stress at lungkot

Ang sakit pala sa pakiramdam yung akala mo mahal na mahal ka ng asawa mo at akala mo loyal sayo. Yun pala malalaman mo or matutuklasan mo na interesado pala siya sa ibang babae. Ang sakit lang. Lalo na ngayon buntis ako at malapit na ko manganak. ? kasama ko siya ngayon pero di ko na inoopen up ayoko na magaway kami at magkagulo maapektuhan pa baby ko. I hope sana naman may magcomment mapagaan man lang kahit papaano loob ko :'(

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

*hugs* alam ko feeling na yan tho di sa husband ko pero sa mga exes ko before. Masakit po. Pero alam mo po, mas mahirap na kinikimkim mo yan. Kahit sabihin mo na ayaw mo maapektuhan si baby, maapektuhan sya kasi nafifeel nya kung ano nafifeel mo. Open up mo po yan sa husband mo. If magalit sya, then so be it. At least nailabas mo po yung nararamdaman mo. Siguro if kakausapin mo naman sya nang mahinahon, di naman magkakagulo. I suggest na confront mo sya and sabihin mo sa kanya nafifeel mo kapag kalmado ka na. Yung di ka magtataas ng boses.

Magbasa pa