Share a ghost story...

May ghost stories or experiences ka ba? Comment here. Yung shinare ko here is really true and happened sa dating theAsianparent office!

Share a ghost story...
18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Talagang nagpakita sayo Sir Alex, kaloka may naglalaro pa na bata ?. I will share mine naman. Story#1: College ako first time kong naranasan na may nagparamdam sakin, ang school namin nung college is over 100 years na, catholic school sya na pinapalakad ng mga madre, doon din nag aral ang lola ko, titas and so on.. Noong nagstart ang school na to meron itong mga dormitories at all girls lang sya noong unang panahon, pero nung time ko mah boys na rin at yung mga dormitories naconvert na sya sa mga classrooms. Ang dami na tlagang stories ng mga teachers at yung mga janitors na may mga nagparamdam na sa kanila, kumbaga normal na lang na mkarinig ka ng horror story sa school namin. One time, tapos na ang event sa gymnasium, nag cr ako mag isa, yung friend ko nasa labas lang ng cr, then habang nkaupo ako sa bowl may kumakatok sa pinto, I thought friend ko lang sabi ko "oo sandali". Tapos panay katok pa rin as in nkakainis na katok yung malakas na mabilis, ang gnawa ko hindi nako sumagot, after kong umihi bigla kong bnuksan ang pintuan sa inis ko habang may kumakatok pa, pagbukas ko nanlaki mga mata ko kasi wala talagang tao as in ako lng tlaga. Takbo agad ako palabas, kinwento ko sa friend ko at sabi niya wala naman daw syang narinig na kumakatok, meaning ako lng nkakarinig at napakalakas parang masisira na ang door. After that, hindi na ako nagccr mag isa.

Magbasa pa
3y ago

Parang same tayo ng school dear saan ka nag cr niyan malapit sa gym? ako never nag c-cr mag isa creepy kasi takot talaga ako. May experience din ako icomment ko sa baba.