pagluluto

Ako lang ba may asawang sobra magpatronize sa luto ng nanay nya? Siguro naman hindi. Haha. Share ko lang po. Likha siguro ngang masarap magluto ung byenan ko. Kaya madalas pag magluluto dito sa bahay, di masyadong kumakain asawa ko unless siguro gutom na sya. Pero may nasasabi pa din sya. Usually, pag may handaan lang naman. Like bdays tapos ung usual na handa, mas masarap daw mama nya pag gawa. E one time napikon ako kasi parehong nagluto ng halayang ube dito sa bahay tsaka mama nya. Nilabas ko palang ung halaya tapos nagsabi na sya na masarap daw halaya ng mama nya. So sabi ko. Sige pag bumukod na tayo, dun nalang tayo magpapaluto palagi ng ulam. Sabi ba naman na, bakit papaluto pa, e kung pwedeng dun nalang kumain. Kinuha ko ung halaya tas sabi na di nga sya kakain ng halaya. Nagalit din sya. Although pag may mga time na ako ang nagluluto, di naman sya nagrereklamo kahit pa alam kong di ako marunong talaga magluto. Kini criticize nya lang ung luto ng kung sino man dito sa bahay. Pero pag ako nagluto, lagi nyang pinupuri even before ung argument namin na un. Kahit ba naman saved by the google or youtube lang lagi ang recipe ko. Anyways, share ko lang nga ito. ?

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Ako din momsh, I feel you. Haha. Nung nagasawa ako andami ko pa din nadiscover between me ang my hubby. 10 years kami mag-bf-gf, bihira ang big fights usually tampuhan lang. Never naghiwalay, walang cool off cool off or i need space ganyan. Naging komportable sa lahat bg bagay, love sya ng family ko, love ako ng family nya. Until we decided to get married. Narealize ko, andami nyo pala talaga maddiscover sa isat isa lalo na ang pagcocompare sa mg ways, gestures, culture and values ng respectivw family nyo. Kahit ako, may nga bagay na napapatanong ako, like " di b ganito ganyan sa inyo?" "di ba kayo tinuruan ng ganya? ganito?". Sa luto ganun din, madalas kami magcompare like, "si mama naglalagaybng ganito pag ganyan" or "nye, bakit mo inuna yan, dapat igisa mo muna para malasa" Hahhaha dahil dyan, mas madalas ang tampuhan namin ngayon magasawa na kmi kesa nung mag bf-gf. Pero 2 years pa lang namn kaming kasal at 2 years pa lang magkasama sa isng bubong kaya siguro ganito pa hehe. But it's okay kasi di naman bmin hinahayaan na matulog ng may tampuhan.

Magbasa pa

Dti d tlga ko magaling magluto, minsn pa nssktan ako pg ngluto aq tas ung asawa ko kc masrap mgluto ssbhn nya s luto ko my kulang dapt gnto dpt gnyn pero aminado aq n d aq kagalingan mgluto gang s nkuha ko ung gusto nyang luto ng eenjoy xa tas my luto xa n fave n fave ko ppaluto ko un s knya at tlgang masaya ko pag nakkain ko luto nya gnun ndn xa pg nglluto aq lalo s dessert hehe nkuha ko n kiliti nya s pagkain. Tas hipag ko at byann ko suppirtive nmn s luto ko kht ano☺️ tas pg my d aq alam n luto ngpapaluto nlng aq ulam s knila .

