unworthy

Zefs turns week 10 today. Wherever you are my little Angel I hope you have a beautiful place there in heaven. My anak, sising-sisi ako dahil mas pinakingan ko ang sabi ng walang kwentang tatay mo. Sana anak pinursue nalang kita eh. Yung ang dami ko nang plano sa buhay mo anak, yung napipictured out ko na ung mga mangyayari sayo. Pero nak? Pasensya kana ha? D alam ni mama gagawin nya that time, walang may nakakaalam ng sitwasyon ni mama kung gaano kagulo ang isip ni mama. Anak masaya ako nung nalaman kong buntis ako syempre may halo ding konting lungkot. Anak.. Nung nandito kapa sa sinapupunan ko, ang dami ko nang nararamdaman na signs. Yung palagi akong gutom kahit kakakain ko lang, yung palagi akong puyat kahit wala akong ginagawa, tulog ako ng tulog tuwing hapon, Yung merong pumipitik sa tyan ko na d ko alam kong ano pero alam ko dahil sayo yan nak. Pasensya anak dahil di ka ni mama pinaglaban. D ka ni mama pinursue.. Mahal na mahal kita anak. D ako natutulog ng maayos sa kakaisip ko sayo nak. Anak sana mapatawad mo ako, pinag pri-pray kita anak. Sana kung mabibiyayaan ako ulit ng magandang blessing ni Lord na yun ang ANAK ay MAMAHALIN KO TALAGA NG SOBRA SOBRA at IPAGLALABAN KO KAHIT KANINO. Anak ko, alam kung umiiyak ka sa langit bat namin nagawa to sayo. Anak ko, sana maging masaya nako, pero hindi anak... D ako masaya nung nawala ka. Anak patawaaaad ???? ang bigat bigat ng pakiramdam ko nak.

95 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

NAG POST KA NA NAMAN?! FOR WHAT!? DI KA NAHINTO JAN SA PAAWA EFFECT MO. If you really are sorry, punta ka ng simbahan MANGUMPISAL KA! Nakakainis mabasa yang post mo about sorry sorry sa anak mong ikaw mismo and partner mo ang may kagustohan na mawala. Lahat dito may dala dalang baby and every one is happy kasi magkakababy na sila and it is very frustrating na makabasa ng post na kagaya ng sayo. buti sana kung unintentional na nawala baby nyo. Sorry miss pero never na makukuha mo symphaty ko. Mas ok pa siguro na you go to church and mag repent ka sa mga nagawa mo. Di yang sge ka post about how sorry you are to kill your baby. kalami ra nimo kumuton oi. May sarili ka na namang pag iisip but you chose to follow your bf's immature way of handling responsibilities. You can never bring back what you've done. Lagot sab ka! lami ka bigyan. saba jah!!

Magbasa pa
6y ago

sobra sis nung nabasa ko nga talagang kumulo dugo ko akala niya kaaawaan siya di niya alam mas madaming mabibwisit sa ginawa niya turning 7months preggy na ako nung nabasa ko bigla ako napahawak sa tyan ko jusko walang matinong tao ang makakayang kumitil ng buhay para lang makatakbo sa responsibilidad. kalami niya kulatahon oy! grrrrrrrr

I have never liked kids nor did I plan to have one. Nung nalaman kong buntis ako hindi ako naexcite gaya ng iba, although I am thankful but nowhere near wanting to have one but abortion had never ever crossed my mind. I am not religious but I believe once you create new life, responsibilidad mo na ito kahit gaano pa kagulo ang current life mo. When I delivered my baby it took me almost a month to finally feel a mother's emotion. Ngayon, naghiwalay kami ng kinakasama ko at nakikitira ako sa friend ko while looking for a job and my baby is at home kasama yung friend ko na nagbabantay, pero never will I let go of him even if gaano man ka bigat ang binabato sakin. Your baby chose you, yet you did not and now you claim you loved him. Shame.

Magbasa pa
VIP Member

I know you did that for a reason, may it be valid or not. At alam ko din na alam ng anak mo at ni Lord kung bakit mo nagawa yun. It's just saddening kasi nagpadala ka sa sinsasabi ng ibang tao. The moment na may heartbeat na si baby sa tyan mo, nanay ka na non. Sana nagpakananay ka din sa kanya at pinanindigan mo sya. Pero nangyari na eh. Wala na tayong magagawa. Sana may natutunan ka sa pagkakamali mo. Talagang ganyan, nasa huli ang pagsisisi. I just hope you don't commit the same mistake again. At sana matuto kang manindig at magdesisyon para sa sarili mo. Hindi yung isang sabi lang ng kung sino eh susundin mo. You could've talked to someone and sought advice. Please be better next time. People change for the better. I hope you do, too.

Magbasa pa

Kakagraduate ko lang ng college, and I'm bound to Singapore sana for my 1st job at andun nadin sa Sg ang BF ko, but that time ko din nalaman na 2 months pregnant ako, though i felt lost , ndi ko inisip ipatanggal, pinaglaban ko sa mama ko and everyone else kahit andaming nanghuhusga. Now I'm here with my 6 year old daughter, walang bahid ng pagsisisi na ginive up ko ang magandang future ko para sa isang napakagandang blessing at yun ay ang anak ko. Not judging here, pero sana pinag isipan mo muna hindi lang pitong beses kundi 100 beses yung ginawa mo. Dadalhin ng puso at kunsensya mo yan habangbuhay. Maraming babae ang willing ibigay ang lahat magka anak lang tapos ikaw sinayang mo lang ang pagkakataon. I'll pray for your soul.

