Share Your LABOR Stories Mga Mamsh?

First time mom here! Gusto ko lang malaman ibat ibang stories nyo momies. Please share babasahin ko yan ?

68 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

12hrs of labor... Sept. 2 ng gabi after ko magligpit ng gamit ko kasi leave ko na kinabukasan, nahiga ako at naglaro ng games sa cp. Around 12mn nakaramdam na ako ng paghilab, hindi ko pinansin kasi nangyari na sakin yun before, nasa divisoria ako nun! )Jusko akala ko manganganak na ako kasi sobrang sakit at hindi ako makalakad ng maayos! Buti na la g natapos ko.) Then habang tumatagal pasakit sya ng pasakit at padalas ng padalas yung hilab during that time... Hindi na ako mapakali, ihi na rin ako ng ihi, pabalik-balik ako sa CR akala ko mapupupu na ako hindi naman pala, akyat baba ako sa hagdan, uupo, hihiga, sobrangsakit talag pero tiniis ko muna, kunausap ko si baby sabi ko "baby pwede bukas na ng umaga? Please... " Pero wala! Gusto nya na yata talagang lumabas. Around 2:30am naisipan ko nang maligo kasi sabi ko iba na yung nararamdaman ko. Yung mga kasama ko sa kwarto borlog pa, ayoko silang gisingin kasi baka false labor lang naman (mga katrabaho ko kasama ko sa kwarto) after kong maligo naiisip ko nang tumawag ng kasamahan ko sa work na driver, ang kaso mo unattended naman! Sabi ko "shet ang sakit" tumutuwad na ako, lakad ulit, akyat baba sa hagdan, upo, tayo... Ayoko pang tawagan partner ko kasi nag-aalala ako baka nga hindi pa naman ako manganganak, aabsent sya sa work sayang ang araw (work is life for the future! Hahaha) Kasi naman sis! Sept. 11 ang EDD ko! Sept 3 pa lang nun. Anyways... Balik tayo, around 4am hindi ko na kinaya talaga, nang-istorbo na ako ng tao, tinawagan ko na yung isang drover ng boss ko na stay in doon pero nag-alangan pa rin ako kasi maghahatid pa ng estudyante yunsa ateneo ng 5am, pero sabi ko bahala na, hindi ko na talaga kaya. Awa ng diyos sumagot naman sya at sabi nya magpapaalam sya kay ate tina (hipag ng boss ko) after non, sumugod na si ate tina sa tahian kung saan ako naka-stay, tinanong nya kung kaya ko pa, nagpatawag na sya ng ambulansya (mas nagpapanic pa nga sya kesa sakin kasi ako kalmado pa, tatawa-tawa pa nga ako) after non tinawagan ko na si partner ko, pinapunta ko na sya sa lying in kung saan ako manganganak (malapit lang kasi yun sa kanila) pinabitbit ko na yung bag na pinrepare ako 1 week ago (buti na lang talaga) 5am nakarating kami sa lying in. Doon IN-IE ako! Shet hindi ko makakalimutan yung NAG-IE sakin! Jusko! Ginulat ako! Sa isip-isp ko ganon ba talaga yon? Napa "Ouch!" talaga ako at napahawak sa kama... Ang sakit!!! Grabe... Sabi nya, 2cm pa lang daw tapos inulit nya ulit! Grabe wala syang pakundangan 😭 sabi nya "3cm na, ang bilis ah" Pero hindi nya na ako pinauwi kasi medyo may kalayuan nga ang pinanggalingan ko. Mula ng mga oras na yon hanggang sa magtanghali puro tuwad, namimilipit sa sakit, kapit sa bakal, iyak, puro "ouch" ang nagawa ko. Yung tiping gusto kong matulog pero hindi ko magawa kasi hilab ng hilab yung tyan ko, yung tipong gustong kumain pero hilab ng hilab yung tyan ko. 3 kami sa kwarto nun at nakakatawang isipin na salitan kaming umiiyak sa sakit πŸ˜… (pero walang maingay samin infairness) salutan din kami kung papuntahin sa delivert room to check kung ilan cm na. Pinahiga ako ng midqife sa kama ako at sabi iire ko daw pag humihilab, yun naman ang ginawa ko, sinasabay ko sa hilab ng tyan ko yung ire ko. Habang tunatagal pasakit ng pasakit, bandang 11am IE na naman ulit ako! 7cm pa lang daw, pinabalik na naman ako sa higaan ko, ire oang daw, pag may naramdaman na daw akong nakabara sa pwerta ko tawagin ko daw sila... Grabe yon, kada ire ko parang malakas na ihi yung limalabas sa pwerta ko! Ang daming tubig! Nung mga oras na yun kinausap ko na si baby na wag naman pahirapan si nanay nya, napakasakit na talaga! Alam mo yung sinasabi ng iba na kapag naglalabor kna daw masasabi mong "hindi na ako uulit! " ay sis! Totoo! Sasagi at sasagi sa isip mo yon! Pero hindi ko naman pinagsigawan haahaha. Gigil na gigil na ako sa pag-ire! Sumilip yung midwife sabi "sino yung gigil nang umire?" sabi ng partner ko "misis ko po" sabi jung midwife halika check natin ulit cm mo. Around 12nn pinasok ulit ako sa delivery room, 8cm pa lang daw, pinababalik ulit ako sa higaan ko. Sabi ko talaga "hindi ko na po kaya" sabi ng midwife "O sige umire kna jan" sobrang sakit na talaga kasi at nung mga panahon na yon hinang-hina na ako kasi wala pa akong tulog at kain, nung mga oras na yon ang nasa isip ko na lang is mailabas ko si baby ng maayos. Buti na lang mabait yung midwife ko, minomotivate nya ako, sabi nya pa nga ang gaking ko daw umire πŸ˜…. 1:05pm nanganak ako ng isang bouncing baby boy 😁. Grabe yung feeling momsh! Napa "thank you lord" talaga ako. Nakakaiyak., nakakatuwa, nawala lahat ng sakit na naramdaman ko. Kakaiba talaga yung saya, totoo yun. After nun... Eto na, ang pinakamasakit na part, ang "tahian session" 3rd degree episiotomy ako so mahaba-habang tahian daw sabi ni midwife. Ay jusko! Hiyaw ako ng hitaw sa sakit kada hila ng sinulid πŸ˜…. Kahit na may anesthesia hindi tumalab! Kaamya ang ginawa nila sinaksakan ako ulit, doon na sa pempem ko! Ang kaso mo wa epek pa rin! Sabi nung midwife "lasenggera ko dati 'noh?" sabi ko "Hindi po" which is totoo naman πŸ˜…. Basta natapos yung pagtahi sakin na humihiyaw ako sabi "ang sakit po!" ayun, after nun nakatulog na ako, hinayaan muna nila akong matulog dun sa delivery room, hindi ko na namalayan na 3hrs na pala akong nakatulog at ginising na lang nila ako kasi iyak na ng iyak si baby ko, gusto na yatang dumede... Haaay grabe, ang sarao na mahirap maging nanay pero kapag tinititigan ko baby ko, hanggang ngayin hindi pa rin ako makapaniwalang galing sya sakin 😊 Meet my baby Santiago Emmanuel Born Sept. 3, 2019 3.1kg Via Normal Delivery

