Sino po dito naka experience after manganak, masakit at makirot yung wrist at mga daliri nya???

Tuwing umaga po kasi hindi ko maigalaw yung mga daliri ko parang naglock po tpos, yung wrist ko masakit, hindi kaya mapwersa minsan kapag may binuhat ako ng kanan lang nahuhulog ko... Any advice? Or same condition? Btw two months na po ang baby ko iniisip ko nga dahil sa bigat ni baby kaya naipitan ako ng ugat sa kamay kada kalong ko sya

Sino po dito naka experience after manganak, masakit at makirot yung wrist at mga daliri nya???
12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same with me momsh, pero sakin kasi, mula ng maging ok ok ang pakiramdam ko, ako na lahat gumawa eh. kahit maglaba ng pinagduguan kong undies, lampin ni baby at mga damit, ako na ang naglaba, even mga bote basta lahat ako na ang gumawa... so naisip ko baka nagsi urungan na mga ugat ko kaya masakit ang mga daliri at braso ko kasi nalamigan ako. babad sa tubig. kaso, ganun talaga eh, hindi naman ako tinulungan nung asawa ako eh. no choice. kada bago na lang matulog, nilalagyan ko ng omega pain para initan

Magbasa pa

momsh nagkaganyan din ako pagkapanganak nung September 2020. 2 weeks na si baby ininda ko rin mga kamay ko. yung pakiramdam na hindi maka grip. ang suspetsa ko sa pagkusot ng damit ni baby (e daily naman and onti lang) pinapa massage ko sa asawa ko or sa 6yo daughter ko every night. nawala rin naman nung naka 1 month si baby.

Magbasa pa
VIP Member

I have this now pero di na ganun kasaket compare nung 1st month after manganak. As in khit anong gwin mo masaket tlaga sya lalo pag napwersa. 2 months na si Baby ko ngayon. Mawawala din yan mommy. Hilot hilutin mo lang.

VIP Member

pa check m sya. nag kaganyan ako nun habang karga at multi tasking sa bahay. diagnosis s akin nun carpal tunnel syndrome. nka wrist support ako dati. consult physical doctor. dati kse na rehab ako for this

Same here.. Nung nsa province ako pnahilot ko po xa.. Mejo nwala then bmalik ulit since ako lng ng aalaga sa baby ko.. Then nung 3 months n c baby nawala n lang xa ng kusa..

same experience mommy ang ginawa ko hinihilot ko siya ng ointment na malamig sa kamay and nawawala nman siya p unti unti

Sken nammanhid npo lage mga kmay q Lalo sa Umaga. Wla din pwersa.excercise q p sya pra mkglaw at mgkron Ng lkas.

VIP Member

Yes mommy same here. Nag ka CTS din ako after delivery sa 2nd ko. Matatanggal din po yan after ilang months.

try use salonpas po yan lng gsmit ko nwala ung sakin

i suggest po na magconsult sa ortho.

4y ago

Nagpa consult na po ako trigger finger po ang diagnosis