Magbasa pa

Para saakin, mama ng asawa ko masarap din mag luto. Alam ko may times n nmimiss ng asawa ko luto ng mama nya. Pero ok lng yun saakin. Honestly sa una mejo nkkalambot eh. Pero na realized ko na hindi ko man matapatan klase ng luto ng mama nya pero kaya kong makuha ang gusto nya at ng ibng tao. Iba iba kc yn eh. Ako kc bgo p kmi nagkakilala oag luluto n hilig ko. So di mag tataka n pag edad ko ng edad ng mama nya eh masasabi ng mga anak ko na "masarap mag luto mama ko" (at ako yun) try lng sis at isapuso ang pag luluto

Magbasa pa
VIP Member

Ako naman masarap magluto ang mama ko. Dito kami nakatira sa bahay ng husband ko at papa naman niya taga luto. Namimiss ko luto mama ko kaya pag may handaan sa amin naguuwi talaga ako ulam dito. Sila rin naman aminado na mas masarap luto ng mama ko. Pero siyempre pag nagluluto papa niya sinasabi ko rin masarap kasi parang ugali nila husband na kung sino nagluto sasabihan nilang masarap kahit na sa tingin ko hindi kasi nasanay ako sa standard ng mama ko.

Magbasa pa
VIP Member

Partner ko din ganyan, pero di namn ako nagagalit kasi totoo namn πŸ˜‚ Masarap talaga magluto mama nya tsaka yung lola nya. Agree namn ako, kasi kahit ako sarap na sarap din sa luto. Depende rin siguro sa way ng pagkakasabi. Sya kasi pagnagsalita hindi namn nakakaoffend. Nagsosorry din sya kapag sinasabihan nyang mas masarap luto ng mama nya. Siguro kausapin mo nalang si hubby na sna maappreciate nya luto mo kasi kayo namn ang magiging magkasama lagi.

Magbasa pa
VIP Member

Ako din po YouTube lang ang sandalan sa pagluluto. Feeling ko di ko kaya magluto pag wala si YouTube. πŸ˜‚ Takot ako pagdating sa tanchahan ng lasa, kaya minsan pinapatikim ko din muna kay hubby bago ko tapusin yung niluluto. Pero buti nalang support ang hubby ko sakin, masaya sya pag may luto na akong ulam pagkagaling nya ng work. 😊 Kasama din namin ang MIL ko sa bahay, medyo matabang lang sya magluto. Hehe

Magbasa pa
5y ago

Gusto lang din kasi ng mga tao sa bahay tamang lasa lang, hindi din naman ako nag aalat ng luto. Hindi naman kami nagrereklamo sa MIL ko, kinakain padin naman namin luto nya. πŸ™‚

Ako di ako marunong magluto, d2 sa na bahay ang mother ko nagluluto. Sarap na sarap naman asawa ko sa luto ni mama. Pero kapag breaskfast lalo na kapag papasok siya sa work, nilulutuan ko sia ng itlog, tuyo, corned beef etc (yung sobrang dali lang talaga lutuin) heheh natutuwa naman ako kasi naapreciate nia pa din kahit simple lang. Sabi niya basta daw luto ko, kakainin niya. πŸ₯°

Magbasa pa

Hahahaha c partner nmn lge nya pinupuri luto q. At miss n miss nya na dw pgnasa malayo xa. Pg kumain kme sa labas ssbihin nya mas masarap p dw ung luto q kaysa inuorder nmin. Minsan sa sobrang npka appreciative nya pakiramdam q pinagloloko lng aq. Pero masarap p rn s pakiramdam na pinupuri ung luto q khit hndi nmn tlga ganun k sarap.. hehehe

Magbasa pa

Si hubby ko din sobrang bilib sa luto ng nanay niya. Eh culinary si hubby kaya magaling din magluto. Ako marunong pero hindi ko hilig. One time nagluto ako ng menudo. Di ko nalagyan ng hotdog. Nilait niya. Madami pa natira. Kinagabihan bumili ako hotdog nirepair kom tawa siya ng tawa. Ilang years na yun dpa din siya makaget over. Hahaha

Magbasa pa

Same with my hubby always papuri siya sa luto dit naku nung kinasal naman kami yung lutu na may cream ata yun nangangamoy na nakakahiya na sa mga bisita kaloka. Ayaw kona ulit naulit yun e. Hahahahah masarap naman sila kaso lang di nila sinasama sa panahon ying nilutu nilang yon kasi ang init na e tas with cream pa ang niluto nila.

Magbasa pa