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Oo momsh... Nakakaloka yung tahian portion πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Grabeee sakin. Dami kong pinag daanan. Before ako mag buntis and while I’m pregnant to my son. Hindi biro lahat ng nangyari sa akin. Buti nalang okey si baby. So eto kwento ko about my pregnancy 🀰 . 2 months na pala akong pregnant hindi ko alam. Kasi alam ko sa sarili ko never na akong mabubuntis. Gawa nga ng diabetec ako. And may thyroid problem ako. Yes meron po akong hyper thyroidysm. Ang may diabetes po ako. So nag iinsulin na ako and take ng med for thyroid. Nalaman ko lahat ng sakit ko july 2018. Last year. October last means ko. So dapat November dadatnan na ako. Hindi po ako dinatnan ng November and December. Sabi ng asawa ko bakit hindi daw ako mag pregnancy test. Sabi ko ayaw ko. Gawa nga ng for what!? Alam naman natin na hindi ako buntis. At never ng mangyari yun. Ayun na nga. Wala akong pakyalam. Same! Ginagawa ko parin mga gawain bahay. Nag drive pa ako. And take note sumasakay pa ako samga rides. At hindi ko alam buntis na pala ako that time. Nag research pa asawa ko about sa symptoms ng buntis. At never ko naman naramdaman mga symptoms ng buntis. Nararamdaman daw ng asawa ko na pregnant ako. At sya pa talaga nakaka ramdam. 😊 ayun isinama ako sa isang hospital. At pina checkup. Pinakuha pa ako ng blood test for sure daw. Ayaw daw ng pregnancy test. Sabi daw sa na research nya mas accurate daw ang blood. Sabi ko sakanya nag aaksaya lang sya ng pera at time. Okey sinunood ko naman at sabi ko nga kung ano lalabas sa result tanggapin nalang nya kako. Alam ko masasaktan lang ako at sya. Kasi nag eexpect sya na buntis ako tapos hindi naman pala. Pagka kuha sa blood ko wait lang daw kame ng 30 mins. Sabi ko labas muna ako for buying milk tea. Sya nag decide magpa iwan sa loob hintayin daw nya results. At wala pang 30 minutes tapos na result. At pinuntahan nya ako sa milktea shope at naka ngiti hawak hawak nya ang result. Sabi ko ano wala diba!? Sabi nya daddt na ako. At ako wag mong pinagloloko ha kako sakanyan. Oo nga positive kanya! Weeh at nung kinuha ko sakanya ang papel oo nga naka lagay sa papel ay positive! Hindi pa ako naniwala sabi ko baka pinalagay lang nya sa papel ay positive! At dalidali akong pumunta sa hospital pag pasok namin congrats maam sabi ng mga nag OOJT sa hospital. So totoo nga. Na buntis ako. Habang nag ba byahe kame. Sabi ko sa asawa ko pwede daan tayo sa botica para bumili ako ng pregnancy test. Ayun binilhan nya ako pag dating ng bahay ginamit ko sya. 2 lines... confirmed buntis nga ako. Pero pag dating namin ng bahay wala kaming pinag sabihan kasi ayaw ko naman na di matuloy. Yung tipong normal lang ang lahat. Kasi nga baka kung ano pang mangyari gawa nga ng may sakit ako tapos buntis ano pabang expect natin. Baka si baby hindi normal daming complication. Ayun kinabukasan naghanap na kame ng OB titingin sa akin. At dahil nga highrisk ang pag bubuntis ko dami kong doctor’s meron akong endocrinologist at diabetetologist. At doctor sa highrish ko. So 4 na doctor ang humahawak sa akin at kay baby. Una mahirap lalo na sa mga laboratory’s hindi basta basta mga lumalabas na pera. Inisip nalang namin na hindi i bibigay ng taas kung hindi namin kaya. Kaya lahat ginawa namin. Active lahat ako sa doctor’s ko. Kung ano sabihin nila yun ang ginagawa namin. Kaya salamat sa dios at binigyan kame ng healthy baby boy. Tapos kundi rin sa mga doctor’s na humawak sakin at kay baby walana siguro baby ko. Kaya malaking thankyou sakanila. Todo bedrest talaga ako that time gawa nga ng 32 weeks gusto lumabas ni baby. Twice ako na confine. Tapos nag hintay nalang kame ng fullterm 37 weeks at na emergency CS na ako. Now going 4 months na miracle baby ko. At pag labas ni baby dami din lab test ginawa sakanaya. Sa sugar and sa thyroids. Na awa ako sa baby ko noon. Tadtad sya ng tusok. Tapos halos 1 week sa hospital kame. Ni hindi ko sya kasama sa room. Hirap! Iyak lang ako ng iyak that time. Sabi ko sa taas ako nalang wag sya. Hindi pa alam ng baby ko kung ano masakit. Ang masakit pa duon hindi man lang sya naka dede sa akin. Gawa ng may mga medicines ako bawal sa breastfeeding 🀱 yun pa naman pangarap ko na makapag breastfeeding sa anak ko. After the laboratory test ayun na nga. Pinuntahan ako ng pediatrician ni baby. Parang sasabog ako sa nalaman ko and habang nag explain sya. Gusto kona umiyak sa harap ni doc. Kaso pinipigilan ko. Okey daw lahat ng laboratory’s test ni baby. Except sa isa.mataas ang Tsh ni baby. Which is 100.02 na dapat sa edad nyang 4days old is normal range 0.6-10.0 diba ang laki ng difference . Nag hintay pa kame that time ng titingin kay baby. So ibang doctor nanaman ni baby. Kung ako 4 doctors sya naman 2. Ayun sabe nga nananalaytay pa daw yung blood ko sa blood nya. Baka yun daw yung nakita sakanya. Pero kailangan natin muna i monitor for 6 months. Monthly sya papa labtest for THS and FT4 So kung ako ay hyper, anak ko namn ay hypo. Halos hindi nila ako maka usap. Iniisip ko anak ko. Ako nga matanda nahihirapan sa tusok everytime na kukuhan ako ng dugo. Sya pa kaya. Ayun simula nung lumabas kame ng hospital. Meron sya monthly checkup. At ayun na nga 3 months lang okey na mga laboratory’s ni baby. Sa Mga monthly labtest ng anak ko okey lahat at take note sa 100 to 1 nalang. And the next month same. 3 months lang pina stop na ng doctor ni baby. Sabe congrats! Graduate na si baby. Wala daw sya hypo thayrodisym . Kaya God is Good talaga! Kaya mommy kung may mga pinag dadaanan man kayo mahirap ngayon buntis kayo. Wag kayong susuko. Dios nga hindi tayo sinukuaan tayo pa kaya. Pray lang.πŸ™πŸΌ

