Share Your LABOR Stories Mga Mamsh?

First time mom here! Gusto ko lang malaman ibat ibang stories nyo momies. Please share babasahin ko yan ?

68 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

3rd baby pero yun yung hardest giving birth experience ko. . Never ko naexperience yung ganung pain sa 1st and 2nd ko. December 18 mga 5 to 6pm, habang kausap ko fil ko, parang bigla ako naihi na di ko maintindihan. NagCr ako tapos pagwiwi ko, may dugo na. Tinawagan ko yung asawa ko na pauwi palang from work at sinabi kong manganganak na ko. Nainis pa ko nun kase pinapunta nya pa yung kaibigan para ihatid na daw ako sa lying in, eh kase daw baka manganak na ko bigla (mabilis lang kase ako manganak sa 1st at 2nd kids ko). Inantay ko sya nun. That time di pa ganun kasakit para may dysmenorrhea lang. Mataas pain tolerance ko sa ganun kase lagi ako may dysmenorrhea pag may mens. Pag dating ng asawa ko pumunta na kami ng lying in. Pag dating namin, pinapauwi pa ko kase 3cm palang daw. 5cm daw ang inaadmit nila. Paglabas namin dun na ko nakaramdam ng matinding sakit, as in para akong hihimatayin sa sakit. Umuwi kami naligo ako tapos ang dalas na ng contractions ko. Sabi ko sa asawa ko lipat kami sa ibang lying in. Pag dating namin, pinagcr ako.. pagcr ko napansin ko yung ihi ko ang lakas at dami saka madami ng dugo. Nung i IE ako, sabi 3 cm pa din huhu. Balik daw ako sa unang lying in dahil andun na yung record ko at lab, di daw kase pwede na wala akong lab result kailngan nila para malaman anong gamot ang ibibigay. So umuwi ulit kami, at mas lalong sumakit, umiiyak na ko di ko na kaya, sinabihan ko na asawa ko na dalhin na ko sa private hospital dahil di ko na talaga kaya. Around 8 or 9pm bumalik kami sa unang lying in na pinuntahan namin, tapos sabi ko di ko na talaga kaya di ko na kaya lumakad. Naawa sakin si kuyang nurse inadmit na ko.. pero di pa ko inaakyat sa labor room. Andami pang assesment, at dahil di ako nagpacheck up kahit once doon, pinagawa pa nila ako ng waiver, umuungol ako sa sakit habang nagsusulat tapos sinita ako ng babaeng nurse ang ingay ko daw magagalit sila dra. Bawal daw maingay pag umakyat na. Imagine pagumgol nalang yung nakakapagparelief bawal pa. Lol Dinala na ko labor room 5cm palang daw.. sabi ng isang nurse iere ko lang daw.. gusto ko dec19 manganak pero di ko na talaga kaya yung sakit kaya kinakausap ko si baby na lumabas na sya.. Mayamaya pagtingin sakin crowning na.. dinala na ko sa delivery room at wala pang 5mins nanganak na ko sobrang ginhawa ko nun dahil more than 5 hours ang labor ko. At 1050 lymabas ang aming unico hijo. 5 hours lang ako naglabor ng matindi feeling ko mamamatay nako.. saludo ako sa mga nanay na inaabot mg more than 5 hours to days of labor. **hugs*** At eto na ang hunga ng matinding labor ko.

Magbasa pa
Post reply image