EDD SEPT 1 OR 3

Ako lang ba dito yung ginawa na lahat, lakad, squats inom at kain ng piña, nag prim rose na din pero ayaw pa din lumabas ni baby. ? Napapagod na ko haha tinatamad na tuloy ako maglakad lakad

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Once na nag 37 weeks kana anytime pwede ng lumabas si baby. Pero habang wala kapa sa due date continue mo lang paglalakas sis. Ako dati June 6 EDD ko and then June 5 naglabor na ako, madaling araw ng June 6 lumabas si baby. Hayaan mo baka ineenjoy pa ni baby ang stay sa tummy mo ☺️

5y ago

Oo nga sis everyday pinapagod ko sarili ko pero ngayon pahinga na ko iipon na ko ng lakas. Thank youuu

Tama po momsh. Wag lang pwersahin si baby na lumabas. Baka nageenjoy pa sya dyan sa loob ng tiyan mo hehe. Lakad lakad pa din at exercise, continue lang primrose. Ako, August 28 due date ko, waiting pa din. :) Mahirap mastress si baby sa loob ng tiyan. :) Wag lang talaga madaliin. :)

5y ago

Pahinga muna ako sis. 2 weeks straight na sobra ko pinagod sarili ko e haha makapag ipon muna ng lakas! Haha

Relate much. August 27 due ko. Nagprimrose nag pine apple juice konting squat lakad lakad 3cm ako last week 38weeks. Mag 39 weeks na ko sa tuesday. Feeling ko inenjoy pa ni baby ang pagsipa sipa sa tyan. Sana makaraos na. Goodluck satin mga momsh. Praying for safe and normal delivery

5y ago

Tama po. Amen to that. 🙏🙏🙏 Check up ko na ulit bukas 39weeks na ko.

Lalabas din po yan sa time na gusto nyang lumabas.. Wait and pray na lng po kau.. Kasi sabi nga po sa akin ng mga pinsan ko.. Lalabas at lalabas ung baby ko at di naman titira sa tyan ko.. Hehehe

5y ago

True sis, ganyan nalang nga ginawa ko di ko na pinapagod sarili ko ung iba nga ni hindi man naglakad lakad pero walang kahirap hirap manganak

same sis ang dami ko na din nagawa wala parin. ako nga 38 weeks na di padin siya lumalabas.. mag 3 weeks na ko 1cm padin.. ayoko ma overdue at cs :(

5y ago

Atleast sis open cervix ka na. Konti nalang yan! Malapit na yan 🤗

Same tayo mamsh. Sept 1. Kaka IE ko lang kahapon, closed pa daw :( niresetahan ako buscopan for 5 days. Gusto ko na din manganak :(

5y ago

Kalma nalang tayo sis libangin natin sarili natin. Baka the more na hinihintay naten sila the more na nagpapabebe sila haha

ang tagal pa ng EDD mo, wag mo stressin sarili mo. sasabihin nman ng doktor kng overdue kna at need n paanakin

VIP Member

Wait mo nlng sis. Or kausapin mo si baby pra lumabas na. Depende daw kc Yan Kay baby Kung gusto na nyang lumabas.

5y ago

Ako niresetahan na ko kasi tinanong ko sakaniya eh. Pero parang wala naman effect sakin. Depende siguro talaga kay baby

Baka anong mangyari sa baby sis pag pinilit. Lalabas naman yan eh. Wag ka lang maooverdue

5y ago

Yun nga po kinakatakot ko yung ibang ka same ko kasi ng due date nangananak na e.

same. ako e aug 26 edd. ginawa ko na din lahat. ayaw pa lumabas ni baby. 😥