Magbasa pa
5y ago

Ang hirap at ganda ng story nyo po. God is good talaga πŸ‘

VIP Member

Aug. 09 at 4:00 am nag umpisa na yung sakit na matagal ko ng gustong maramdaman(excited kasi akong mafeel yung paglalabor πŸ˜‚). Nung una parang natatae lang ako. Pero medyo masakit na siya at may time inteeval na every 2 minutes na siyang sumasakit. Pero keri pa kasi medyo matiisin ako sa pain. Kaya pinapasok ko muna asawa ko para naman di sayang yung araw nya. Pero nung pagkaalis niya ng bahay. Pasakit na ng pasakit mga besh πŸ˜‚ kaya pinauwi ko na siya para pumunta agad kami ng ER. Pagmadating namin dun E.I agad ako. Pero still 2cm pa din. Sabi ng OB hindi sila basta basta nag a.admit ng 2cm kasi 6cm pataas inaadmit nila. Edi umuwi kami ng partner ko sa bahay. Iniisip ko baka matagal pa to. Habang naglalakad pasakit na siya ng pasakit kaya nagmamadali na kaming umuwi para makapag pahinga. Sabi ko punta kami ng SM ng hapon para makapaglakad lakad para matagtag kasi yun advice magpatagtag daw muna ako. Pagka uwi namin sa bahay, nag squat ako for 5 mins. Balak ko sana ng 30mins kaso di na kaya yung ngalay. At dun ko na naramdaman ang totoong paglalabor. After kung mag squat sumakit na siya ng sobra na hindi ko na halos alam kung ano gagawin ko sa sobrang sakit. Palala ng palala na yung pain. Pero hindi pa din ako nagpadala sa ER kasi wala pa namang discharge baka pauwiin lang kami ulit. Pero nung bandang alas singko ng hapon may naramdaman akong parang may lumabas. Pagka punta ko ng cr may dugo na sa panty ko. Takbo na agad kami sa ER. Pagkadating ng ER hindi pa kami inasikaso kaagad kasi may inuuna pa sila( lam niyo naman pag public hos di talaga kayo aasikasuhin agad). Mamimilipit na ako sa sobrang sakit wala pa ding umaasikaso hanggang sa napansin ako kasi cguro nakita nila kung papano ko hawakan ng mahigpit yung partner ko. Edi pinahiga na ako agad pagka E.I sakin 8cm na ako, dali dali silang nag asikaso sakin kasi malapit na akong mag 10cm. Pero isang oras mahigit pa ang lumipas bago ako na akyat ng Delivery Room. Nagagalit na yung mga nurse sa ER sa akin kasi iniire ko na kada hilab, ei bawal pa daw kasi baka mapaanak ako dun hindi safe for baby. Kaso diko talaga mapigilan na hindi i ire kada hilab. Ire lang ako ng ire kada hilab habang dinadala ako sa Delivery Room. Pagkadating dun pinaligo ako agad. Pagkahiga ko sa higaan para i check HB ni baby, nakita ng nurse na crowning na ako kaya dali dali silang inilipat ako sa table. Hindi pa ako nakapwesto sa higaan umiire na ako kasi gustong gusto na ata ni baby talaga lumabas. After ng tatlong malakas na pag ire lumabas agad si baby ko. 7pm kami dinala ng Delivery Room, 7:56pm ko nailabas si baby. Ganun nalang kadali kasi kada hilab ire ginagawa ko imbes na huminga ng malalim πŸ˜… Ang daming bumilib sakin bat daw ganun lang ako kabilis nanganak. Hindi ko din alam kung bakit basta ang goal ko is mailabas si baby ng ligtas kasi gusto gusto ko na siyang makita at mahawakan. Hindi ko ma imagine na mkakaya ko yung sakit nung mga time na yun. At sobrang thankful din ako sa partner ko kasi hindi niya ako pinabayaan at laging pinapalakas yung loob ko habang naglalabor ako. At ngayon ako ay nakaraos na din sa wakas πŸ˜„πŸ˜„πŸ˜„πŸ˜„. Sobrang worth it ng pain 😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍.