Magbasa pa

Some women have been through the same as you do. Yung magulo isip kasi buntis or nabuntis ng hindi handa. Magulo isip, hindi alam iyong gagawin. I've been through that too. Pero hindi ko inisip na ipalaglag iying baby ko. Pinagdasal ko araw araw na enlighten ako. To fix my emotion. Iyong araw araw feeling mo mababaliw ka kasi hindi mo alam iyong gagawin mo. Pero the moment na maramdaman mo iyong movement ni baby inside your own womb, it felt worth it. Lalo paglabas niya, iyong maprapraning kana lang kasi kakalapag mo palang sa higaan niya iiyak na naman. Iyong puyat ka but you're satisfied kasi bigla siyang ngingiti tapos tititigan ka. Too bad you won't feel that. Hindi ka makakaramdam ng pagod at ng ganung uri ng saya.

Magbasa pa

Alam mo, nung 1st born child ko sabi ko never na muna ako magbuntis. Pero unexpected my 2nd child ulit na dumating, iyak gabi't araw ako kasi dami ko pa gustong gawin specially mag 3-3old palang 1st born ko. At 1st hindi ko talaga tanggap, lagi ko inaaway husband ko, din dami nagaadvice palaglag ko nalang daw. Pero i prayed, hindi ko sila pinakinggan instead tinuloy ko siya at inalagaan kasi anak ko parin dinadala ko at hindi naman ako masamang ina. So, ayun thank god maayos naman process ng 2nd child ko at happy kami/ako. 12 Days old na 2nd child ko today. 🙂 Lesson ko is, wag lagi isipin ang sitwasyon kasi lilipas at lilipas lang ang pangit na pangyayari sa buhay natin. Sayang yung sayo ate.

Magbasa pa

Isa lang massabi ko nakakaawa ka. Pagkakataon n yung bngay sayo ni God, tpos ano gnwa mo sinayang mo lang.. walang katumbas n kahit ano p man bagay s mundo ang kaligayahan ng pagiging isang ina. Firsttime mom to be/24weeks ako mrami ring pagsubok skin..pero d ako nag stick s mga un kasi alam kong mllagpasan ko dn yun.. now wala kong iniisip kundi ang pagging safe palagi ni baby hanggang s paglabas nya lalo n hbang lumalaki sya.. sana un dn inisip mo. D k sna nging selfish.. meron nga dyan mas worst p cguro ung nrrnasan sayo pero still lumalaban sila kasi alam nila n isang Anghel ang pinagllban nila.. Ganun tlaga yan ang pinili mo..nsa huli talaga ang pag sisisi..ipappray ko nlang ung baby mo.

Magbasa pa

haiiztttttt..so sad Naman...ako PO buntis,5 months...kahit sobrang hirao at stress ang pagbubuntis ko, kumpara sa panganay namin, Hindi sumagi s isip ko Yan..life is unfair,pero u must be brave enough para lumaban..sana ipinaglaban mo po..baby is a blessing, tao yan, na dapat mahalain..itlog palang yan sa sinapupunan, may karapatan na Yanna mabuhay, ..I'm a teacher and I'm handling a grade 2 class..and may lessons kami about karapatan ng isang bata..and I really taught them well sa mura nilang isipan, na karapatan ng lahat ng sanggol n mabuhay at mahalin.. u must go to church and pray,...momsh...maging lesson na sana Yan sayo..kayo Rin and dadalawin ng konsensya araw araw.. God bless

Magbasa pa
VIP Member

wag mong isisi sa asawa mo na nabuntis ka at hindi mo pinaglaban ang anak mo. choice mo parin un. ikaw ang nagdadala sa sarili mo hindi ang asawa mo. kung ang lalaki di kayang ipaglaban ang anak nya, bakit wala ka bang sariling desisyon? wala ka bang pag iisip para sabihin na dapat mabuhay yang anak mo.. lahat kaming nakakabasa dito, napagdaanan din yang stress at puyat na sinasabi mo, bakit kinakaya namin? dahil may takot kami sa Diyos. buhay ang kinitil mo, hindi yan stuff toys o bagay2x. think twice bago ka gumawa na bagay na alam mong labag sa kalooban ng Diyos. Magdasal ka teh, kailangan siguro ng pananampalataya para magkaroon ka ng takot sa kanya. God bless

Magbasa pa

Stressful post momsh... lalo na sa kagaya ko na namatayan ng baby due to congenital heart and lung defect.. my first born.. yung tipong ginawa namin lahat para lang mabuhay sya.. tapos parang sa ibang tao ganun lang kadali yung magpalaglag.. 😔 No one can actually judge you but God. Try to reflect momsh and if in time na gagawin nyo yung mga bagay na alam nyong maaring magbunga ng isa pang buhay.. think million times first please.. ang dami daming baby ang gustong makita ang mundo.. ang dami daming couples na gustong magkaanak..its not just about pleasure.. you should know kung pano maging responsible.. You pray and reflect. 🙏😶

Magbasa pa