Okay lang ba na disiplinahin ang anak sa public?

Moms, dads, okay lang ba na disiplinahin ang anak sa public? Comment your thoughts and kwentos!

Okay lang ba na disiplinahin ang anak sa public?
27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sa aming mag-asawa, kapag nasa public places, humahanap kami ng paraan na madisiplina pa rin sila. Like dadalhin namin sila sa tago na lugar na walang taong makakapansin. Kakausapin sila at sasabihing di kami natutuwa. Kung pwedeng kurutin nang patago basta nasa tamang age. Ipapakita namin sa mukha namin na nagagalit kami. Di namin pwede palampasin ang chance na madisiplina sila yun kase ang best time kapag nasa mismong sitwasyon na. Mas na-aabsorb nila ang discipline kapag fresh pa sa isip nila ang ginawa nila, unlike sa palilipasin mo medyo hindi na ganun ka effective. Kase pag ganun, pwede na makaligtaan mo na or palipasin mo nalang kase marami nang nangyari. Minsan kase sinasamantala nila kapag maraming tao doon sila nagkukulet. Pero kung firm tayo kahit sa anumang sitwasyon yun ang tatatak sa isip nila. Worth naman kase mga anak namin lumaking di makulet at papansin. Madali silang dalhin kahit saan. Marunong sila lumugar. Gusto sila ng mga tao kase di sila maligalig kahit nasa ibang lugar.

Magbasa pa
VIP Member

wala pa ako sa phase na to pero as much as possible, pagdating ng panahon, ayaw ko sana. mawawala confidence ng anak ko and I want to lead by example by respecting my son para ganoon din ang gawin nya hindi lang sa akin, pati na rin sa ibang tao. I'm speaking from experience dahil lumaki ako sa palo at sigaw ng nanay ko hehe.

Magbasa pa
TapFluencer

ok lng nmn mag desiplina sa Bata kahit nasa public pero , huwag molng sigawan, na hndi man mapahiya Ang bata, kausapin at pagsabihan, depende sa setwasyon, Kong Sino Ang may Mali, at Kong sya man Ang may Mali, turuan na mag hingi Ng sorry sa nagawan nya Ng kasalanan

Di ko pa na experience pero kung ako No. Kasi parang pamamahiya na din yun lalo na kung pasigaw tsaka yung palihim na palo πŸ˜… tsaka pwede naman siguro madala sa tingin at warning. Sa bahay ko nalang papagalitan syempre di dapat itolerate kapag may nagawang mali

VIP Member

No. It will lower their self esteem. And nung bata ako ayaw na ayaw ko din napapagalitan infront of other people kaya di ko ginagawa sa anak ko. Alam na ng anak ko pag tinitigan ko sya, sa bahay pa lang nireremind ko na sya sa dapat at di dapat nya gawin.

VIP Member

No, ayaw ko maranasan ng anak ko ang pagsabihan o napapahiya sa harapan ng mga tao naexperience ko kasi ang ganito.😒 Ang gagawin ko sa loob nalang ng aming bahay dun ko siya pagsasabihan.

sa akin kung malaki na ang bata at nakaka intindi na nakakahiya nman na pangaralan mo sya sa public kc magkakaroon ng takot ang bata,pero kung maliit pa nman kausapin mo lng ng mahinahon

Hindi po mas maganda sa loob ng bahay desisplinahin ang bata ayaw ko matulad mga anak ko sakin na pinapalo ako ng mama ko dati sa maraming tao pinapahiya sinasampal heheπŸ˜ŠπŸ˜…πŸ˜”

kung sasawayin lang naman, okay lang para maremind siya na may limitations pa rin kahit nasa labas kayo. Pero no no ako sa paninigaw at pamamahiya lalo in public.

no,dpat pag nagdisiplina sa loob ng bhay pangit kc sa public dming mga tsismosa at makikisawsaw. yun ang stand ko about jan . . first time mom here