pagluluto

Ako lang ba may asawang sobra magpatronize sa luto ng nanay nya? Siguro naman hindi. Haha. Share ko lang po. Likha siguro ngang masarap magluto ung byenan ko. Kaya madalas pag magluluto dito sa bahay, di masyadong kumakain asawa ko unless siguro gutom na sya. Pero may nasasabi pa din sya. Usually, pag may handaan lang naman. Like bdays tapos ung usual na handa, mas masarap daw mama nya pag gawa. E one time napikon ako kasi parehong nagluto ng halayang ube dito sa bahay tsaka mama nya. Nilabas ko palang ung halaya tapos nagsabi na sya na masarap daw halaya ng mama nya. So sabi ko. Sige pag bumukod na tayo, dun nalang tayo magpapaluto palagi ng ulam. Sabi ba naman na, bakit papaluto pa, e kung pwedeng dun nalang kumain. Kinuha ko ung halaya tas sabi na di nga sya kakain ng halaya. Nagalit din sya. Although pag may mga time na ako ang nagluluto, di naman sya nagrereklamo kahit pa alam kong di ako marunong talaga magluto. Kini criticize nya lang ung luto ng kung sino man dito sa bahay. Pero pag ako nagluto, lagi nyang pinupuri even before ung argument namin na un. Kahit ba naman saved by the google or youtube lang lagi ang recipe ko. Anyways, share ko lang nga ito. ?

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako din po YouTube lang ang sandalan sa pagluluto. Feeling ko di ko kaya magluto pag wala si YouTube. 😂 Takot ako pagdating sa tanchahan ng lasa, kaya minsan pinapatikim ko din muna kay hubby bago ko tapusin yung niluluto. Pero buti nalang support ang hubby ko sakin, masaya sya pag may luto na akong ulam pagkagaling nya ng work. 😊 Kasama din namin ang MIL ko sa bahay, medyo matabang lang sya magluto. Hehe

Magbasa pa
6y ago

Gusto lang din kasi ng mga tao sa bahay tamang lasa lang, hindi din naman ako nag aalat ng luto. Hindi naman kami nagrereklamo sa MIL ko, kinakain padin naman namin luto nya. 🙂