Share Your LABOR Stories Mga Mamsh?

First time mom here! Gusto ko lang malaman ibat ibang stories nyo momies. Please share babasahin ko yan ?

68 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nov 7, 2015 normal checkup day lang talaga. Tapos pag check ng bp ko mejo mataas 130/90, sunod naman heartbeat ni baby bumaba rin so inultrasound ako ni ob. Pagka check sa baby ko ang konti ng amniotic fluid kaya ni rush ako sa hospital para ma induce na. As in sa sobrang biglaan wala kaming dalang gamit na kahit ano kasi diko akalain na paaanakin nako. Nag start ako i-induce ng 8pm. Parang wala lang, sanay kasi ako sa braxton kaya hindi ako masyado nasaktan. Umabot na ng 12am 2cm lang ako tapos yung nurse na nagbabantay sakin tinulugan ako. Kailangan nya ako imonotor kasi baka umakyat bp ko pero tinulugan ako ng nurse. Sa inis ko sinipa ko sya tapos nagkunwari ako na namimilipit at natamaan ko sya para lang magising si gaga. Umabot ng 5am, wala akong tulog at kaen kahit tubig wala sobrang tuyot nako sa pagod. Pero lalo akong na stress kasi yung mga kasabayan ko mag labor na mas matatanda sakin sobrang ingay, rinig na rinig yung mga sigawan. Mataas kasi ang pain tolerance ko kaya parang nag didisminoriya lang ako ng grabe, pero sobrang nakakapagod talaga. Nov8,2015, 10am. 2cm parin at bumaba na ng sobra yung heartbeat ni baby kaya nag decide yung ob ko na cs ako. Sobrang prepared nako nung time na yun kasi gusto kona talaga mailabas si baby, baka kasi magjaron pa ng ibang complications. 11:30am baby's out. Ni wala akong maalala kung paano binuka yung tyan ko, kahit yung epidural hindi kona naramdaman. Nagising na lang ako nangangatog ako tapos inaantay yung asawa ko para mailipat ako ng room. Nung pinakita na sakin si baby naiyak ako. Sobrang nagaalala kasi ako sa kanya at 37weeks lang sya that time. Akala ko need pa ng incubator, pero ok na ok sya. Malakas yung lungs and heart nya. Now mag 4yo na sya sa nov8 and magkakaron na sya ng kapatid next year. Super excited nako ulit magkaron ng sanggol. Yung kakawag kawag lang sa kama at nabubuhat. Hehe masarap sa feeling maging isang ina. Godbless sating lahat. ❀😊

Magbasa pa
6y ago

Yes mamsh full term na. Kaso sa ultrasound kasi sobrang liit nya 2kg lang kaya mejo nagalala ako, sabi kasi ng nurse need ng incubator. Buti malakas sya. 😁