Share Your LABOR Stories Mga Mamsh?
First time mom here! Gusto ko lang malaman ibat ibang stories nyo momies. Please share babasahin ko yan ?
8hrs of labor, pero nauwi dn sa emergency cs, we didnt expect na mauuwi sa cs kasi lahat nman ng results normal cephalic ako sa mga ultrasounds.. palagi dn ako naglalakad lakad since my work ako.. at nag excercise dn ako ng pang preggy for normal delivery.. na.admit ako sa hospital kasi 4cm na ako at sobrang lambot na ung cervix ko.. pagdatng sa hospital bngyan nila ako ng pangpa.hilab sa tyan.. at mga gamot pra mas lalong mag open ung cervix ko.. around 7pm pumutok na panubigan ko at 7cm na dn ako.. kaya lang everytime na umiire ako bumaba ung heart beat ni baby.. my ob says bka my coil cord.. then binigyan nia ako ng oras sabi nia kpag 9.30 d pa nalabas c baby ng normal cs na ako.. So i tried na umire at ipush c baby pro d nmin mgawa dhil lalong bumaba ang heart beat ni baby.. until nag 9.30pm na.. so my ob decided na kelangan na ako i.cs.. my husband and I agree (andun c hubby sa labor room) sabi ko kay ob do it, ang importante skn safe c baby, since emergency cs cia i waited for an hour pra ma.operahan dhil that time walang available na anthologies at pedia.. around 10.50 pm dnala n ako sa operating room .. and by 11:05pm lumabas na c baby.. gcng ako hbng inooperahan.. d ko nmn ramdam dhil sa anesthesia .. pro narrinig ko nmn sila na nag uusap usap.. thank God nakaraos dn .. The reason kng bkit aki na emergency cs at kng bkit nababa and heart beat ni baby is because mali ung position ni baby.. nka tinghala at nka harap kasi sia, hindi nka tagilid.. Tpos kpag nakkta ako ng ibng tao, magttanung kng normal ba or cs.. kpag sinasagot ko na emergency cs.. they will say something agad without asking bkit na.cs.. cnabi ko n nga na emergency, so it means na hindi ko dn kagustuhan na ma.cs .. wala akong choice.. kya need ma.cs dhil mhrap na kng ppilitin kong i.normal c baby.. I'd rather choose na ma.operahan kesa my mangyari sa baby ko..
Magbasa pa35weeks yung tyan ko nun naka bed rest ako for almost 2months na. Morning wala lang. Pagkatangahali bandang 1pm nag crave ako ng egg sandwhich..hindi ako nag lunch dahil wala ako gana yung sandwich lang talga, naka 5 sandwich ata ako...after ko kumaen nakatulog ako pag gising ko ang bigat bigat ng tyan ko pero parang norml lang sakin kase mabigat naman na tlaga tyan ko so nag wiwi ako btw 31weeks nag pre term ako naagapan lang since nun palagi na basa panty ko at may onti lumalabas na slimmy sakin...so pag wiwi ko ganun padin ma slimmy padin,lumabas ako kwarto dahil gusto ko maligo..around 4pm na yun....bago ako makapasok sa cr naramdaman ko may gumagapang na tubig sa hita ko...omg! Onti onti na tumatagas panubigan ko...thank God nasa bahay ang parents ko (mag isa lang talga kase ako palagi nasa trabaho asawa ko) tinawagan namin agad asawa ko...walang pain ako narardaman kundi yung pagtagas ng tubig lang talaga nafefeel ko....along the way parang dumadami yung pagtagas.. buti nlng 25mns lang nasa hosp nako...nung pag ie sakin my gosh 6cm na pala ako hahaha wala talgang pain....habang iniinterview ako kase ma eemergency cs ako si baby breech position 35weeks and 5days ako nun....so ayun na nga bago ako dalhin sa OR nilalabasan nako ng dugo at feel na feel ko yun but still no pain...wala naman nilagay sakin kundi dextrose,antibiotics and shot ako sa arm ng steroids for my baby's lungs....and after ilang oras 10:08pm may 18,2019 baby boy was out! Hndi binigay sakin dahil hindi umiyak agad. Wala kame unang yakap and husband ko una nakakita sa kanya nung nilabas papuntang nicu si baby....2days after ko pa nakita baby ko and we are exclusive breastfeeding since maitabi sya sakin....1st milk nya galing sa ibang mommies kaya super thankful ako sa mga nad donate. Now 5months na ang pcos baby ko😉