Magbasa pa

August 30 ang kabwanan ko ang kaso July 30 palang may lumabas na dugo saakin so punta kami kaagad sa Ob ko. Nag stop naman yung bleeding di naman kasi ganun kadami. Noresetahan lang ako pampakapit and bed rest lang ako since maaga pa daw para manganak. August 5 ng madaling araw dinugo ulit ako since wala ako kasama sa bahay (si hubby kasi Call center kaya umaga pa uwi) di na ako natulog buti na lang ang kapatid ng asawa ko umuwi sinamahan ako. Wala sched ng check up ang Ob ko so di pa ako nakapacheck up sabi naman ng byenan ko wag muna daw kami punta ng ospital kasi puro IE lang daw gagawin saakin. So ngaalay bes lang ang nararamdan ko tapos pabugso bugso daloy ng duggo sa pwerta ko. 10pm pjnaglakad lakad ako ng byenan ko para daw bumaba na daw si baby. Aadmit na sana ako numg august 7 kaso tinanggihan ko na since sumama na rin loob ko kasi ayaw pa din ako paadmit ng byenan ko nag seself medicate sya saakin kaya ang ginawa ko tinawagan ko mama ko para magbyahe na from bicol to alabang. Kinaumagahan pag kadating ni mama pacheck up kami sa ob ko kaso pag cr ko palang sa ospital bumulwak dugo ko. Dali dali ako punta kay mama para sabihan ko sya. Ang ginawa namin pumunta kami sa nurse kung ano mas magandang solusyon paadmit na or pacheck muna ke doc. Sabi ni nurse pa admit na daw ako kung dinudugo na raw ako. Kaso pag punta ko sa emergency room Ie lang ako then kain muna daw ako balik ako after 3hrs. So natatagalan ako kumain muna kami, mahaba pa naman ang time nagpaconsult na kami sa ob ko since dumaring na sya. Inexplaine ko status ko medjo nagalit pa zya kasi dinudugo na raw ako di pa daw ako nag pa admit agad. Chineck nya pempem ko 4 to 5cm na raw ako. Buti na lang magaling doctor ko at malakas sa ospital. Di na ako pinaghintay sa baba pinaakyat na agad ako sa labor room at tinurukan ng pampa induce. August 8 ng madaling araw. Since di ko na abutan ang ob ko para paanakin ako kasi nakaout na sya ng august7 ng gabi. Jusko ang mga doctor sa Labor room natulog ng madaling araw as in lahat sila di man lang kami chineck na nag lalabor kung ilang cm na. Naiiyak na ako that time kasi di ako pinapansin kahit nurse sinasabi saakin na masakit daw talaga lalo na panganay. Ee nag research ako and sa mga paalala saakinna pag di nawala ang sakit means manganganak na. So ang ginawa ko tinulungan ko sarili ko. Umire ako ng tahimik hanggang sa pumutok panubigan ko kasabay ng pag labas ng head ni baby (btw nakapampers pa ako that time) timawag ko napadaang doctor. Jusko sinabihan pa ko na wag muna iere ee lumabas na head ni baby. So ayun aligaga sila kasi sa stretcher na ako napaanak. Btw 443am ako nanganak at karamihan saamin madaling araw nangank kasi napabaayaan ng doctor yung status namin. Pero thankful ako nailabas ko ng safe ang baby ko. Basta tiwala lang sa sarili at magpakatatag kasi ang sakit parang 1 araw lang yan pag nailabas mo na wala na ang sakit. Btw walang tahi pempem ko kasi nga diba ako na ang nagpaanak sasarili ko hehehe. Kaya parang wala lang saakin pag labas ko sa hospital after manganak.

Magbasa pa
5y ago

Osmun po

3rd baby pero yun yung hardest giving birth experience ko. . Never ko naexperience yung ganung pain sa 1st and 2nd ko. December 18 mga 5 to 6pm, habang kausap ko fil ko, parang bigla ako naihi na di ko maintindihan. NagCr ako tapos pagwiwi ko, may dugo na. Tinawagan ko yung asawa ko na pauwi palang from work at sinabi kong manganganak na ko. Nainis pa ko nun kase pinapunta nya pa yung kaibigan para ihatid na daw ako sa lying in, eh kase daw baka manganak na ko bigla (mabilis lang kase ako manganak sa 1st at 2nd kids ko). Inantay ko sya nun. That time di pa ganun kasakit para may dysmenorrhea lang. Mataas pain tolerance ko sa ganun kase lagi ako may dysmenorrhea pag may mens. Pag dating ng asawa ko pumunta na kami ng lying in. Pag dating namin, pinapauwi pa ko kase 3cm palang daw. 5cm daw ang inaadmit nila. Paglabas namin dun na ko nakaramdam ng matinding sakit, as in para akong hihimatayin sa sakit. Umuwi kami naligo ako tapos ang dalas na ng contractions ko. Sabi ko sa asawa ko lipat kami sa ibang lying in. Pag dating namin, pinagcr ako.. pagcr ko napansin ko yung ihi ko ang lakas at dami saka madami ng dugo. Nung i IE ako, sabi 3 cm pa din huhu. Balik daw ako sa unang lying in dahil andun na yung record ko at lab, di daw kase pwede na wala akong lab result kailngan nila para malaman anong gamot ang ibibigay. So umuwi ulit kami, at mas lalong sumakit, umiiyak na ko di ko na kaya, sinabihan ko na asawa ko na dalhin na ko sa private hospital dahil di ko na talaga kaya. Around 8 or 9pm bumalik kami sa unang lying in na pinuntahan namin, tapos sabi ko di ko na talaga kaya di ko na kaya lumakad. Naawa sakin si kuyang nurse inadmit na ko.. pero di pa ko inaakyat sa labor room. Andami pang assesment, at dahil di ako nagpacheck up kahit once doon, pinagawa pa nila ako ng waiver, umuungol ako sa sakit habang nagsusulat tapos sinita ako ng babaeng nurse ang ingay ko daw magagalit sila dra. Bawal daw maingay pag umakyat na. Imagine pagumgol nalang yung nakakapagparelief bawal pa. Lol Dinala na ko labor room 5cm palang daw.. sabi ng isang nurse iere ko lang daw.. gusto ko dec19 manganak pero di ko na talaga kaya yung sakit kaya kinakausap ko si baby na lumabas na sya.. Mayamaya pagtingin sakin crowning na.. dinala na ko sa delivery room at wala pang 5mins nanganak na ko sobrang ginhawa ko nun dahil more than 5 hours ang labor ko. At 1050 lymabas ang aming unico hijo. 5 hours lang ako naglabor ng matindi feeling ko mamamatay nako.. saludo ako sa mga nanay na inaabot mg more than 5 hours to days of labor. **hugs*** At eto na ang hunga ng matinding labor ko.

