Share Your LABOR Stories Mga Mamsh?

First time mom here! Gusto ko lang malaman ibat ibang stories nyo momies. Please share babasahin ko yan ?

68 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Aug. 09 at 4:00 am nag umpisa na yung sakit na matagal ko ng gustong maramdaman(excited kasi akong mafeel yung paglalabor 😂). Nung una parang natatae lang ako. Pero medyo masakit na siya at may time inteeval na every 2 minutes na siyang sumasakit. Pero keri pa kasi medyo matiisin ako sa pain. Kaya pinapasok ko muna asawa ko para naman di sayang yung araw nya. Pero nung pagkaalis niya ng bahay. Pasakit na ng pasakit mga besh 😂 kaya pinauwi ko na siya para pumunta agad kami ng ER. Pagmadating namin dun E.I agad ako. Pero still 2cm pa din. Sabi ng OB hindi sila basta basta nag a.admit ng 2cm kasi 6cm pataas inaadmit nila. Edi umuwi kami ng partner ko sa bahay. Iniisip ko baka matagal pa to. Habang naglalakad pasakit na siya ng pasakit kaya nagmamadali na kaming umuwi para makapag pahinga. Sabi ko punta kami ng SM ng hapon para makapaglakad lakad para matagtag kasi yun advice magpatagtag daw muna ako. Pagka uwi namin sa bahay, nag squat ako for 5 mins. Balak ko sana ng 30mins kaso di na kaya yung ngalay. At dun ko na naramdaman ang totoong paglalabor. After kung mag squat sumakit na siya ng sobra na hindi ko na halos alam kung ano gagawin ko sa sobrang sakit. Palala ng palala na yung pain. Pero hindi pa din ako nagpadala sa ER kasi wala pa namang discharge baka pauwiin lang kami ulit. Pero nung bandang alas singko ng hapon may naramdaman akong parang may lumabas. Pagka punta ko ng cr may dugo na sa panty ko. Takbo na agad kami sa ER. Pagkadating ng ER hindi pa kami inasikaso kaagad kasi may inuuna pa sila( lam niyo naman pag public hos di talaga kayo aasikasuhin agad). Mamimilipit na ako sa sobrang sakit wala pa ding umaasikaso hanggang sa napansin ako kasi cguro nakita nila kung papano ko hawakan ng mahigpit yung partner ko. Edi pinahiga na ako agad pagka E.I sakin 8cm na ako, dali dali silang nag asikaso sakin kasi malapit na akong mag 10cm. Pero isang oras mahigit pa ang lumipas bago ako na akyat ng Delivery Room. Nagagalit na yung mga nurse sa ER sa akin kasi iniire ko na kada hilab, ei bawal pa daw kasi baka mapaanak ako dun hindi safe for baby. Kaso diko talaga mapigilan na hindi i ire kada hilab. Ire lang ako ng ire kada hilab habang dinadala ako sa Delivery Room. Pagkadating dun pinaligo ako agad. Pagkahiga ko sa higaan para i check HB ni baby, nakita ng nurse na crowning na ako kaya dali dali silang inilipat ako sa table. Hindi pa ako nakapwesto sa higaan umiire na ako kasi gustong gusto na ata ni baby talaga lumabas. After ng tatlong malakas na pag ire lumabas agad si baby ko. 7pm kami dinala ng Delivery Room, 7:56pm ko nailabas si baby. Ganun nalang kadali kasi kada hilab ire ginagawa ko imbes na huminga ng malalim 😅 Ang daming bumilib sakin bat daw ganun lang ako kabilis nanganak. Hindi ko din alam kung bakit basta ang goal ko is mailabas si baby ng ligtas kasi gusto gusto ko na siyang makita at mahawakan. Hindi ko ma imagine na mkakaya ko yung sakit nung mga time na yun. At sobrang thankful din ako sa partner ko kasi hindi niya ako pinabayaan at laging pinapalakas yung loob ko habang naglalabor ako. At ngayon ako ay nakaraos na din sa wakas 😄😄😄😄. Sobrang worth it ng pain 😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍.

Magbasa pa