Magbasa paim 38 weeks nung nanganak ako at 8 hours ako nag labor.. mga oct. 30 yon nagising ako sobrang sakit ng tyan ko pero nawala den so naisip ko baka malapit nako manganak then sinabi ko sa parents ko sabi pumwesto na daw yon tas todo excersice ako nag bubunot ako sa bahay nag lalakad ng mahigit 1 hour na may kasamang squat nag eexcersice den ako tuwing umaga ng pampa active ng labor pero pinatigil ako ng mama ko kase kasagsagan ng bagyo yon baka daw mapaanak ako bigla edi di muna ako nag gagagalaw kumain nalang ako ng kumain ng hinog na papaya atsaka pinya kase nakakatulong den daw yon pampa lambot ng cervix tas kinagabihan ng nov. 1 nag sex kami ng husband ko which is nakatulong sa pag active ng labor ko.. then nov. 2 okay na panahon balik ako sa pag eexcersice ko tuwing umaga tas mga 10am lakad ng one hour na may kasamang squat tas naisipan ko ng gabi na mag lakad uli na may kasamang squat mahigit isang oras din yon tas pag tapos ko non nakaramdam ako ng pananakit ng balakang diko pinansin muna yon kase lagi ko naman nararamdaman yon kala ko normal lang. bandang 1 am nagising ako ansakit ng balakang at puson ko sobra tas parang may gusto lumabas sa pwerta ko kaya tumayo ako kase pupunta dapat ako ng c.r pag tayo ko umagos na yung panubigan ko kaya ayon nag linis nako katawan naghanda na tsaka ko ginising mama ko. bandang 2am dun na kami sa ospital inie ako 4 cm pa daw ako kaya inadmit nako tas minonitor na nila contractions ko tsaka heart beat ni baby tas habang tumatagal pasakit na ng pasakit bandang 8 am inie uli ako tas ayun 8-9 cm nako dinala nako sa delivery room mahigit isang oras den ako nag antay sa doctora pinipigilan nila ako na wag muna ilabas kaya ayon bandang 9am nandon na si doc. tas iniri kona pag dating palang ng doctora then 9:02 am baby is out. 😊
Magbasa paNovember 3 2016 sa bunso ko ,umihi ako ng madaling araw mga 1 am,sakit na ng puson ko nun ,sya nga pala due date ko is October 30,nung umihi ako may lumabas na parang sipon ,mucus plug yun ,tas may kasama ng dugo ,ayun taranta ako nag pa dala ako agad sa hospital,nung nasa hospital na ako ,chineck up ako ,tas ie ,ayun pina uwi ako ,sabi balik na lang daw kasi 2 cm pa lang daw ,at ang taas ng BP ko 130/100 ,tinurukan ako ng pam pababa ng bp,tas uwi na ,nung mga 3 am na ,hindi na ako maka tulog sobrang sakit na ng tyan ko labor na,tas medyo madami na rin yung dugong nalabas sakin,nung di ko na kaya ,nanginginig at umiiyak na ako sa sakit ,nag pa dala na ako sa hospital ,bihis agad ako ng dress ,nag palit ng undies ,iyak iyak na ako sa sobrang sakit,nung nasa hospital na ako ie wala 2cm pa lang ,dextrose na ,tas nasa labor room ako grabe yung sakit ,para na akong mamamatay yung bp ko hindi man bumaba,hindi daw maganda yun baka ma cs ako at 40 weeks na si baby,daSal lang ako ng dasal,na sana maka raos na ako ,ang tagal sabi ko hindi ko na kaya ,nag padala na ako sa loob kung nanganganak ,ayun ire ako ng ire napa galitan pa ako ,kasi hintayin ko daw na humilab bago ire ,ayun iba daw lumalabas sakin may kasamang poop na ,yung baby ko daw nag poop na kaya bilisan ko daw ang pag ire ,ayun halo halo na sakit hirap iyak ,pang hihina wala pang kain ni tubig,lumabas sya ng 9:45 am..
