Share Your LABOR Stories Mga Mamsh?
First time mom here! Gusto ko lang malaman ibat ibang stories nyo momies. Please share babasahin ko yan ?

Grabeee sakin. Dami kong pinag daanan. Before ako mag buntis and while I’m pregnant to my son. Hindi biro lahat ng nangyari sa akin. Buti nalang okey si baby. So eto kwento ko about my pregnancy 🤰 . 2 months na pala akong pregnant hindi ko alam. Kasi alam ko sa sarili ko never na akong mabubuntis. Gawa nga ng diabetec ako. And may thyroid problem ako. Yes meron po akong hyper thyroidysm. Ang may diabetes po ako. So nag iinsulin na ako and take ng med for thyroid. Nalaman ko lahat ng sakit ko july 2018. Last year. October last means ko. So dapat November dadatnan na ako. Hindi po ako dinatnan ng November and December. Sabi ng asawa ko bakit hindi daw ako mag pregnancy test. Sabi ko ayaw ko. Gawa nga ng for what!? Alam naman natin na hindi ako buntis. At never ng mangyari yun. Ayun na nga. Wala akong pakyalam. Same! Ginagawa ko parin mga gawain bahay. Nag drive pa ako. And take note sumasakay pa ako samga rides. At hindi ko alam buntis na pala ako that time. Nag research pa asawa ko about sa symptoms ng buntis. At never ko naman naramdaman mga symptoms ng buntis. Nararamdaman daw ng asawa ko na pregnant ako. At sya pa talaga nakaka ramdam. 😊 ayun isinama ako sa isang hospital. At pina checkup. Pinakuha pa ako ng blood test for sure daw. Ayaw daw ng pregnancy test. Sabi daw sa na research nya mas accurate daw ang blood. Sabi ko sakanya nag aaksaya lang sya ng pera at time. Okey sinunood ko naman at sabi ko nga kung ano lalabas sa result tanggapin nalang nya kako. Alam ko masasaktan lang ako at sya. Kasi nag eexpect sya na buntis ako tapos hindi naman pala. Pagka kuha sa blood ko wait lang daw kame ng 30 mins. Sabi ko labas muna ako for buying milk tea. Sya nag decide magpa iwan sa loob hintayin daw nya results. At wala pang 30 minutes tapos na result. At pinuntahan nya ako sa milktea shope at naka ngiti hawak hawak nya ang result. Sabi ko ano wala diba!? Sabi nya daddt na ako. At ako wag mong pinagloloko ha kako sakanyan. Oo nga positive kanya! Weeh at nung kinuha ko sakanya ang papel oo nga naka lagay sa papel ay positive! Hindi pa ako naniwala sabi ko baka pinalagay lang nya sa papel ay positive! At dalidali akong pumunta sa hospital pag pasok namin congrats maam sabi ng mga nag OOJT sa hospital. So totoo nga. Na buntis ako. Habang nag ba byahe kame. Sabi ko sa asawa ko pwede daan tayo sa botica para bumili ako ng pregnancy test. Ayun binilhan nya ako pag dating ng bahay ginamit ko sya. 2 lines... confirmed buntis nga ako. Pero pag dating namin ng bahay wala kaming pinag sabihan kasi ayaw ko naman na di matuloy. Yung tipong normal lang ang lahat. Kasi nga baka kung ano pang mangyari gawa nga ng may sakit ako tapos buntis ano pabang expect natin. Baka si baby hindi normal daming complication. Ayun kinabukasan naghanap na kame ng OB titingin sa akin. At dahil nga highrisk ang pag bubuntis ko dami kong doctor’s meron akong endocrinologist at diabetetologist. At doctor sa highrish ko. So 4 na doctor ang humahawak sa akin at kay baby. Una mahirap lalo na sa mga laboratory’s hindi basta basta mga lumalabas na pera. Inisip nalang namin na hindi i bibigay ng taas kung hindi namin kaya. Kaya lahat ginawa namin. Active lahat ako sa doctor’s ko. Kung ano sabihin nila yun ang ginagawa namin. Kaya salamat sa dios at binigyan kame ng healthy baby boy. Tapos kundi rin sa mga doctor’s na humawak sakin at kay baby walana siguro baby ko. Kaya malaking thankyou sakanila. Todo bedrest talaga ako that time gawa nga ng 32 weeks gusto lumabas ni baby. Twice ako na confine. Tapos nag hintay nalang kame ng fullterm 37 weeks at na emergency CS na ako. Now going 4 months na miracle baby ko. At pag labas ni baby dami din lab test ginawa sakanaya. Sa sugar and sa thyroids. Na awa ako sa baby ko noon. Tadtad sya ng tusok. Tapos halos 1 week sa hospital kame. Ni hindi ko sya kasama sa room. Hirap! Iyak lang ako ng iyak that time. Sabi ko sa taas ako nalang wag sya. Hindi pa alam ng baby ko kung ano masakit. Ang masakit pa duon hindi man lang sya naka dede sa akin. Gawa ng may mga medicines ako bawal sa breastfeeding 🤱 yun pa naman pangarap ko na makapag breastfeeding sa anak ko. After the laboratory test ayun na nga. Pinuntahan ako ng pediatrician ni baby. Parang sasabog ako sa nalaman ko and habang nag explain sya. Gusto kona umiyak sa harap ni doc. Kaso pinipigilan ko. Okey daw lahat ng laboratory’s test ni baby. Except sa isa.mataas ang Tsh ni baby. Which is 100.02 na dapat sa edad nyang 4days old is normal range 0.6-10.0 diba ang laki ng difference . Nag hintay pa kame that time ng titingin kay baby. So ibang doctor nanaman ni baby. Kung ako 4 doctors sya naman 2. Ayun sabe nga nananalaytay pa daw yung blood ko sa blood nya. Baka yun daw yung nakita sakanya. Pero kailangan natin muna i monitor for 6 months. Monthly sya papa labtest for THS and FT4 So kung ako ay hyper, anak ko namn ay hypo. Halos hindi nila ako maka usap. Iniisip ko anak ko. Ako nga matanda nahihirapan sa tusok everytime na kukuhan ako ng dugo. Sya pa kaya. Ayun simula nung lumabas kame ng hospital. Meron sya monthly checkup. At ayun na nga 3 months lang okey na mga laboratory’s ni baby. Sa Mga monthly labtest ng anak ko okey lahat at take note sa 100 to 1 nalang. And the next month same. 3 months lang pina stop na ng doctor ni baby. Sabe congrats! Graduate na si baby. Wala daw sya hypo thayrodisym . Kaya God is Good talaga! Kaya mommy kung may mga pinag dadaanan man kayo mahirap ngayon buntis kayo. Wag kayong susuko. Dios nga hindi tayo sinukuaan tayo pa kaya. Pray lang.🙏🏼
Magbasa pa



Excitedly Waiting For My Princess