Hormones

Hi mga mamsh... Share ko lang po yung hinanakit ko tonight .. Napapaiyak po talaga kasi ako at pag pinigilan ko naninikip po yung dibdib ko.. Ganito po kasi yung nangyari.. Nagluluto po kasi ng dinner yung lip ko which is veggies po and nakisuyo lng nmn po ako na pwede may pares na tuyo, masarap nmn po yung gulay kaso gusto ko din po may konting alat yung kinakain ko .. Medyo pihikan po kasi ako now sa pagkain and nasusuka pa rin po ako like nakakaramdam pa rin po ako ng morning sickness, marami nga po akong pinaglilihian na hindi ko nakakain kasi nga po mas iniintindi ko yung pagba-budget ng lip ko.. Kahit minsan po gustong-gusto ko talaga pero tinatago ko nlng. Pero binibilhan nmn po talaga ako ng lip ko pag alam kong nakakaluwag2 kami... After ko po kasi sabihin na wala bang tuyo love or ibang pares yung gulay? Sinagot nya po kasi ako ng halong may inis "edeh magluto ka" , sa totoo lng po kasi siya po gumagawa ng gawain sa bahay like magluto ng ulam, kasi may fracture po ako sa kaliwang kamay nabali po kasi and wala po akung magagawa if mahihirapan po akung kumilos, yung feeling po na sana nakakakilos ako ng maayus.. Naiintindihan ko nmn po yung lip ko baka sa pagod nya from work and umuulan pa pero feel ko din po kasi hindi nya din maintindihan na hindi ganun kadali ang magbuntis :'( Ilang beses ko na din pong napagpasyahan na umuwi na muna samin baka gumaan-gaan po yung pakiramdam ko.. Kasi lalo pong tumatagal parang hindi nya po aku naiintindihan kung bakit ako nagkakaganito.. Pag nag-aaway po kami sinasabi ko sa kanya pag natanggap ko na yung lastpay ko sa work ko before ,bahala na siya mag-isa sa bahay namin at uuwi ako sa amin, kahit mahirap po ang buhay namin dun baka mas maintindihan nila ako kasi marami akung kapatid and baka mas gumaan yung feelings ko.. Lip ko din po kasi yung pinaglilihian ko kaya ganito ako ka emotional ,konting galit lang nya agad2 akong napapaiyak at napapaisip na hindi nya na ako mahal :'( Hindi din po siya kumain now kasi baka daw isipin ko na siya mas iniisip nya sarili nya kesa sakin at pinagsabihan pa ako na magpopost na naman daw po ako sa fb at sisiraan na naman siya, kaya dito na po ako nagsheshare kasi maraming chismosa at pakialamera sa fb eh.. Hahay.. Gumaan yung pakiramdam ko ng mailabas ko dito yung saloobin ko kahit ayaw pa tumigil ng luha ko at least naibsan yung kirot sa puso ko :'( Ps. Desidido na po ako umuwi muna samin pag nareceive ko na lastpay ko, mahirap po kasi tubig samin kaya gagawan ko nalang ng paraan para hindi kami mahirapan sa tubig.. Sa comments ko nalang din po ilalagay X-ray ng nabali kung braso para may idea po kayu kung bakit nahihirapan akung kumilos.. Pero Thanks God at nafifeel kong unti2 na akung nakakarecover :)

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

It's okay to not be okay dear. Maaring hormones mo lang Yan. :) ganyan din ako now. Mas okay na mag usap kayo NG maayos. One on one ba. Magpasensya ka na ganito ganyan and ipaintindi mo din na di madali yung pagbubuntis mo. With a calm and sincere tone. Pag usapan nyo din Yung plan mo na dun ka muna sa family mo. Para magkaron kayo NG understanding sa isat Isa. Ask him din Kung ano yung nararamdaman nya. Baka ngalang pagod sya etc. Or may pinagdadaanan sya sa work ganun. Be loving. Wag yung pasigaw.

Magbasa pa
5y ago

I see. Well all u can do now is to Pray. Wala tayong magagawa sa mga bagay na hnd natin macocontrol. Give it to God. Sya lang makakapagbigay ng understanding sa asawa mo. Trust Him :) sya din magbibigay sayo ng lakas sa nararamdaman mo ngayon.

And wag pataasan ng pride. Hug him. Kahit sya may kasalanan sayo. Just hug him. Kahit masama loob mo. Wag pakipot. Tignan mo. Mawawala yung hinanakit nyo sa isat Isa. Love always win