Magbasa pa16hrs of labor yung sakin. Feb.26 ng 11pm pumutok yung panubigan ko, wala pa akong nafifeel na pain that time pero deretso na kami sa emergency room, after an hour nasa labor room nako, I thought manganganak nako, nakangiti pako na nagwave sa asawa ko kasi di sya pwede sa loob, starter lang pala yun, kasi ng 3am don nako nakafeel ng contractions, yung iiyak ka sa sakit talaga at matagal mag open yung cervix ko, 1cm sya hanggang 9am, ang ginawa ko umiire ako pag humihilab tyan ko sabay non yung paghikbi syempre. Nakakainis pa nun kasi di ako makatayo, tatawag pako ng nurse pag maiihi ako at may isasampa sa pwetan ko. It was never easy, talagang feeling ko mamamatay nako sa sobrang sakit, binibigay ko yung lahat sa pag ire pag hihilab tyan ko para bumaba si baby at magopen cervix ako, syemprw worried nako kasi baka ma cs pako, 3pm don na nagprogress yung cervix ko, buti at matyaga naghintay saken yung mga nurses at hindi cs agad agad, by 5pm nag 9cm nako, tas next hilab dinala nako sa delivery room. Ang sarap lang sa feeling nung dinaganan ako kasi sobrang relief lang naramdaman ko ng paglabas ni baby, saka nawala lahat ng pagod at sakit ko ng makita ko sya. 😍 Talagang mapapa wow ka sa baby mo. Pero grabeng sakit din yung pagtahi sakin, may anesthesia daw pero potek na yan napapasigaw ako sa sakit talaga nun. But everything is worth it. ❤️
Magbasa paMas memorable ang experience ko sa 2nd child ko compare sa 1st ko. Aug. 6,2019 schedule ng checkup ko. Due date ko is Aug. 27 pa. Normal lang pkiramdam ko ksama ko anak kong panganay. Kaso nung in-ie ako 5-6cm na pala ako, ayaw nako pauwiin ng ob ko gusto na nya kong ipa-admit kaso nag resist ako na need ko umuwi muna, bigla akong natense naglalabor na pala ko ng diko nraramdaman. So pagbalik namin ng hapon wala padin ako nrramdaman. Hanggang sa sumasakit na gradually. Simula 8pm nasa delivery room nako, kinakausap ako ng MW kaso deadma ko na sya namimilipit nako sa sakit. Nagpaturo pako pano umiri (parang jejebs lang pala ganoin 😅) sobrang sakit diko alam san ako kakapit diko alam pano pilipit gagawin ko, 1hr mahigit pala kong ganon hanggang sa lumabas na baby ko. Ramdam ko lahat ng sakit, pagputok ng panubigan, paglabas ni baby hanggang sa inunan pati pagtahi ni doc. Hanggang sa nakatulog nako, pag gising ko sobra hilo ako yun pala muntik nako itakbo sa hospital dahil sa sobrang bleeding. Pero thank God hindi nya kami pinabayaan ni baby. Tunay na nasa hukay ang isang paa ng babaeng manganganak. Pero pawi lahat ng hirap at sakit once na makita mo na baby mo 👶😇
Magbasa paI was on bed rest the whole pregnancy journey due to incompetent cervix. Inserting vaginal progesterone 2x a day until 36weeks.. On may 24 6pm.. I started to feel weird sensation that comes every 5mins.. Hindi ko alam if labor na yun so di ko pa pinapansin until 10pm na feel ko na parang na popoo ako.. Nag try ako mag poop pero walang lumalabas. Pag tayo ko sa bowl may blood na lumabas sakin na parang buo ( bloody show and mucus plug ata yun) by that time pag nag cocontract ako iba na yung sakit.. So i decided na pumunta na ng hospital. 10:30pm admitted na ko i was 5cm already.. Super sakit. Umabot ako sa puntong i was begging for epidural na. After injecting me epidural chill na lang. Ang sarap sa pakiramdam wala ka ng maramdaman pati ie wala na.. Naka 5 pushes lang ako lumabas na si baby pero 2nd degree ang tahi ko sa pempem because he was cord coil pala. Kaya pala bumaba ang heartbeat nya pero buti na lang mabilis din pag dilate ng cervix ko kaya nakaya pa inormal.. Thanks to my Ob. At 1:30am Eoin Alexander was born. He was turning 5 months this friday.
