stress at lungkot

Ang sakit pala sa pakiramdam yung akala mo mahal na mahal ka ng asawa mo at akala mo loyal sayo. Yun pala malalaman mo or matutuklasan mo na interesado pala siya sa ibang babae. Ang sakit lang. Lalo na ngayon buntis ako at malapit na ko manganak. ? kasama ko siya ngayon pero di ko na inoopen up ayoko na magaway kami at magkagulo maapektuhan pa baby ko. I hope sana naman may magcomment mapagaan man lang kahit papaano loob ko :'(

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel you. Naranasan ko na rin yan na akala mo okay kayo mag asawa na ang saya saya nyo magkasama sa iisang bahay.. Preggy ako nun sa 2nd baby namin siguro mga nasa 5 weeks pa lang tyan ko nun ng malaman kong may ginagawa syang kalokohan.. Ang sakit lang na habang ang himbing ng tulog ko tapis sya nakikipag chat sa babae kaya pala minsan wala sa tabi ko.. So ang ginawa ko yung babae ang kinausap ko na tigilan na nya ang asawa ko dahil baka makunan ako sa ginagawa nilang kalandian. Never ko na din makakalimutan ginawa ng asawa ko na kahit okay na kami ngayon minsan talaga pumapasok na lang sa isip ko yung ginawa nya kasi ang sakit sakit. Simula nangyare yun bumaba tingin ko sa sarili ko na parang hindi pa ba ako sapat.. Goodluck sayo mami kaya mo yan i hope maging okay na kayo ni hubby mo.

Magbasa pa