Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mommy
Ilamg After giving birth
Hello mga mamsh! Ilang araw/linggo pwedeng lumabas at maglakad lakad pagtapos manganak? May aasikasuhin na mga papeles at dokumento po, hindi naman aakyat panaog sa hagdan.
Prayer request
Hi mga ka-TAP! Namiss ko to, ang tagal ko din hindi nagbubukas ng TAP app. Gusto ko lang po sanang humingi sainyo ng prayer request para sa operation ng mother in law ko bukas or this week po, may bukol po kasi sya sa tyan nya na kasing laki na ng ulo ng baby at kidney failing na po sya kaya kailangan agad maoperahan. Will pray for you too comment nyo lang po prayer request nyo. Mas madaming magppray, mas mabisa po ng sobra. Thank you mga ka-TAP! 💕
Please pray for my baby.
Hi mga ka-TAP. Makikisuyo po ulit sa inyo, pakisama naman po sa prayers nyo ang aking baby na si Isaac (1month 23 days), nsa hospital kami today due to fever and seizure nya po. Sobrang sakit sa pakiramdam na makitang tinutusukan ng kung ano ano anak mo at the same time ganun yung nangyayari sa kanya masyado pa syang bata ? Pakisama po na sana negative and okay lahat ng lab test etc. Will pray for you too. Godbless!
Update last March 1, 2020
Hello mga ka-TAP! March 3 na ngayon, finally nakauwi na din nadischarge ako kanina. Normal na lahat ng lab test ko, ultrasound, BP, wala ng heavy bleeding (spotting nalang) at okay na ako (hopefully magtuloy tuloy na at wala ng heavy bleeding). Findings sakin eh late Postpartum hemorrhage at mild anemia due to blood loss. Kaya ako nagheavy bleeding dahil nagrelax daw ang matres ko bumuka yung mga ugat nya kya naglabas ng dugo tas may natirang konting lining pa ng dugo sa matres ko pero no need iraspa ulit, need ko lang daw uminom ng meds (pang contract ng uterus, vitamins for blood and antiobitic) para mawala yung lining na yun at umokay yung dugo ko. Maraming salamat sa greetings and prayers nyo, sobrang dami nyong nagdasal kaya nadinig ni Lord at pinagaling agad ako. Nakahinga na ko ng maluwag kahit nabutasan ng bulsa okay lang atleast buhay ako at kasama ko na magama ko ? Ingatan natin ang kalusugan natin mahal magkasakit at yung pamilya natin nagaalala din. Health is wealth. Godbless! PS : Nasa photos yung tungkol sa postpartum hemorrhage and Anemia.
Need your prayers po.
Hello mga ka-TAP! It's my birthday today but currently we're on the hospital, inadmit and under observation due to heavy bleeding. Kakapanganak ko lang last Feb 13 via NSD. Nagstart heavy bleeding ko nung Feb. 26. Unfortunately kanina sumobra ulit yung labas ng dugo sakin may kasama pang buo buo nakapa 3 palit ako ng napkin na all night long then 3 diaper L for baby dahil punong puno ng dugo. Almost every hour ako nagpapalit pero nung huli kakapalit ko lang puno na agad ng dugo, Kaya we decided na itakbo ako sa hospital dahil putla na kulay ko, di na makahinga ng maayos, hinang hina na parang lantang gulay, hindi na ako masyado makausap ng maayos, parang mahihimatay na ko at sobra na labas nung dugo sakin. Medyo umookay na po ako but still need your prayers po hopefully maging okay na ako totally at mawala na bleeding. Namimiss ko na sobra baby ko iyak ako ng iyak dahil sa pagkamiss ko sa kanya at sila ng mag ama ko agd naisip ko nung tinatakbo ako sa hospital. Thank you mga ka-TAP. Godbless. Update : Mga ka-TAP may post na ko kung bakit ako dinugo, pacheck nlang sa isang post. Thank you ulit! :)
Share ko lang experience ko as a New Mom.
Yeyyyy! Baby's out @ February 13, via NSD 40 weeks via LMP 37 weeks via Ultrasound Flex ko lang baby boy ko, super masunurin at mabait simula nung nasa tiyan ko, habang lumalabas sya at paglabas nya. February 12 night, medyo naglilikot na si baby sobra at panay sakit ng tyan ko sabi ko sa kanya kung lalabas na sya labas na sya. February 13, 2020 - Naglalabor na pala ako hindi ko alam. 4am - Sumakit ulit tyan at puson ko, naglakad lakad kami ng nanay ko mga 30mins tas feel ko bumaba ng konti tyan ko. 9am - 10am - Nagworst pagsakit ng tyan at puson ko then may brown discharge na kaya nagpunta na kami hospital para ipacheck up sana kung bakit pero inadmit na agad ako dahil 2cm na daw. Tuloy tuloy na paghilab ng tyan at puson ko. 2pm - 3-4cm 5pm - 5cm 8pm - 6-7cm 9pm - 8cm sabay putok ng panubigan ko, feel na feel ko na lalabas ulo ni baby kaya panay sabi na ko sa ROD at nurses na lalabas na si baby pero wag ko daw muna ilabas dahil 8cm palang 9:20pm - pagkaupo ni Doc OB bigla lumabas si baby ng walang kahirap hirap. Hindi ko na naramdaman pag gupit sa pempem ko, sabay tulog pagkatapos ilabas si baby. Lahat ng sakit at paghihirap sa pagllabor sobrang sulit after ko syang ilabas. Isa na kong ganap na mommy, Thanks sa app na to, isa to sa pinaglilibangan ko habang preggy ako. Tamang basa ng article, sagot ng question and answer etc. Goodluck sa mga preggy na ilalabas palang ang baby nila. Pray lang and kausapin nyo si baby para mas mapadali paglabas nya effective sya sakin.