Magbasa pa10 hours labor. Every 5-10 minutes contractions ko kaya nag punta nko sa hospital. Pagdating ko dun ng 3pm, 3cm na pala ko. So inadmit nako sa labor room tas ininject nako pampahilab. Pero 1st 5 hours ko sa labor room 1cm lang nadagdag. Kaya tinaasan ng OB ko ung dosage ng pmpahilab. Nung 4cm ako tinanong ako if mag painless ako, sbe ko hndi kasi tolerable ko pa ung pain and gsto ko sana natural lang. Anak ng tokwa maya maya paikot ikot nako sa kama, pag Ie sakin 7cm nako sobrang sakit na para kong may dysmenorrhea na malala. Sbe ko turukan na ko epidural. Kaso ung anesthesiologist nakauwi na taga QC sya sa manila med ako nanganak 😭 so hinantay ko pa sya bago ako naturukan. Pagdating nya sa hospital 9cm na ko pero still sbe ko turukan na ko ksi dko na talaga kaya mga mamsh hahaha ayun after ako turukan nawala na ung pain ko. Naging groggy feeling, tas bgla nalang nila ko pinaire every time tumutunog ung pang track ng contractions ko para pumutok panubigan. After 5 ire, tinakbo na ko sa delivery room. 12:10 un tapos 12:55 lumabas na baby ko 😅
Magbasa paFeb 13 nag spotting ako nag pa ie ako sabi sarado pa daw cervix ko, nakaramdam na ko nun na sumasakit balakan ko, tpos feb 14 hindi na ko nakatulog ng gabi den lumakas na din dugo feb 15 nag 1cm ako gusto ng ob cs pero di ako pumayag, kaya injectionan ako ng pang pahilab, feb 15 ng 6pm pa tindi na ng patindi sakit 7:30 pm pinasok ako sa delivery room 8cm na ko nun wala pa yung doctor ko at wala akong ksma dun, hagang sa nakaramdam ko na parang gusto ko na umire, ilang beses ko pinigil yun dahil wala pa yun doctor natatakot ako baka anung manghari sa baby ko, may time na di ko na mapigilan kay umiire na ko, tpos dumating yung doctor sabi sakin ire lang daw kasi nakalabas na ulo, inis pa ko sa nurse na nag tatanong kung kaylan ako nag ka uti, painless ako pero naramdaman ko yung pag dagan sa sikmura ko 7,:58 lumabad na baby ko, kaso nakakain daw ng dumi dahil overdue, sa ob ko sa manila feb,14, at sa ultrasound yun duedate ko pero pag uwi ko ng province feb 10 sinabi nilang due date ko, ayoko lang tlga ma cs pero awa ng dyos naging ok na baby ko
Magbasa paMatagal tagal ding lumabas si baby, congrats po
12nn Sept. 14, sat. Habang nakahiga nakarmdam ako ng hilab saglit lng kaya medyo nd ko pinansin, pero nung nakadalawa tatlo na hilab at ung gap nya ee paiksi ng paiksi at pasakit na ng pasakit then ng umihi ako may discharge ng dugo kaya naman tinwag ko aswa ko pinaayos ko na mga dadalhin namen at tumwag na ako sa doc. Ko pero dahil gutom na ako kumain muna ako mga 2:30pm nakaalis na kami sa sasakyan pa lng sumasakit na sya ng todo lalo na kapg may humps na madadaanan. Pagdating sa lying-in na IE ako 8cm na sya kaya sinalpakan ako ng primrose kasi sa upper lip medyo makapal pa at ung panubigan hindi pa pumuputok 4pm wala pa rn pero 10cm na ako kaya ginwa ni doc. Pinutok na ung panubigan ko and exact. 4:30pm lumabas na si lo ko. Hindi na rn ako nagpatahi kasi maliit lng ung sugat ko. Yun nga lang ung first 4day ng baby ko hindi sya saken nadede sa kapatid ng asawa ko wala pa kasi ako nung gatas. Buti na lng talaga pure bf ung kapatid ng aswa ko kahit one yr. Old na ung anak nya.
Magbasa pa
Dreaming of becoming a parent