Magbasa pa
Post reply image

aq nung 1st baby ku sis 16hours aq nglabor.. ngmaking love kc kmi nun ni hubby mga 8pm may 1,2012.. hahaha then nka2lug na aq after 1hour ngcng aq pra mgwiwi... pgwiwi ku my konting dugo aq nkta sa bowl, then pgtingin ku sa undies ku my konting dugo na nga tlga... gncng ku mama at ate ku kc ntakot aq at xmpre 1st tym ku kala ku gnun manganak na aq! sbi ku " ma prang manganak na aq my dugo ang panty ku pg ihi ku" sbi ng ate ku "gnyan pa ang reaction mu' wla pa yan" knkbahan na aq! sbi ng ate ku " ma2lug kna pra my lakas ka kung mkramdam kna ng pain" nka2lug aq mga pass 9pm.. and then mga 12midnyt ngcng aq nkakaramdam na aq ng pain ung sumsakit na tlga tyan ku di na aq mka2lug ng mbuti gncng ku ulit ang ate ku sbi nea bntayan f ilang minutes interval bgu mgskit at ttgas ulit.. inorasan ku mga 5mins pa xa bgu pabalik2 ung skit! naidlip aq ulit mga 2am ngcng nman aq... skit2 nea na tlga di na aq nka2lug hanggang sumikat ang araw.. mga 6am nglakad2 kmi ng hubby ku akyat baba sa hagdanan ng pabalik2.. 8am nlgu na aq, kumain, nglinis na aq lhat2 ng ktawan ku.. ngputol ng kuko at ng shave.. habang nglalabor aq nean hah! tiniis ku ang skit! mga 10am pmunta na aq sa ob ku e nay e nea aq 4cm na.. tnanung nea aq kung kya ku pa sbi ku kya ku pa nman doc,.. bngyan nea na aq ng admiting slip.. sbi nea kung kya mu pa pwde kpa nman umuwi mglakad2 ka... pro nraramdman ku tlga sa sarili ku na mlapit na tlga aq manganak kea di na kmi umuwi ngpaadmit na tlga aq pra mamonitor nla aq sa hosptal... mga 1pm 6cm na aq! sborang skit na tlga ung na fefel ku! buo2 na ung dugo na lumalabas saken pro ung bag of water ku di pa pumutok! mga 3pm 8cm na aq.. pnhiga na nla aq sa kama at pinutok na nla ung panubigan ku.. nkta ku tlga ung daloy ng tubig sa leegs ku mainit2 at ang daming 2big tlga duon ku na nramdman ung lalabas na tlga ang anak ku after nung 2big na un... nka ilang ire dn aq.. wla na aqng lkas at pgod na pgod na aq... nksbi na aq sa sarili ku na wla na mamatay na tlga aq.. waaaaahhhhh pro nbalik tlga lhat ng lkas ku nung cnbi ng ob ku na anjan na ung ulo mrs. tlgang inire ku ng bonggang bongga momsh! aun nkaraos dn! nwla lhat ng pain pgkalabas ng bb ku at mas lalu na nung unang yakap mother and baby bonding! sobrang saya at sarap sa feeling 😍 may 2,2012 3:29 pm bb girl 3kls... hindi pa tpos! dhil ngaun momsh back to start na2man aq.. 🀣🀣🀣🀣 daaaaahiillll 2nd baby im pregnant again.. yeheyyyy! πŸ˜πŸ’• after 7yrs.. ohhh diba?, boom panes na2man to! pro keri lng momsh pra ky bb! pray plng always! πŸ™

