pagluluto

Ako lang ba may asawang sobra magpatronize sa luto ng nanay nya? Siguro naman hindi. Haha. Share ko lang po. Likha siguro ngang masarap magluto ung byenan ko. Kaya madalas pag magluluto dito sa bahay, di masyadong kumakain asawa ko unless siguro gutom na sya. Pero may nasasabi pa din sya. Usually, pag may handaan lang naman. Like bdays tapos ung usual na handa, mas masarap daw mama nya pag gawa. E one time napikon ako kasi parehong nagluto ng halayang ube dito sa bahay tsaka mama nya. Nilabas ko palang ung halaya tapos nagsabi na sya na masarap daw halaya ng mama nya. So sabi ko. Sige pag bumukod na tayo, dun nalang tayo magpapaluto palagi ng ulam. Sabi ba naman na, bakit papaluto pa, e kung pwedeng dun nalang kumain. Kinuha ko ung halaya tas sabi na di nga sya kakain ng halaya. Nagalit din sya. Although pag may mga time na ako ang nagluluto, di naman sya nagrereklamo kahit pa alam kong di ako marunong talaga magluto. Kini criticize nya lang ung luto ng kung sino man dito sa bahay. Pero pag ako nagluto, lagi nyang pinupuri even before ung argument namin na un. Kahit ba naman saved by the google or youtube lang lagi ang recipe ko. Anyways, share ko lang nga ito. ?

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Try nio po magpaturo mgluto s MIL mo po at the same time bonding nio n din po mgbyenan, mtatanong nio po xa ano b ang mga gus2 ulam, dessert ng hubby mo. I'm sure po lgi n s inio kakain ang hubby mo.. Hindi po kasi natin maiaalis n mamiss nia luto ng mama nia un po kasi ang nkasanayan nia mula p noong bata xa

Magbasa pa

share ko lng sakin. nag luto ako ng tinola, fav. ko un gusto ko ipatikim ung luto ko. kaka taranta ko na sunog ung chicken, kaya nung nilagyan ko na ng sabaw brown instead na yellowish. hahaha. sabi nya masarap nmn kaso may pagka mapait. di kase ako gaanong marunung mag luto, sakto lng.

VIP Member

Same here. Kinausap ko na lang siya, sabi ko hindi naman ako matututo kung hindi ako magaaral. Pag nawala nanay nya mamumuti mata nya sa gutom. Ayun, simula nun, pag nagluto ako bawal siya makikain sa iba, unless na lang napagusapan na talagang dun kami kakain sa MIL ko

ganyan din mr ko 😅 lagi nia sinasabing masarap luto ng mama nia at papa nia pero totoo naman 😅 pero nahuhurt ako pag di sya nasasarapan sa luto ko pero for me masarap naman niluluto ko😅 magkaiba lang talaga kami ng taste ..maarte sya pahdating sa panlasa .

Kami ng asawa ko magkasundo kami basta pagkain. Wag lang masama sa panlasa marami talaga sya masasabi. Importante din sa kanya yung malinis pagkaka prepare. Kahit luto ng kung sino (handaan) basta masarap kakain lang sya. Pag luto ko naman lagi nya din pinupuri.

Sakin naman masarap din yun luto ng mama at daddy ng asawa ko. Haha parehas namin na mimiss. Buti na kang ako magaling sa dessert. Hahaha pero sa mga ulam ulam. Wala e. Kaya asawa ko pinag luluto kom kuha din naman nya lasa ng luto ng byanan ko. 😅

Ganyan din partner ko.... Mas madami syang nkakain pagluto ng nanay kaya nga minsan sinasabihan ko tlaga sya "pagLuto ng mama mo madami kang kumain "😅😅 minsan iniintindi ko na lang at bka nmiss nya lang luto ng mama nya

VIP Member

Same here..magaling nmn tlga magluto mama niya unlike sakin laging palpak pero ndi nmn sya nagagalit natatawa nlng sya kc pinapakain ko daw sya Ng Asin sa sobrang alat Ng mg luto Kong ulam

Hahaha ako bihira kumain ng luto ng iba kc ma's gusto ko luto ko lng kpg nagluto c hubby I pretend n nasasarapan ako para Di xa mag tampo pero minsan tlga my luto xa hindi ko magustohan...

eh di ibalik mo sya sa nanay nya..heheheh..joke lang😄.sakin nmn para di nya mamiss yung luto ng nanay ni hubby ung mga alam na lutuin ni MIL niluluto ko din at tinandaan ko ung lasa.