My Baby Ethan in Heaven

My Baby Ethan in Heaven Born on January 16,2022 Died on January 29,2022 I miss you anak ko.. Palipas ng palipas ang panahon pero pabigat ng pabigat yung nararamdaman ko.. Siguro nga may dahilan kung bakit nangyayare ang lahat, kinakaya ko para sayo mahirap man tanggapin pero alam kong balang araw babalik ka sakin at magkikita ulit tayo 🙂 Mahal kita ikaw ang pinamagandang nangyare sa buhay ko.. Ang pogi mo talaga nak dumalaw ka sa panaginip ko ha, yakapin mo ako...

My Baby Ethan in Heaven
17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yung baby ko lumabas lang sya nung feb 13, yun nga daw nakakain at nakadumi na daw sya sa loob ng tiyan ko sabi ng midwife kaya my antibiotic na tinuturok sa kanya. dalawa sa umaga at isa gabi, 5days po yun need. Siguro mga 24hrs. kami na discharge ni baby at pag uwi namin sa bahay kinagabihan po nyun bigla po syang nilagnat nagnormal naman din mga 2hrs temperature nya. Tas kinabukasan po nung umaga dadalhin po namin sya ulit sa pinanganakan ko dahil sa gamutan nya, sinabi namin na bat sya nilagnat. at ang sabi nya pacheck up muna daw sya sa pedia bago tunduan ulit sya dahil yung antibiotic na tinutundo pala sa kanya ay hindi nakakalagnat. Pagpunta naman po namin sa pedia bigla na naman po sya nilagnat at nakita nila na miyat miya nataas temperature nya, di daw normal yun kaya nag bigay agad sila ng refferal na need nga po ipaadmit. naghanap po kami ng maraming hospital paikot ikot din po kami ang tagal pa ng process bago sya na admit mga 4-5hrs pa inabot nya. Umabot na din ng 40 boby temp nya. Pero sa awa ng diyos, malakas si baby at lumaban sya. 16days na po si baby ngayon. Eto po yung First time mom lang po talaga ako. Alam ko po yung feeling ng mawalan, dapat second baby ko na to, kaso yung first baby ko, nawala po agad sya sakin nasa tiyan ko palang, 1-2months palang sya nyun siguro. Kaya sobra din ako natakot, kinaya ko lahat para sa kanya, sobrang higpit din po sa hospital at pinili namin ang mahal para mailigtas po talaga sya dahil sa sitwasyon natin sa covid.

Magbasa pa

condolence mommy...anong ikinamatay ni baby? aq kc diagnose ng mga doctor ay may sakit xiang persistent pulmonary hypertension...lungs yung apektado sa knya

condolence po dinanas ko din yan 2days ko lng nksma yung anak ko na namatay.,sepsis naman sya bacteria daw yun ska parang kulang sa buwan

Ethan din name ng baby ko. Nasa heaven na rin sya ngayon. May baby angel ka narin mii our guardian angels.

sending hugs and prayers.. be strong po.. may I ask ano reason po?

condolence po. do you mind if I ask what reason po? muka naman po syang healthy.

2y ago

Ako din nawala din baby ko pero mas pinili ko mag pakatatag para sa Family ko at sabi nga ng iba baka hindi pa sya para sa akin nung time na yun kaya tinatatagan ko at hinintay ko yung time na yun, Mag pakatatag ka po isipin mo po Future mo kahit nasa Heaven na si baby gawin mo po inspiration yung Family mo po

ano po naging cause ng pagkawala nya sis? so cute ni baby

sending virtual hugs and prayers mommy🙏🙏🙏

Condolences 🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻

Sending hugs mommy! stay strong 💕