aalis or mag stay?

Mga momsh advice naman po plsss. Dito kami nakatira sa parents ni hubby mag 3 years na kami dito hindi pa daw kasi namin kaya bumukod sabi ni hubby. Working student sya dati pero nag stop sya dahil nashort sa budget tapos sabi nya ipagpapatuloy nya daw ang pag aaral tapos nag aral sya stop nanaman. Sabi ko sa kanya dati kung ayaw nya na mag aral hanap na sya ng ibang work na malaki laki sahod tutal 4th year na sya kaso ayaw nya humanap nag stay parin sya sa work nya kasi mag aaral pa namn daw sya. Sa nakikita ko po kasi tinatamad na sya pumasok dahil nung nag aral sya ulit palagi jya sinusumbat sakin na ako lang naman may gusto na mag aral sya. Ngayon sabi ko sa kanya ano na plano nya. Sabi nya po sakin DIBA NGA MAG AARAL AKO ! Minsan kapag napag uusapan namin yung word na bubukod sasabihin nya wala na daw ako ibang inisip kundi bumukod. Sa totoo lang po napakahirap dito sa kanila dugyot kaya yung dating umaga hapon ako naglilinis ngayon tinatamad na ko dati palagi ako nagluluto ngayon hindi na kasi palagi nalang pinipintasan luto ko saka minsan hindi nila kinakain pero kpag hindi naman ako nagluluto tamad daw ako. Hindi ko naman po masabi hindi masarap luto ko kasi sa probinsya namin kapag may handaan isa ako sa tinatawag dun ng mga pinsan at tita ko para magluto sa bahay namin ako naka toka magluto kapag wala si mama ko. Nakakainis po kasi nakakuha sila instant yaya tapos mamili ka lang sasabihin bakit hindi sila kasama eh pinamili ko lang naman po mga pang baon ni lo sa school tapos gatas. Kapag naglagay ako sa ref wala na po sila lang kakain at iinom ng pang baon.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel na he's still a bit immature and unprepared sa responsibilities nya as a father and as a husband sayo. We have almost the same situation. Yung bf ko working student din, fortunately just this month natapos na nya yung 4 years nya so 1 year left nalang to finish eng'g and this year we're already expecting our first baby. Set-up namin? Ganyan din, gusto nya mag full time muna sa work para makaipon tapos tsaka nya tatapusin yung pang last year nya sa studies - though ayoko ng plan nya at first, naisip kong it's better if magtitiwala ako sa mga plans nya for himself and for us kasi I know na hardworking na tao talaga sya. Wala rin kaming malaking ipon and some of it pa nga mapupunta sa renovation ng bahay na pagtitirahan namin kasi eager din sya that we'll live separately kasi una palang sinabi ko na sa kanyang ayokong makitira kasi alam kong mahirap makisama. What I'm trying to make you realize sis is that, if the guy has an ambition for you and for the fam that he is raising, he'll man up and he'll work harder no matter how unprepared and unplanned the situation is. Communicate with him sis, make him feel na you're at his side and that you're helping him in your own ways. Tapos alis kana rin dyan if hindi pa rin maging okay lahat. Believe in "LEAVE AND CLEAVE". Mahirap mag solo pero iba yung peace of mind sis kapag nakatayo kayo sa sarili nyong paa. Walang pangingielam mula sa ibang tao also makikita yung partnership nyong mag asawa.

Magbasa pa

Parang asawa mo immature. I dont want to judge. Syempre kakarampot lang naman yung kinwento mo about sakanya. Boys will be boys. It takes time to be a man. If he is man enough, Kung di na nya trip mag aral tama yung sinabi mo lumipat sya ng work na mas malaki sahod. 4th yr na sya tapusin nalang nya yan after pandemic. Kahit ako ayoko may kasama sa bahay na inlaws or kahit parents ko. Kasi for sure sa feelings ng asawa ko ganon din. Lalo pride. Yung asawa mo, Masyado dependent sa magulang or takot pa sya maging fully tatay na halos shoulder nya lahat. Kailangan malaman mo talaga nasa loob ng asawa mo. kasi mga ganyan hilig magsinungaling aya sabihin. totoong nasa utak