Magbasa pa

Dec. 18, 2018 nag start ako mag labor ng mga bandang 6 am as in lakad lang ako ng lakad bandang 8 am pinaligo nako then nung nag bp ako ang taas ng ng bp ko siguro pumapalo na ng 150/130 pero never ako nakaramdam ng pagkahilo or what then lakad pa din ako around 12 pm nag decide na ko na mag padala ng lying in and pag dating namin dun wala pang tao kase nasa christmas party mga 1 pa sya naka dating then pag dating nga IE agad ginawa sakin and 8 cm nako pinag diaper nako tapos may dugo ng nalabad sakin, pero yung bp ko di pa din nababa 150/130 pa din tapos may manas pa ako kaya nag decide yung midwife na dalhin nako sa pinakamalapit na ospital na pinagpapasalamat ko sakanya, pag dakay namin ng trycle sinabihan ako ng midwife na wag iiri kase anytime lalabas si baby, pagdating ng ospital kinbitan agad ako ng suero tas lalong tumaas yung bp ko nag 180/150 na sya kaya kailangan na talaga i emergency cs sobrang asikaso ng mga nurse sakin friendly din mga doctor tapos pag pasok ko ng OR mga 10 mins tinurukan nako ng anestisya halos di ko na naramdaman pagturok sakin kasi sobrang sakit ng tyan ko, and finally 2:28 pm nailabas ko ang baby boy namin kaso sobrang hina na ng heart beat nya dahil naka pulupot na yung pusod sa leeg nya and malapit na sya humiwalay sa inunan nung nilabas ko sya 5 mins ata syang nirevive bago sya umiyak ng bongga kung di agad ako na cs baka seconds lang itinagal nya sabi ng pedia nya kaya sobrang thankful ako sa pedia nya ginawa nya lahat para sa baby ko, kala ko after mya mailanas okay na di pa pala kasi nakita na namamaga yung appendix ko so ang ginawa nila inopehan na din tinaggal na nila appendix ko kaya double operation ang nangyari sakin, then after 3 days sa hospital kala ko madidischarge na kame pareho ni baby pero ako lang pala si baby kailangan maiwan kasi bukod sa naka kain sya ng pupu naninilaw din sya dibkase kame same ng blood type need nya ipa photo therapy para bumaba ang bilirubin nya sa katawan, awang awa ako sa baby ko kasi araw araw kailangan nya kunan ng dugo para itest kung bumaba na ba yung bilirubin sa awa naman ng Diyos bago mag pasko naka uwi kami ng bahay, sobrang thankful ako sa midwife at ob ko pati sa pedia ni baby at sa staff ng ospital kung saan ako nanganak dahil sobrang babait nila, maagala at maasikaso, and now 10 months na baby ko purebreastfeed at napaka healthy 😊😊😊

Magbasa pa
5y ago

3 days po sya nag photo therapy mahahawakan ko lang sya pag dedede at popopo sya pero kailangan nakatapat pa din sakanya yung blue light.

I'll share my wife story. She's a PCOS patient, and getting pregnant is not really that easy for her. From diff OBGYN iisa lang sinsbi, na it's gonna be hard, or if we can consume one, magging maselan. And yes, it happened. Sept 29 we found out na she's pregnant. Sobrang selan niya na on her 1st trimester, she need to stay home and quit her job. She's taking Duphaston and Duvadillan till she reached 3rd trimester (and believe me, nakakadrain sa gstos dahil ang mahal ng gmot. Hndi dn snsgot ng HMO kapg pregnancy matters na. So everything talaga is cash) Naging okay naman sya after 1st trimester. 3rd trimester came, we celebrate our post-monthsary thru love making (may go sgnal ng Ob)she was at 35 weeks. She's fine prior to us doing it. Pero the morning came, she told me na she's bleeding. Thought na it's normal, still we ask padn sa Ob niya and send her the photo of the dscharge. And boom. On labor na siya agad. Such a bad day kasi her ob is not in PH that time. So when we rushed her sa OR/DR reliever lang yung nandu (hndi naman kmi pinabayaan. And we thank God for giving us her OB) Wifey stayed ng 24 hrs sa observation room kasi she's given shots para si baby hnd8 pa bumaba. The fllowing day, okay sya. So she was advised to go na ng ward. We were expecting na we can go home na ksi the last CC came na close na cervix nya. And boom. 11am, the following day, nakaramdam si wifey ng weird sensation. Parang umiihi siya ng water daw. So we called some nurses, checked her and was told na normal and just dscharge lang. (Dschrge yet ung liner niya basa). Di kmi naging at east kasi she feels it padn. Then the head nurse came and dble check, bring the resident ob, and boom pmutok na papa pnubigan niya. She was rushed sa OR after that. Nagllbor na pala sya hndi niya alam, and baby shark is almos5 18hrs ng walang water. From 4cm to 6cm, baby shark stop moving. So we need to dcide. I almost sign a waver, muntik nadn siya ma emergency CS. She was put on epidural, and later force labor. She was on labor ng 8 hrs bfore totally mailabas si baby shark thru normal delivery. He was born at 35 week. 2.08kg. agar score of 9. Stayed at NICU ng 1 day. Without any tube on him. He turned 5mos (corrected age) last March 27. Daniel Theo Sanchez Curay. What a miracle baby.

