unworthy

Zefs turns week 10 today. Wherever you are my little Angel I hope you have a beautiful place there in heaven. My anak, sising-sisi ako dahil mas pinakingan ko ang sabi ng walang kwentang tatay mo. Sana anak pinursue nalang kita eh. Yung ang dami ko nang plano sa buhay mo anak, yung napipictured out ko na ung mga mangyayari sayo. Pero nak? Pasensya kana ha? D alam ni mama gagawin nya that time, walang may nakakaalam ng sitwasyon ni mama kung gaano kagulo ang isip ni mama. Anak masaya ako nung nalaman kong buntis ako syempre may halo ding konting lungkot. Anak.. Nung nandito kapa sa sinapupunan ko, ang dami ko nang nararamdaman na signs. Yung palagi akong gutom kahit kakakain ko lang, yung palagi akong puyat kahit wala akong ginagawa, tulog ako ng tulog tuwing hapon, Yung merong pumipitik sa tyan ko na d ko alam kong ano pero alam ko dahil sayo yan nak. Pasensya anak dahil di ka ni mama pinaglaban. D ka ni mama pinursue.. Mahal na mahal kita anak. D ako natutulog ng maayos sa kakaisip ko sayo nak. Anak sana mapatawad mo ako, pinag pri-pray kita anak. Sana kung mabibiyayaan ako ulit ng magandang blessing ni Lord na yun ang ANAK ay MAMAHALIN KO TALAGA NG SOBRA SOBRA at IPAGLALABAN KO KAHIT KANINO. Anak ko, alam kung umiiyak ka sa langit bat namin nagawa to sayo. Anak ko, sana maging masaya nako, pero hindi anak... D ako masaya nung nawala ka. Anak patawaaaad ???? ang bigat bigat ng pakiramdam ko nak.

95 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

lately nakakabasa ako ng ganyan sa fb, pero more on sa ibang bansa kung saan may ilan na Pro-choice. Choice kung itutuloy or iteterminate ang pregnancy. Lahat tayo may choice pero once na mafetile ng sperm ang egg, once magsimulang tumibok ang developing heart ng embryo may buhay ng nagsisimula at kasalanan ang sapilitang pagterminate sa kanya. Although andaming pro-choice pero di mawawala ang consequences like pagkabagbag ng budhi. Nangyari na ang nangyari, what i think you have to do is ask for forgiveness to our Creator,He is ready to forgive all our deepest and greatest sins (1Juan 1:9,Awit 103:12)and forgive yourself too. One of the things that i learned from the Bible is na ang mga namatay na ay wala ng nararamdamang sakit, or suffering. (Ecles 9:5,6)They are just resting and in peace. I hope u find peace din. Alam namin na sobra mong pinagsisisihan ang ginawa mo,learn to forgive yourself. And be a better person, and mom in the future.

Magbasa pa
6y ago

ako nga ung nakita kong itlog palang yung baby ko ng sya ko eh via transV.. kasi akala ko may something na ko sa matres may Pcos kasi ako eh. tapos yung sinabi sakin ng OB na fertile ako at may eggs na nadedevelop s matres ko natuwa ako. kc alam kong yun na ung baby ko 1week palang siya nun .. 😊😊😊