos na rin naman seminar namin for the whole day kaya nagswimming kami. 3 kami share sa room and pabalik na kami sa room namin para mag rest. Noong pagbukas na pagbukas ko ng pinto may nakita ako sa bintana ng room namin. Akala ko magnanakaw kasi nakadikit sya sa bintana tapos doon pa lang nagsink in sakin na nasa second floor nga pala kami at imposibleng may makaakyat na tao doon. Jusko karipas ako ng takbo. Takbuhan kami sa hallway. Hindi ko alam kung namalik mata lang ako pero pagbalik namin wala na yung figure na nakita ko sa bintana.

Magbasa pa
VIP Member

Yes meron sa school nung college ako sa katips. 4th year na kami nito pero kasi may friend ako may 3rd eye so sanay kami sa stories niya kaso one time needed namin mag clearance sa guidance counsellor so nagpunta kami dun eh old dorm ng mga madre yung building before na classrooms na so old flooring wood yun. Dahil ang shoes maingay sa wood so sa hallway may carpet at ang hallway pag tatlo kayong naglalakad mablock ninyo na yung daan. Edi tatlo kami lakad kami pabalik sa kabilang building galing guidance ofc may mabilis na tumatakbo kami nararamdaman so gumilid kami tatlo kasi may tumatakbo hala dumaan sa amin wala tao wala kami nakita etong may 3rd eye na friend sabi nakita ninyo yung bata?!? hala siya takbo na din kami pabalik sa kabilang building.

Magbasa pa
Super Mum

Story #2: Nasa isang classroom kame kasama ng mga classmates ko around 5 kame, may activity ang school that time at yung room na yun ay nasa dulo malapit sa mga puno, nag discuss kame regarding sa isang project namin sa school na kalaunan napunta sa biruan, ang ingay namin kakatawa. Yung isa kong classmate, nagme make up sya, nkalapag ang lipstick nya sa armchair, sa kalagitnaan ng ingay namin, lumipad ang lipstick sa wall at biglang bumagsak sa sahig na parang may nagtapon. So ayun tahimik kameng lahat at narealize namin sobrang ingay pala namin kasi nung nagstop kme ang tahimik ng paligid, wala rin tao sa labas kasi nagsiuwian na mga students.

Magbasa pa