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Napaka maselan, pero worth it poπŸ‘

VIP Member

Nov 7, 2015 normal checkup day lang talaga. Tapos pag check ng bp ko mejo mataas 130/90, sunod naman heartbeat ni baby bumaba rin so inultrasound ako ni ob. Pagka check sa baby ko ang konti ng amniotic fluid kaya ni rush ako sa hospital para ma induce na. As in sa sobrang biglaan wala kaming dalang gamit na kahit ano kasi diko akalain na paaanakin nako. Nag start ako i-induce ng 8pm. Parang wala lang, sanay kasi ako sa braxton kaya hindi ako masyado nasaktan. Umabot na ng 12am 2cm lang ako tapos yung nurse na nagbabantay sakin tinulugan ako. Kailangan nya ako imonotor kasi baka umakyat bp ko pero tinulugan ako ng nurse. Sa inis ko sinipa ko sya tapos nagkunwari ako na namimilipit at natamaan ko sya para lang magising si gaga. Umabot ng 5am, wala akong tulog at kaen kahit tubig wala sobrang tuyot nako sa pagod. Pero lalo akong na stress kasi yung mga kasabayan ko mag labor na mas matatanda sakin sobrang ingay, rinig na rinig yung mga sigawan. Mataas kasi ang pain tolerance ko kaya parang nag didisminoriya lang ako ng grabe, pero sobrang nakakapagod talaga. Nov8,2015, 10am. 2cm parin at bumaba na ng sobra yung heartbeat ni baby kaya nag decide yung ob ko na cs ako. Sobrang prepared nako nung time na yun kasi gusto kona talaga mailabas si baby, baka kasi magjaron pa ng ibang complications. 11:30am baby's out. Ni wala akong maalala kung paano binuka yung tyan ko, kahit yung epidural hindi kona naramdaman. Nagising na lang ako nangangatog ako tapos inaantay yung asawa ko para mailipat ako ng room. Nung pinakita na sakin si baby naiyak ako. Sobrang nagaalala kasi ako sa kanya at 37weeks lang sya that time. Akala ko need pa ng incubator, pero ok na ok sya. Malakas yung lungs and heart nya. Now mag 4yo na sya sa nov8 and magkakaron na sya ng kapatid next year. Super excited nako ulit magkaron ng sanggol. Yung kakawag kawag lang sa kama at nabubuhat. Hehe masarap sa feeling maging isang ina. Godbless sating lahat. ❀😊

Magbasa pa
5y ago

Yes mamsh full term na. Kaso sa ultrasound kasi sobrang liit nya 2kg lang kaya mejo nagalala ako, sabi kasi ng nurse need ng incubator. Buti malakas sya. 😁

Nov. 27, 2018, tinanong ako ng mil ko kung ano na nararamdaman ko kasi malapit na due ko... sabi ko, parang feeling ko magkaka mens ako.. tapos sabi nya, manganganak na daw ako... di ko nman alam kasi ftm ako ehh.. tsaka di ko pa ramdam contractions.. pero dinala nya na agad ako sa hospital... Pagkadating sa hospital, sabi ng ob, 2cm palang nman daw ako... edi nag lakad lakad na muna ako... tapos kinahapunan nun, nung in IE na ulit ako, 4cm palang raw.. sabi nya, pahinga na raw ako... tapos natulog ako.. Next morning, Nov. 28, 2018, in IE ulit ako, tapos nag 6cm na ko.. tapos lakad lakad na ulit ako, ramdam ko na rin na masakit na... sobrang sakit... tapos nung nag tanghali, 6cm pa rin... sakit na sakit na talaga ako... sabi nila, wala pa raw, malayo pa si baby... di ako nakatulog nung gabi kasi sobrang sakit... kina umagahan, Nov.29, 2018, in IE ulit nila ako, 8cm na raw... pero malayo pa daw... sobrang sakit na ng contractions na parang every 2mins nlang, ayaw pa nila gawan ng paraan.. malayo pa raw kasi sa 10cm.. but i know na may mali na, kasi di nko nakaka ihi o nakakakain o nakaka poopoo ng 2days.. ang sakit sakit na ng balakang ko at ng tyan ko tapos tinatawanan lng nila ako... kaya, nagpasya ako na pa transfer hospital nlang kmi... bandang hapon, na transfer na kmi... tapos dinala nila ko sa IE room doon.. pero, bago pa ako ma IE, nakita ng midwife na puno na yung pantog ko, kaya kinatheter nya yung ihi ko para ma IE nya ko.. and then after nun, biglang pumutok yung panubigan ko (na nabasa yung midwife sa mukha nya, lol 😁) and then sabi nya pwede na raw ako manganak kahit 8cm lng.. tapos, sinugod na ko sa delivery room, pero dhil di ako marunong umire, πŸ˜‚πŸ˜‚ pinatungan nila ng kamay nila yung tyan ko para makapag push ako... and, after all the pain, 6:45pm of Nov.29, 2018, lumabas na si baby ko πŸ‘ΆπŸ»πŸ’“ eto na sya ngayon..

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Hahahaahha nabasa sa mukha pa πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