stress at lungkot

Ang sakit pala sa pakiramdam yung akala mo mahal na mahal ka ng asawa mo at akala mo loyal sayo. Yun pala malalaman mo or matutuklasan mo na interesado pala siya sa ibang babae. Ang sakit lang. Lalo na ngayon buntis ako at malapit na ko manganak. ? kasama ko siya ngayon pero di ko na inoopen up ayoko na magaway kami at magkagulo maapektuhan pa baby ko. I hope sana naman may magcomment mapagaan man lang kahit papaano loob ko :'(

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, sad to say... hindi mo na yan makakalimutan, hindi ka magiging over sa issue na yan. Ako, nalaman ko din, buntis ako baby#1. Nagalit ako ng bongga. Ang ginawa ko after sumabog ng galit ko, nagpunta ko sa simbahan at don nagpakalma. Siya lang ang naging BF ko, almost 10yrs kami bago nagpakasal. Hanggang ngayon, di ko na makalimutan yung ginawa niya/nila. Lalo akong nagka-trust issue/s. Hanggang ngayon, galit pa din ako, ang utak ko. Wala akong tiwala aa kanya, nakahanda akong iwan niya. Nawalan ako ng gana sa kanya, nawalan ako ng gana magplano ng buhay namin. Hindi ko sinabing pareho tayo ng magiging experience o mararamdaman. Pero hindi magiging madali para sayo na magtiwala at magmahal ng puro. Tandaan mo lang na nasayo lahat ang karapatan at choice/s. Choice mo kung magsstay ka, kung mamahalin mo pa"

Magbasa pa

I feel you. Naranasan ko na rin yan na akala mo okay kayo mag asawa na ang saya saya nyo magkasama sa iisang bahay.. Preggy ako nun sa 2nd baby namin siguro mga nasa 5 weeks pa lang tyan ko nun ng malaman kong may ginagawa syang kalokohan.. Ang sakit lang na habang ang himbing ng tulog ko tapis sya nakikipag chat sa babae kaya pala minsan wala sa tabi ko.. So ang ginawa ko yung babae ang kinausap ko na tigilan na nya ang asawa ko dahil baka makunan ako sa ginagawa nilang kalandian. Never ko na din makakalimutan ginawa ng asawa ko na kahit okay na kami ngayon minsan talaga pumapasok na lang sa isip ko yung ginawa nya kasi ang sakit sakit. Simula nangyare yun bumaba tingin ko sa sarili ko na parang hindi pa ba ako sapat.. Goodluck sayo mami kaya mo yan i hope maging okay na kayo ni hubby mo.

Magbasa pa

Halos pareho lang tayo nang sitwasyon now sis.ang pagkakaiba lang ay walang iba ang asawa ko.pero sinabi niya na hindi na niya ako mahal.dito lang siya para sa mga anak namin.at sabi niya hindi rin siya mag cheat sakin.almost 1 year na rin nung sinabi niya na d na niya ako mahal.at magdadalawa na baby namin now.manganganak na ko this sept.ang masasabi ko lang base sa experience ko now na d na ko mahal nang asawa ko pero nag stay parin siya at nakikisama nang maayos sakin.isipin mo nalang yung baby niyo.pero kung ako lang sau may iba na siya kaya mas mabuti na palayain mo nalang siya at ang sarili mo kasi sobrang sakit nung nagsasama kayo pero iba mahal niya.💔💔

Magbasa pa
4y ago

💔💔 sobrang sakit ng sitwasyon natin sis.gang ngayon magkasama parin kami pero ang nasa isip ko lagi hangang kailan kaya?pag nasa labas kami parang normal couple lang kami na masaya.kahit pamilya ko wala alam.wala ako masabihan kaya sobrang hirap sitwasyon ko now.sinasarili ko nalang kasi mahal ko baby ko.😭

Alam mo sis, masakit talaga yan. Ako nga sis, kahit alam ko mahal ako ng asawa ko mas gusto ng pamilya nya ung ex nya, may time bumibisita sa kanila ung ex ng asawa ko, ipopost pa nila sa fb yan tapos may magcocomment na sana ikaw nalang.. Tag pa nila yan, kahit nakablocked na ung ex sa account ng asawa ko feel ko parin ang sakit. Iniisip ko nalang who cares? Basta sakin ang asawa ko. Kaso natatakot ako baka masulsulan lang asawa ko, TRUST lang talaga sis ang need natin at PATIENCE for our kids pero kung din keri, siguro time na mahalin din natin sarili natin. Make sure lang natin sis, kasi minsan nauunahan lang tayo ng hinala o kutob. 🙂

Magbasa pa
5y ago

Grabe naman ung family ng husband mo. Wlang respeto sayo. Nakakasad.