Magbasa pa

Mas maganda talaga nakabukod mamsh kasi you have your own place tapos magagawa mo pa lahat ng gusto mo gawin without anyone saying any comments. Kung keri na go ka na sa pagbukod kung ayaw ni partner mo better to make him realise na meron na syang responsibility and own family. Try mo rin open up yung situation mo sakanya. Ako nga di pa kami naka tira sa house ng parents ng hubby ko yung ate nyanng mahadera kunv ano ano na sinasabi sa chat tungkol sa baby ko kesyo pwede na daw painom ng tubig kasi mag 1 month na jusko po. Pano pa kung yung asama mo sa isang bahay ganyan ugali diba

Magbasa pa
5y ago

Lol same. Pakialamera din ate ng asawa ko. Minsan nakakalimutan nyang ako nanay ng anak ko sa sobrang pakialamera nya

Di ko alam kung ano advice ko mommy halos same tayo kc. Pero ang kaibahan lng ay mababait inlaws ko. Kusa nalang ako kumikilos kc nahihiya akong wlng ginagawa. Iba lng talaga siguro yung feeling na walang nangunguna sa desisyon mo. Lalo na sa pagpapalaki sa anak mo. Yung husband ko nman parang wlng balak magtrabaho undergrad din sya at balak magaral ulit kaya lng natapat na pandemic. Tapos di pa ko matulungan sa pag alaga ng baby. Prang wala sa loob nya yung pamilya nya sad to say pakiramdam ko di kami priority. I need your advice too mga mommy..

Magbasa pa

Mahirap ung ganyan sis.. alam mo kami nga nagpaplano palang c hubby na mangupahan kami kasama kapatid nya d ako sang ayon kase mahirap may kasamang in laws. ok kayo sa una kalaunan may masasabi na yan at aminado ko may ugali ako baka d rin magkasundo. mahirap po tlg ung ganyan, pag usapan nyo pa maigi ni hubby mo.. paunawa mo lahat lahat ng naiisip at nararamdaman mo sis.. isama mo dn sa prayer mo yan na sana hipuin ni lord puso at isip ng asawa mo sana maunawaan ka

Magbasa pa
VIP Member

Sis sikapin mo mg ipon parabmay pang bukod ka kung ayw nman ng aswa mo papiliin mo nlng sya kamo aalis kayo ng anak mo o mg sikap sya mg bukod kayo for privacy pra khit ano gawin o kainin mo ok lng ma enjoy mo pa buhay ina mo parang nkaka awa pag gnyn sunod sunoran ka lng s side ng aswa mo at kung wla nman sya plano para s pag aaral kunwari nya lng nko i pa stop muna mga gnyan tao wla yan mapuntahan ikaw pa cchin s lahat ng bagay n ayw nya dami nya kamo alm

Magbasa pa

1. Are you financially stable pra bumukod? Mukang hindi pa- afford nyo ba ang 3k pataas monthly rent, kuryente, tubig- kapag hindi, tiis ka lang muna jan sis. I feel you, pero sa ngayon, pag hindi kaya bumukod, lunukin mo nlng mga snsbi nila at ipagdasal mo sila. 2. Pag kaya mo naman at na calculate mo na monthly expenses nyo, GO sis, pra masalba mo ung dignidad mo.

Magbasa pa

Kung ayaw nyang bumukod, try mong humiwalay sa kanya, isama mo yung bagets. Hindi nya malalaman ang halaga ng mawawala sa kanya kung hindi mangyayari yon. Stand for yourself mamsh. Hindi pwede yung susunod ka lang lagi sa gusto ng LIP mo, lalo na kung alam nyang nahihirapan ka na makisama sa bahay ng parents nya pero wala siyang ginagawa.

Magbasa pa
VIP Member

Alam ba ng asawa mo yan? Yung tungkol sa parents niya? Kasi kung nakausap mo na siya at wala namang nangyari. Alis ka na sis kaysa magstay ka tapos ikaw lang nahihirapan. Ako nga, ayaw ng parents ko sa bahay ng asawa ko kami tumira ng baby ko kasi baka ganyan nga mangyari. Pero kung di naman alam ng asawa mo yan, tell him para may magawa siya.

Magbasa pa
5y ago

Alam po ng asawa ko sya pa nga nakakakita minsan ng mga napkin ng kapatid nya nakakalat sa cr may dugo tapos pinagkainan san san tinatapon or nilalagay yung foods sasabihin nya bili nalang daw ulit alam na namn nyang walang pera

Hi! Sabi nga, Leave and Cleave. Okay lang makitira sa in-laws kung okay sila, pero kung balahura sila at pati pamimili mo eh pinapakialaman nila, utang na loob, gumawa kana ng paraan. Kung hindi pa afford magrent or magbukod, uwi ka muna sa inyo with your kids para makarealize yung mister mo.