Paoline Bueza profile icon
PlatinumPlatinum

Paoline Bueza, Philippines

Contributor

About Paoline Bueza

Preggers

My Orders
Posts(36)
Replies(26)
Articles(0)

PPD ( Postpartum Depression )

Hi kapwa ko mommies. Ang hirap kapag na inatake ka ng Postpartum Depression, di ko mapigil yung iyak ko. It started last week (2 weeks after giving birth). Sobrang inis ko sa asawa ko, naka leave nga siya sa work niya para maalagaan kaming mag-ina pero lagi siya wala sa bahay. Tsinempuhan niya kasi na kumuha ng Drivers License. Kaso it took him 3 days bago siya nakakuha kasi lagi siya inaabot ng cut off. Aalis siya ng maaga at uuwi ng hapon, so ako maiiwan sa baby namin. 3 consecutive days yun kaya napagod ako then noong pang 4th nagpunta sia bahay nila para sunduin si mama (mother in law) para makita si baby. Ang tagal na naman niya dumating at yun din ko na napigil noong dumating siya, sa sobrang inis ko umiiyak ako at ayaw ko siya makausap. Ang reason ko kasi nagleave nga sia para maasikaso kami, lalo na ako na bagong panganak kaso palagi naman siyang wala. Ako mag-isa nagpapaligo kay baby, nag-aalaga, at nagpapadede (Breastfeed kami). Yung gusto ko magpump kasi gusto ko pahinga yung dede ko ang sakit na pero di ko magawa kasi nakasalpak si baby sa boobs ko o kaya hinehele ko siya. Tapos ngayon po naiinis na naman ako sa kanya, nakabalik na po siya sa trabaho, magkachat kami tapos may finorward sia sa akin na need na forward din doon sa isa namin friend. Ang kinainis ko po ay minamadali niya ako, around 1pm niya po sinend then ngayon 6pm di ko pa din nasisisend kasi busy po ako kay baby. Sabi ba naman niya sa akin sana pinorward ko na daw kanina kasi baka abutan kami ng breaktime w/c is 6:30pm to 7:30pm. At iyun na naman na triggered yung PPD ko. Umiiyak na naman ako sa sobrang inis kasi bakit di niya maintindihan na ang hirap mag alaga ng bata tapos papaspasin niya ako. Although nagsorry na naman siya, naiinis pa din ako sa kanya. Grabe itong Postpartum Depression ko, yung asawa ko nagtitrigger pero siya din yung gamot ko. All I want ay maiintindihan niya ako at tulungan niya ako sa baby namin.

Read more
 profile icon
Write a reply
 profile icon
Write a reply