True sis. Napagdaanan ko din yan preggy din ako nung nalaman ko. Tapos akala ko natapos na yung gawain nya na ganon pero lately nalaman ko na kinakausap parin nya yung babae. Nako! Nakakapanggigil sis. Pero syempre.ang iisipin mo jan ay si baby. Kaya kahit nasaktan k at galit na galit ka na sakanya, Pakikisamahan mo ulit sya ng maayos. Kasi mahirap din pag lumalaki ang bata na di ok ang parents 😔😔 Mahirap sis magkimkim lalo pag preggy ka di rin makakabuti kay baby kasi magiisip ka ng magiisip at sasama lang loob mo lalo. Ok lang na magopen ka sakanya at magusap kayo ng maayos.

Magbasa pa

*hugs* alam ko feeling na yan tho di sa husband ko pero sa mga exes ko before. Masakit po. Pero alam mo po, mas mahirap na kinikimkim mo yan. Kahit sabihin mo na ayaw mo maapektuhan si baby, maapektuhan sya kasi nafifeel nya kung ano nafifeel mo. Open up mo po yan sa husband mo. If magalit sya, then so be it. At least nailabas mo po yung nararamdaman mo. Siguro if kakausapin mo naman sya nang mahinahon, di naman magkakagulo. I suggest na confront mo sya and sabihin mo sa kanya nafifeel mo kapag kalmado ka na. Yung di ka magtataas ng boses.

Magbasa pa
VIP Member

You need to be strong mami for your baby. Masakit talaga isipin kung bakit may mga taong hindi marunong makuntento. If I were you, confront him, baka lalo pang lumala but still try to control your emotion or temper para kay baby kung kakausapin mo siya, kung kaya pa naman ayusin give it a try pero kung hindi na, let go. Huwag ka magpakamartir sa ngalan ng pag-ibig, dahil ikaw ang matatalo kapag ginawa mo yun. Walang perfect na relationship at lahat dumadaan sa pagsubok. Laban mamsh dika nag-iisa. Pray also magiging okay din ang lahat. 🤗

Magbasa pa

Hi Mommy, be strong po. Mas maganda din na pagusapan nyo, kausapin mo din sya ng mahinahon na kamo alam mo na may babae sya. Tanungin mo lahat ng gusto mong tanungin kasi deserve natin masagot yung mga tanong natin. Mahirap kasi kimkimin pag sumabog ka baka madamay pa si baby. Kung hindi mo kaya komprontahin, yung girl nalang kausapin mo o kaya pagpray mo nalang sila parehas lalo na yung partner mo na sana magising sya sa mga ginagawa nya. Godbless you both ni baby!

Magbasa pa

Parehas po tayo ng nararamdaman ang kaibahan lang hindi ko sya asawa boyfriend ko lang sya pero kasi sya ang una ko sa lahat ehhh that's why it is really hard for me to let go of him even though that our relationship is not like before than the usual i admit that I made some few mistakes but I never cheated on him, it is so painful to me to know that he's kinda interested to other girls 😔😢😢

Magbasa pa

Masakit and mhirap yan mamsh. Pray ka lang kay god and be thankful. Hayaan mo ung baby mo yan ang magmamahal sayo ng unconditional. Ika nga nila ang asawa napapalitan yan. Im not saying na maghanap ka din ng iba just be strong for yourself. Sana hindi ka mag self esteem kasi hindi mo kasalanan kung bakit sya naghanap ng iba. Choice nya un as tao. Godbless mamsh.

Magbasa pa